Chapter 6

226 12 0
                                    

Chapter 6: Ritual

Heaven's POV

Pagod na humiga ako sa kama ko at nakipag titigan sa kisame. Tinatamad akong mag bihis ng pantulog. Kasi naman, napaka daming dumating na problema sa buhay ko.

Una. Wala akong kasama ngayon sa room ko I mean wala na akong roommate kaya mag isa lang ako sa room 301. Ang creepy kaya.

Pangalawa. Pag pasok ko sa room kanina ay lahat ng kaklase ko ay hindi kilala si Chloe. Eh ang pag kakatanda ko lahat ng kaklase namin ni Chloe ay kaclose niya, pati ang mga guro ay hindi din siya matandaan. I have a bad felling. . . I swear to God. Parang lahat sila ay nag ka amnesia na ano?

Panghuli. Hindi ako makatulog dahil sa sulat na iniwan ni Chloe kaninang umaga. Pupunta sa world namin? Kalokohan, hindi nila ako mapapapayag ng ganun ganun lang.

Parang dati lang, wala akong problema kundi ang pag bili ng kendi sa tindahan. Pero ngayon? Putik, ang dami kong problema.

Bakit? Bakit kaylangang mang yari to sa buhay ko? Aaminin ko, dati gusto ko mapunta sa mundo namin. . . .nung bata pa ako. Pero may naisip ako eh. Baka may halimaw don sa mundo namin at kainin ako at pagpira pirasuhin ang buong katawan ko saka nila kakainin, o kaya iaalay ako nina Chloe at Hell kasi bunabastos ko si Hell!, Noooooooooo! Hindi pa ako pwedeng mamataaaaaay! May mga pangarap pa ako sa buhay----

"Stop, Heaven. Just stop" nanginginig na boses nang sinong nag salita sa loob ng isipan ko. Pucha, sino yon? Ito na ba ang sinasabi nilang multo o mamaw or whatever---- "It's me, Hell" napatayo I mean napa bangon naman ako nung marinig ko yung salitang 'impyerno'

"Putek, Hell! Lumabas ka na sa lungga mo! Mag pakita ka sa akin, Hell! Tinatakot mo ba ako?!" Kumuha pa ako ng pillow panghampas, just in case na hindi si Hell ang nag salita.

O-kay....masyado na akong OA.

Napahigpit ang hawak ko sa unan dahil biglang bumukas ang bintana ng kwarto ko. And speaking of the devil, pumasok siya sa kwarto ko gamit ang bintana.

"Anong gagawin mo dito? Bakit ka pumasok dito s akwarto ko?" tarantang tanong ko.

"T@nga" ouch ang sakit non ah. "You said to me earlier na lumabas ako sa lungga ko at mag pakita ako sayo, are you stupid?"

Mariin kong ikinuyom ang kamao ko. Ang sarap niyang ihambalos sa pader at tanggalin lahat ng pangil niya sa bibig! Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili.

"Of course I'm not!" dipensa ko. Kung nandito lang si Chloe ay may tutulungan kami para bugbugin tong demonyong to.

Hindi niya ako pinansin na parang wala siyang narinig. Nag tungo siya sa kinaroroon ko, sa kama. At umupo sa paanan ko. Agad ko naman siyang binato ng unan at ang gago, nasalo niya.

"Aalis na tayo" seryosong sabi niya. Ilang segundo akong nakipag titigan sa kanya. Ayaw mag sink in sa utak ko eh.

"Saan naman tayo pupunta?" nakakunot na noong tanong ko sa kanya. Aalis? Saan--- wait, don't tell me na pupunta kami sa world nila?!

"Your right, Heaven. Pupunta na tayo sa world namin" Hell's whispered inside my head. Ugh, nabasa na naman niya yung iniisip ko.

Agad ko naman siyang tiningnan ng masama. Worldin niya ang mukha niya. I heard him chukle. Kaya binigyan ko siya ng isang malak--malahina na hampas, hehehe. TANDAAN: isa pa rin siyang prinsipe. Kahit ayaw kong galangin siya ay kailangan kong gawin. Yun kasi ang bilin ni Mom.

I'm Inlove with an Evil GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon