Chapter 20- His Brother

88 40 4
                                    

Nandito na kami sa school.sakto lang ang dating namin dahil papasok palang ang mga studyante.

Isa isang tiningnan 'yong Id namin lahat kami nakapasok maliban kay Blaze.

"Oppps! Hanggang dyan kalang totoy!" Guard

Kita ko naman na nainis si blaze dahil sa pagtawag sakanyang totoy.

Ano bayan! Mag aaral sya rito tas wala syang Id?

"Kuya di mo ba sya pwede papasukin? Kasama naman namin sya eh?" Pag mamakaawa ko.

Hindi naman natinag ang masungit na guard. "Paano makakapasok yan eh walang Id? Hindi ako nagpapapasok ng pasaway!" Inis na sabi ng guard.

Kainis to ah! Feeling principal amp sungit pa.

"I'm new here,what do you expect? Magkakaroon kagad ako ng id tss" pagsusungit ni blaze sa guard.

Hahaha kahit kaylan to si blaze walang pinipili pati guard sinusungitan.

Nakita ko naman ang pamumula ng buong mukha ng guard dahil sa galit.

"Bastos ka ah! Baguhan kalang dito!" Galit na sabi ng guard.

Ngayon nakatingin sya ng seryoso sa guard. Bigla naman itong napaatras. "Baguhan ako sa school na'to pero hindi sa pag aaral. And excuse me,i'm blaze not totoy" galit syang sabi nagkikiskisan pa yung ngipin nya sa inis.

"Osige! Blaze! P-pasok na" Medyo utal na sabi ng guard.

Aba pati guard natakot na sakanya ah.

"Thankyou mr.guard!" Pag aasar pa ni blaze aba may pakindat pa

Dahil dun halatang nabeastmode si guard dahil sa pagkindat nya.

"Tara na nga mauubos oras natin eh" inis na sabi ni rhea,sya yung nangunguna ngayon sa paglalakad

Excited? Wala pa namang klase.

Dinikitan ko ngayon si blaze na ngayo'y swabe sa paglalakad.

Aba si kupal walang dalang bag!

"Ba't pako magbabag,alam ko na mga lectures natin. Naka ilang ulit na akong mag aral no" pagyayabang nya sabay winked.

Yabang! Onga matagal na kasi syang nabubuhay sa mundo eh.

"Eh pa'ano ka naka enroll?" I asked. Nakakapagtaka kasi eh,pati ba vampire may birthcertificate?

"Simply i fake it. Pera pera lang naman yan eh" Sagot nya ng hindi nakatingin saakin.

"Humanda ka talaga! Di ka manlang nagdala ng notes baguhan ka palang!" Inis kong sabi sakanya.

Nagcrossed arm naman sya sabay tingin sakin at ngiti. "Alam mo hindi mangyayari yun,i will make sure that i will stand out in this school" sabay kindat.

Nakakainis na talaga yang kindat nya! Sarap suntukin para maging kirat eh.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa building namin,second floor lang kami kaya madali kaming nakaakyat ng di masyadong napapagod.


"Teka blaze san pala room mo?" Tanong ni lyn kay blaze.

May inilabas itong papel kung saan nakasulat ang section "Section Diamond ako" sagot nya.

Section Diamond? Alam ko sa taas pa 'yon eh.

Edi punta ka na dun. Ba't kapag sumunod samin? Takang tanong ni charis.

Napakamot naman si blaze. "Gusto ko sa section n'yo ayaw ko sa diamond" parang bata nyang sabi.

Sinamaan ko naman sya ng tingin "Oo na oo na. Samahan mo nalang ako!" Sabi ni blaze sabay ngisi.

I own your blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon