Nasa loob na ako ng kotse ni blaze,nakabili na rin ako ng regalo para kay mama.Excited na ako super! Sana matuwa si mama sa suprise namin,kasi pati mga kaibigan ko ay dinamay ko sa kalokohan ko. Gusto ko kasing makita ngumiti muli si mama,alam kong ang dami nya ng problema.
Napasimangot naman ako ng muling maalala ang pagkawala ni kuya "Bwisit!" Inis kong bulong.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtingin ni blaze ilang segundo rin yun at ibinalik sa daan.
"What's wrong?" Pag aalala nitong tanong.
Umiling nalang ako. Sa di malamang dahilan ay biglang nag init ang ulo ko,akala nya ba makakatakas sya! Sino yung babaeng kausap nya? At bakit hindi sya nagpakita saakin?
"Are you jealous?" Nakangising tanong ni blaze saakin.
Grr! Ba't kasi kaylangan pa nyang marinig ang inisiip ko! Masyadong kabaliwan 'yun.
"Hindi! Ba't ako magseselos? Ba't ano ba kita?" Inis kong saad sakanya at inirapan sya.
Nakakainis na ngiti ang gumuhit sa mukha nya,hindi sya nakatingin saakin pero sa ngiti nya palang nanghihina na ang tuhod ko.
"Don't be jealous,kahit sandamakmak pa na babae ang iharap saakin,kahit nakahubad pa ang ihain sa sakin di kita ipagpapalit sa iba,anghel ka na nga iiwan pa ba kita?" Seryoso nitong saad na nagpatigil sa pagisiip ko.
Bahagya syang tumingin saakin at inilipat iyon sa labi ko. Hindi ako makagalaw at nananatiling nakaistatwa lang ang katawan ko.
Unti unti syang lumapit saakin at napapikit ako. Grabe 'tong epekto ni blaze saakin.
Ngunit ilang segundo na akong nakapikit wala parin akong naramdaman na kahit ano.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko,at hayun! Si blaze tawa ng tawa!
"Hahahaha you really want me to kiss you huh?!" Patuloy nitong tawa habang binabalik ang tingin sa akin at sa daan.
Napairap nalang ako. Shit ka! Napahiya ako dun ah.
"Joke lang athena,this is not the right time for that,next time nalang kapag marunong na ako nun!" Saad nito ng nakangisi kumindat pa saakin.
Hindi ko sya pinansin dahil ramdam ko parin ang matinding hiya. "And never do that again,natetemp akong halikan ka eh" pahabol nito at ibinalik na sa daan ang tingin.
Nakarating na kami sa bahay ni blaze. At ipinark 'yun sa loob. Malaki naman ang place namin kaya walang problema kung sa loob sa magpark.
Sinalubong kaagad kami nila Charis. "Hi girl!" Sigaw ni charis at niyakap ako.
"Oh ba't andito ka pa? I thought sasamahan mo langbkami mamili?" Takha kong tanong.
Ngumiti naman ito ng malaki "Naconvince ko kasi si mommy eh buti na pumayag na basta daw ingat ako at pag uwi ko tawagan ko nalang yung guard namin para sya na magsundo"
Sosyal talaga nitong si charis may guard pa.
Ngumiti naman ako sakanya. "Mabuti naman kung ganon!" Sagot ko
Sumunod naman si lyn na namumula ang pisngi nung makita si blaze.
"Pasok na tayo kaylangan na natin magdecorate" sabi ko sakanila,ewan pero nawala ako sa mood.
Pagkapasok ko ay nagulat ako nang makitang handa na ang lahat.
Nakasabit na yung mga pinamili namin pati 'yung mga lobo ay andun na.
Napangiti nalang ako. "Tinapos na namin nung nasa mall kayo ni blaze" nakangiting saad ni lyn.
Nginitian ko sila isa isa,"Thankyou guys!" Sabi ko at niyakap sila.
BINABASA MO ANG
I own your blood
VampirosHighest Rank #2 in Thirst #6 in Vampire's love Sypnosis: A vampire is an creature from folklore that feeds by blood of living. Blaze is one of the best example of vampire--he sucks blood but to only one person,Athena. In ab...