Saturday ngayon pero di ko alam kung ano gagawin ko at papaano ko ba uumpisahan.
Triny kong hanapin 'yung account ni Glen Dela Cruz sa fb pero walang lumalabas. Kung meron man hindi naman nya kamukha yung nasa profile picture.
"Nakakainis!" Sambit ko habang nakasabunot sa buhok ko.
San ka na ba kasi kuya??
*toktoktok*
"Come in" tamad kong sambit.
Iniluwa nito si rhea,lyn,charis at jel na ngayo'y nakangisi.
"Ba't nandito kayo?" Kunot nuo kong tanong.
Napataray naman si charis. "Girl! Gala time! Duh?" Maarte nyang saad.
"Ayaw mo ba kaming makita?" Malungkot na tanong ni jel.
"Ah eh hindi naman sa ganon" Giit ko.
Napangiwi naman si rhea. "Bat ba kasi di ka pumasok kahapon?" Nag aalalang tanong ni rhea.
Napakagat labi nalang ako. "K-kasi" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumulpot si mama.
"Hayaan nyo muna syang magpahinga mga iha" saad ni mama.
Halata naman sa reaksyon nila na nadissapoit sila. Sorry talaga guys gusto ko man magbonding kasama kayo hindi pa pwede.
Nagsitanguan nalang sila bilang sagot kay mama.
"Kung di ka pwede gumala ngayon edi rito nalang muna kami sa kwarto nyo" nakangiting sambit ni charis.
Napangiti rin ako. "Sige sige" sambit ko
"Guys sabi ni tita hayaan muna nating magpahinga si athena tas ngayon balak nyo pang mang-gulo rito sa kwarto nya?" Mataray na saad ni rhea.
Nakita ko naman ang pag-ngiwi ni charis. "Then i'll just sit here" medyo malungkot nyang saad.
"Ano ba kayo guys! Okay lang no! May importante kasi akong ginawa kahapon kaya di ako nakapasok" nakangiti kong saad sakanila para kahit papaano makahinga sila ng maluwag.
Nagsilapitan sila saakin at agad akong niyakap ng pagkahigpit.
Problema nila? Hahahah miss na naman ako
"Isang araw lang akong nawala miss na miss nyo na 'ko" pabiro kong saad sakanila.
"Aray!" Inis kong sigaw ng bigla akong batukan ni rhea.
"Hehe namiss lang kita batukan" tawang sabi ni rhea sabay kamot pa sa batok.
"Himala ah wala yung boyfriend mo" Saad ko kay charis.
Malungkot naman syang tumingin. "Eh kasi may work sya" malungkot nyang saad.
"Sabi ko nga bibigyan ko nalang sya ng pera pero ayaw nya. Gusto nya pinaghihirapan daw nya" dagdag pa nya.
"Ano kaba! Ba't ikaw ang magbibigay ng pera sakanya? Tama naman sya eh dapat ang perang nakukuha nya ay pinaghihirapan nya" Pasaring ni rhea.
Ayan na naman si rhea nag-aala nanay na naman hahaha
"Asan si blaze? Tanong ni lyn na deritsong nakatingin saakin.
Aba! Bakit naman nya hinahanap si blaze???
"Wala rito" agad kong sagot.
Nakita ko naman ang paglungkot sa mukha nya.
BINABASA MO ANG
I own your blood
VampireHighest Rank #2 in Thirst #6 in Vampire's love Sypnosis: A vampire is an creature from folklore that feeds by blood of living. Blaze is one of the best example of vampire--he sucks blood but to only one person,Athena. In ab...