Chapter 35 - The Truth?

94 8 4
                                    

Mali ang iniisip mo,dahil noon pa man bampira na si athena."

Pareho kaming tulala dahil sa sinabi ni lolo ravenous.

Bahagyang nakabuka ang bibig ni Blaze dahil hindi pa rin sya makapaniwala. "Teka paano mo naman po nasabing bampira ako dati pa?" Taka kong tanong sa matanda dahil naguguluhan ako.

"No it's impossible!" Wika ni blaze sa matanda nakakunot na ang nuo nito ngayon. Feeling nya siguro nantitrip si lolo ravenous pero baka nga?

Humingang malalim ang matanda at tumingin saamin. "Nuong unang kita ko sakanya hindi ko alam kung bakit parang espesyal sya at kakaiba. Pero lumipas ang ilang linggo kung pag aaral at may natuklasan nga akong kakaiba" Panimula ng matanda,seryoso lang syang nagsasalita at kami naman seryosong nakikinig.

"And then?" Tanong ni Blaze sa matanda naka taas ang kaliwang kilay nito hudyat na gusto nya ng malaman ang susunod.

"Dhampir" tanging nasagot ng matanda.

"Dhampir?" Sabay naming tanong.

Huminga na naman ang matanda sa pangalawang pagkakataon. "Ang Dhampir ay isang uri ng hybrid kung saan Bampira ang ama at ang ina naman ay mortal. Sa madaling salita isang Dhampir si Athena pero" Pagputol nito.

Bampira si daddy? Omygod totoo ba to?

Kinakabahan ako sa susunod nyang sasabihin. "Ano yun? Pero?" Patuloy kong tanong dahil atat na akong malaman ito.

"Pero may iba pang espesyal sa Dugo mo" Seryoso nitong tugon. Nakatingin sya sa kawalan ngayon at tila nagiisip ng malalim.

Nakapalumbaba naman si blaze at tila malalim rin ang iniisip. "Pero kung una palang half vampire na sya or what so called "Dhampir" bakit hindi ko kaagad nalaman yun?" Deritsong tanong ni blaze sa matanda.

Oo nga may point sya. Ang bampira kasi malakas ang sense kung isa bang bampira o tao ang nakakasalamuha.

"Ayun ang hindi ko alam,kaya nga nasabi kong espesyal sya. Natandaan mo nung ginawa nyo yung ritwal? Kinuhanan ko si Athena ng dugo at inexamin yun. Marami akong tinignan ng libro baka sakaling makahanap ako ng sagot,at heto na nakuha ko na ngunit may kulang pa. Parang may umuudyok saakin alamin pa si Athena.

Grabe na ito,parang nakatadhana talagang makita ko si blaze para malaman ko ang bagay na ito.

"Teka Lolo Ravenous,ibig sabihin yung Daddy ko ay isang vampire?" Diretso kong tanong sa matanda.

Tumango naman ito. Kaylangan kong makausap si Daddy at magtanong pa ng nalalaman nya! Baka sakaling may makuha kaming impormasyon kung nasan si kuya. Kasi base sa natuklasan ko isang bampira rin ang kumuha sa bangkay ni kuya.

"Suotin mo ito Athena" may iniabot saakin si Lolo Ravenous na isang kwintas. May design itong moon sa loob "Para saan po ito?" Pagtataka kong tanong sa matanda.

Ngumiti ang matanda saakin. "Para sa iyong proteksyon iha!" Tugon ng matanda sakanya.

Narinig ko ang pag tsk ni Blaze. "Kaya ko naman syang proteksyunan lolo!" Inis nitong wika.

Sa mukha ni Lolo Ravenous ay hindi sya kumbinsido. "Hindi totoo yan Blaze,kahit anong oras pwede kang manghina kapag kinakailangan mong makainom ng dugo ni Athena diba? Hindi mo nakokontrol iyon at hindi natin alam kung kaylan may kalaban dahil nakapaligid lang iyan!" Wika ng matanda sakanya.

Narinig ko naman ang mahihinang pagmumura ni Blaze ay pagkuyom ng kamao nito. Hinawakan ko sya sa braso upang pakalmahin. "Tama si Lolo Ravenous blaze,maganda na ito para may proteksyon ako hindi natin alam kung kaylan may masamang mangyayari saatin" Tinignan ako ng seryosong si Blaze.

I own your blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon