Chapter 40

26 2 0
                                    

"Since then nakabantay na ako sa'yo Athena walang araw ang lumipas na hindi kita pinagmasdan,ako ang nagsilbing guardian angel mo. Alam ko kung gaano ka nahihirapahan habang nagdadalaga ka,kaya nung naging kaibigan mo sa Rhea ay nakapampanti na rin ako".

Kaya pala,sa tuwing may nang-aaway saakin ay nagkakaroon bigla ng himala,naalala ko nuong may nagtanggol saaking binata,makailang ulit niya akong ipinagtanggol ngunit hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataong makilala man lang siya,pero ngayon nasa harapan ko na,naalala ko rin nuong kaming dalawa ni Porter,bigla na lamang siyang sumusulpot.

Tumango-tango ako at hinayaang ituloy ang kwento ni Papa.

"Your mother,she was my first love". Nakita ko sa ngiti ni Papa kung gaano pa rin siya kainlove kay mama,ngunit kaagad ring napawi 'yun.

"Masaya kami,sobrang saya lalo na nung dumating ka. Ang naging problema lang ay ang panghihimasok ni roger saming dalawa,hindi ko alam kung anong ginawa nya kay Grace,kung papaanong nahulog si Grace sa katulad n'yang hayop!". Nagtiim-bagang ito at kinuyom ang kamao.

Naguguluhan akong tumingin sakaniya. "Hayop? May iba pa ba siyang ginawa bukod sa pang-aagaw kay mama sa'yo?". Hindi ko mapigilang magtanong kay Papa,sa tono ng pananalita niya halatang galit talaga siya kay Daddy Roger.

Nagtiim-bagang ito bago sinagot ang tanong ko. "Marami anak,marami".

"Wala ka na bang magagawa Pa? Isusuko mo na lang si mama?".

Umiling ito. " I'm sorry athena,ginawa ko na ang lahat,ngunit wala na,ipinagtabuyan nila akong dalawa". Yumuko si Papa,kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Pero bakit hindi ka manlang naikwento ni Mama?". Hindi ko mapigilan ang pagtanong. Gusto kong sulitin ang pagkaataong ito upang malaman ang lahat.

Humugot ito ng malalim na paghinga bago sumagot. " I don't know,maybe gusto n'ya na talaga akong burahin sa puso't isipan niya,pati ako na ama mo ay tinanggalan niya ng karapatan sayo."

Nakakapagtaka,bakit naman pati ito ay sinikreto pa ni mama sakin?

Saglit na tumahimik ang paligid,pinipilit ko paing maproseso lahat sa utak ko.

"Pa,nalulungkot ka rin ba sa pagkawala ni Kuya Jeffrey?". Pag-iiba ko,napansin ko kasing hindi manlang nabanggit ni Papa si kuya.

"Anak,m-may dapat ka pang malaman,sa k-kuya mo". Pagkasabi niya nun ay tumayo siya upang lumakad sa mahabang pasilyo,wala akong nagawa kundi sundan kung saan siya pupunta,ang bilis rin ng pagtibok ng puso ko,kinakabahan ako sa nalaman ko at sa malalaman ko pa.

Sa bawat paghakbang ko hindi pa rin mawala saakin ang pagkamangha,hindi pa rin ako makapaniwalang isa akong Prinsesa,bawat nadadaanan ko mapakawal ay napapayuko,ay iba'y nginingitian ako,ganon din ako pabalik sakanila. Hindi pa naman ako sanay sa gantong klaseng atensyon,sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan ang maging sobrang saya. Dahil sa wakas nalaman ko na rin ang sikretong pilit na itinatago saakin.

Huminto kami sa katapat naming pinto,malaki at malapad ito kumpara sa normal na pintong makikita natin sa bahay,hindi ito gawa sa kahoy dahil gawa ito sa metal,may nakaukit na disenyo rin dito na halatang maharlika ang nakatira. May nagbukas ng pinto saming harapan na sa tingin ko ay ang alipin.

Napukaw ng atensyon ko ang lalaking nakahiga saming harapan,hindi ko na pinansin ang pagbati saakin ng babaeng alipin.

Ang bigat ng paghinga ko,pati na ang paghakbang ko ay bumabagal na rin. Hindi na ako nag-abalang tignan ang paligid nitong kwarto dahil naiistatwa ang tingin ko sa lalaking nakahiga sa may kama. Alam na alam ko ang katawang iyon,ang mapayat na katawan ni kuya,hindi ko na mapigilang maluha at tumakbo palapit upang mayakap siya.

Matagal kong mamiss ito,itong yakap na ito na nakasanayan ko. Kung buhay lang sana si kuya baka ngayon ay binatukan niya na ako at sasabihing napaka-drama ko.

Kahit na may aliping nakabantay ay wala na akong pakialam,hindi ko mapigilang humagulgol,sa tinagal tagal naming naghintay at naghanap kay kuya nandirito lang pa siya.

"Kuya!". Naramdaman ko ang paghawak sakin ni papa sa balikat,ngunit hindi manlang ako pumukol ng tingin rito,tanging na kay kuya lang ang aking atensyon.

"Your kuya is fine".

"P-paano?". Nanlaki nalang ang mata ko sa sinabi ni Papa,ngunit nanatili pa rin ang tingin ko kay kuya,tinignan ko pa ang tiyan ni kuya at tama nga buhay siya dahil sa pagtaas baba ng kanyang tiyan na ibig sabihin ay ang paghinga nya.

"Vampire stuff my daughter,binuhay namin ang kuya mo,ngunit magiging isa na rin siyang bampira kagaya natin". Naging seryoso ang tono ng pananalita nito.

Lalo akong naguluhan sa sinabi ni Papa,diba dapat bampira rin si kuya dahil magkapatid kami,diba magkapatid kami?

Si Papa na ang sumagot sa tanong sa isip ko kahit na wala pa akong sinasabi. "Hindi kayo magkaano-ano anak,inampon lang siya ng mommy mo".

Kaya ba ganon? Kaya ba sa tuwing nagkekwentuhan kami ni mama ay isinisinggit niya ang tampo na parang hindi siya parte saaming pamilya? Bakit hindi ko npansin iyon? Dahil na rin siguro nasanay ako kay kuya na palaging nagbibiro,palag ing nakangiti at pinatatawa kami. Naaawa ako kaykuya,kung alam ko lang edi sana dinoble ko ang pagpaparamdam na mahal ko siya,kahit na hindi pala kami magkadugo hindi pa rin mababago ang pagtingin ko sakanya,kay kuya Jeffrey ko na kapatid ko,na kasangga ko at kasama ko sa kalokohan.

Pinunasan ko ang luhang tumutulo mula saking mata. Natutuwa pa rin ako dahil buhay si kuya,malaking utang na loob ko ito kay papa,alam na alam niyang mahalaga talaga saakin ang kapatid ko.

I own your blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon