Chapter 42

46 3 0
                                    

Mabuti nalang ay inilusot ako ni Rhea kay mama. Sinabi niyang nasa kanila ako ng ilang araw dahil may tinatapos kaming group project. Malaki ang tiwala ni mama kay rhea kaya siguro hindi na siya masyadong nagtanong tungkol saakin.

Ngunit naguguluhan pa rin ako,ilang oras na akong binabagabag ni Blaze. Ang bigat ng paghinga ko't nahihirapang huminga. Ano ba ang nagawa ko para magalit ng ganoon sakin si Blaze?

Buong araw akong nasa kwarto,paulit-ulit bumabalik saakin ang mukha ni blaze,iba ang akto ngayon. Ito ang unang pagkakataon na masaksihan ko siyang ganon. Pero parang may iba eh,may kakaiba sa kung paano niya ako tignan. Hindi lang 'yung galit o ano. Parang may itinatago siya saakin.

Ang dami kong problemang kinakaharap ngayon. Paano kung malaman ng lahat na ako ang pumatay?na isang bampira ang umaalgid sa paligid. Paniguradong pag-iinitan kami ng mga tao,ayaw kong dumating sa point na bumalot ang takot sa lugar namin. Kung sino man ang nagpakalat nun paniguradong may matindi siyang galit saakin.

Pinilig ko ang ulo, "Paano na ngayon? Can i still manage to face my problems?". Para na akong sira,wala naman akong makausap bukod sa sarili ko. Walang makakaintindi sakin kundi ako lang mismo. Mukhang tama si Papa Crimpson,ayaw ko lang dumating s pundo na masaktan ako ni blaze at...at mapatay.

Napunta ang atensyon ko sa tumunog kong phone tanda na may nagtext saakin aligaga akong kinuha iyon sa aking bulsa.

From:Unknown

Kinakabahan ka na ba? Wag kang mag-alala,hindi lang 'yan ang pasabog ko sa'yo. Marami pang iba! Onting hintay pa,Athena. Blaze is mine".

                                                                   V.

Walang tigil sa panginginig ang aking kamay sa galit at inis. V? Sino si V? Wala akong matandaang V bukod kay Venus! Tama ba na si Venus ang lahat ng may pakana ng 'to? Kinakabahan ako sa maari niyang gawin. Sigurado sa mga oras na ito ay may inihahanda na siyang plano. Ang kaylangan ko lang gawin ay puntahan si Venus. Ayaw ko mang tumungtong sa Vandesia ngunit kaylangan kahit na maaring maging banta iyon sa buhay ko. Gusto ko siyang makausap tungkol dito. Tsaka ko na kakausapin si Mama at si Daddy Roger tungkol sa nalaman ko kapag naging okay na ang lahat. Sa ngayon ay ito muna ang aasikasuhin ko.

Andito pa man ako sa kwarto ay amoy ko na ang dugo ni Rhea.

Dali-dali akong bumaba upang salubungin siya. "Rhea?".


Napukol ang tingin nito saakin,seryoso lang ito. "Saan ka ba talaga nang-galing?". Humawak ito saaking kamay,namuo ang pag-aalala sakanyang mukha.

Humugot ako ng malalim na paghinga bago sumagot. "Sa susunod na tayo mag-usap. May importante lang akong pupuntahan". Aalis na sana ako ng higitin nito ang aking kamay.


Kaagad ko iyong tinanggal sa mahigpit niyang pagkakapit. "What's wring with you rhea? May importante pa akong gagawin kaysa ang ikwento sa'yo ang nangyari. I'll tell you,pag ka uwi ko".


" Pag-uwi? Bakit? May kasiguraduhan kaba na pagbalik mo ay buhay ka pa!?". Tumaas ang tono nito,nahinto ako sa sinabi niya,sumasakit ang aking dibdib sa kaniyang sinabi.

."Alam ko naman 'yun. I'm aware of that,handa naman ako para dun!".


"Pero Athena,mag-usap muna ta'yo. Tungkol sa kuya mo".

"Anong tungkol sa kuya ko?". Namuo ang pagiging kuryoso saaking tinig.


Bumuga ito. "May nakuha ng lead si Papa,ang totoo niyan hindi pa sigurado pero may pinaghihinalaan na siya!". Nakatingin lang ito sa baba habang nagsasalita. Mukhang seryoso nga talaga siya.

"Anong gagawin natin ngayon?". Tanong ko pa.

Pumukol ito ng tingin saaking mata. "Tayo ang mag-imbestiga".


"Girls,bakit nasa labas kayo?". Napunta ang atensyon namin kay Daddy Roger ng sumulpot ito.

Kagagaling lang nitong hospital,ganitong oras talaga ang kalimitang uwi niya.

Hindi ako makatingin ng deritso kay Daddy. Pakiramdam ko mababasa niya ang nasa isip ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Rhea,humawak ako sakanyang balikat upang ibalik siya sa kanyang ulirat. "What's wrong? Parang nakakita ka ng multo,ah?". Ngumisi ng malapat si Daddy habang nakatingin kay Rhea.

Lumapit ito saamin kaya iniharang ko ang katawan kay rhea. "A-ano bang ginagawa mo?". May diing tanong ni rhea,hindi ko pa rin maintindihan ang ikinikilos niya.


"What's wrong,Athena? Stop acting like i'm an wild animal". may diin sa pagkakabigkas nito at halatang sarkastiko.


Naiilang akong tumingin sakaniya. "No Daddy,pumasok ka nalang po sa loob. May pinag-uusapan lang kami".


Tumingin muna saamin ng pasalin-salin si Daddy bago tumuloy.


Ngayon ay iniharap ko na ang nanginginig na si Rhea. Kita ko sa mata nito ang takot. "Rhea? Anong meron? Sabihin mo sakin?". Nang tumingin ito saakin ay namumula na ang mata niya,kinuyom nito ang kamao.

"A-athena!". Nanginginig ang boses nito.

Hindi ako nagsalita,bagkos ay hinitay ko na ituloy niya ang sasabihin. "S-siya 'yun. S'ya 'yun!". Patuloy nitong saad.


Natatakot na ako sa ginagawa niya,nang hawakan ko ang kamay nito ay patuloy ito sa panginginig,nanlalamig din ang kanyang katawan.


Inialog ko siya at pilit na ibinabalik sa ulirat. "A-athena,g-gawin m-mo n-na akong kagaya mo,please.".


Naguguluhan pa rin ako. "Hindi pepwede. Isa itong sumpa,ayaw kong madamay ka,habang buhay mo itong dadalhin".


May bahid pa rin ng luha ang kaniyang mata ng tumingin saakin. "For the sake of my mother,please. Pasensyahan nalang kapag may nagawa akong masama sa,Ama mo!".


Nanigas ako sa sinabi niya. May nagawa bang masama sakaniya si Daddy roger? Kaya ganiyan nalang siya umakto?


"Babalik ako,maghihiganti. Pakisabi nalang sa ama mo,maghanda siya!".

I own your blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon