Athena's P.O.V
Naglalakad na kami ngayon papuntang school.
Si rhea kasi nagrequest para daw bonding namin. Tsaka masaya namang maglakad eh dahil nagkukulitan kami at chikahan
Hindi rin maiwasan na tuksuhin namin sina Dave at Charis dahil sobrang sweet nila daig pa ang asukal hahaha
Malapit lang 'yong school sa bahay,walk in lang kaya okay lang saakin.
Hindi naman nakakapagod eh exercise narin dahil panay ako upo at higa lang ang hobby sa bahay.
Dumaan muna kami sa isang 7/11 para bumili ng snacks namin at slurpee na tig-20 lang. Ako na nanlibre sakanila para pambawi sa ilang araw kung absents.
"Upo muna tayo be!" Aya ni Jel kaya naupo kami sa gilid sa may salamin.
"Sa'n tayo next pupunta?" Tanong ni Charis na abalang sinisip ang kanyang slurpee,katabi nya naman si Dave na halos hindi pa nababawasan ang hawak na slurpee.
"Sa Mini Forest muna tayo. Madadaanan naman natin yun eh,tsaka dun na rin natin kainin 'yong snacks natin!" Rhea.
"Ay oo sa mini forest tayo! Matagal na kasi tayong hindi nakakapunta ron eh!" Lyn.
Oo nga. Simula naging Grade.12 Students kami naging busy na kami sa pag-aaral. Hindi na namin nagagawa masyado 'yong gusto naming gawin. Nuon halos nasa labas kami pero ngayon limited nalang 'yung oras. Pero okay lang,masaya naman ang buhay Senior!
Pagkatapos namin inumin 'yong slurpee lumabas na kami para simulan sanang maglakad papuntang mini forest.
Nanlaki nalang ako ng makita ko ang Pamilyar na kotse! Hindi ako nagkakamali dahil sya lang ang may ga'nong klaseng kotse!
Nasa harap namin ito at iniluwa si blaze.
Napanganga nalang ako sa nakita. Naka school uniform sya ngayon at bakat na bakat ang build ng katawan. May suot din syang black na shades na nakakadagdag sa kapugian nya.
Naramdaman ko naman na may kamay na pilit isinara ang buka kong bibig.
Tss kainis si rhea panira ng moment eh!
"Baka pasukan ng langaw" bulong nya saakin.
Nag "tsk" nalang ako bilang sagot.
"Oh?" Tipid kung tanong. Hindi ako nakatingin sakanya ng eye to eye dahil sa naiilang ako.
Tinanggal nya muna ang shades nya bago magsalita "Masama bang ihatid ang maganda kong pinsan?" Mahangin nyang tanong na nagpakilig saakin.
"Sana all may ganyang pinsan!" Sabat ni lyn na may nakakatuksong ngiti.
"Hindi naman!" Pataray kong sagot.
Syempre kunyari masungit ako hahaha
"I heared that" bulong nya saakin para di marinig ng nasa likod ko.
Tinarayan ko nalang sya saka pumasok sa magara nyang kotse. Nanguna na ako,sya naman nag sabing ihahatid nya ako eh.
"Hindi ba kami kasama dyan?" Nagtatampong tanong ni Jel.
Naka bukas yung door ng kotse kaya rinig ko parin kung anuman ang sinasabi nila mula sa labas.
"Ofcourse not,pasok na kayo mga girls!" Sabi ni blaze sakanila.
Kaya agaran silang sumakay. Nahuli naman si Dave na naiilang pumasok sa kotse. Loko kasi tong si blaze hindi manlang pinapansin si Dave tsk!
"Pa'no mo nalamang andito kami?" Takang tanong ni rhea.
BINABASA MO ANG
I own your blood
VampireHighest Rank #2 in Thirst #6 in Vampire's love Sypnosis: A vampire is an creature from folklore that feeds by blood of living. Blaze is one of the best example of vampire--he sucks blood but to only one person,Athena. In ab...