Chapter 8

153 14 0
                                    

Heaven's POV

"Ang pogi niya, Ate!" Abot tengang ngiti ni Emma. Baka nga umabot hanggang Pluto yung ngiti niya^_^

Wait, narinig ko ang mahiwagang salitang 'pogi'. Sabihin na nating pogi si Hell, pero yung ugali? Pang demonyo.

"Sure ka ba diyan?" Nangunot naman ang noo niya. Hidi niya naiintindihan, Heaven. "Ang ibig kong sabihin ay, sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

Tumango lang siya sa akin at inalog niya yung buong katawan ko saka tumili. Hanep naman tong babaeng to. "Siguradong sigurado ako, Ate Heaven. Kahit hindi ko masyadong makita ang buong mukha niya ay alam kong may itsura siya"

Napailing na lang ako. Kung alam mo lang ang ugali niya, Emma.

Nang matapos na si Emma sa kaka kwento tungkol sa naramdaman niya na kesyo daw bumilis yung tibok ng puso niya na kesyo ganun kesyo ganto, ay pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Napatawa nga ako kasi naisip ko, ano kaya ang reaksyon niya kung malaman niya sa isang prinsipe ang nagugustuhan niya? At hindi lang prinsipe, pure blooded pa.

Pag pasok namin ay agad kaming nag tungo ni Emma sa kusina para iligpit ang pinag kainan namin tutal ubos na yung sa amin pwera lang yung kay Hell.

Nagulat nga ako nang wala pa ring bawas yung kay Hell na pag kain. Tiningnan ko lang siya at nakipag titigan lang naman siya sa akin.

"Bakit hindi mo kinain yung pag kain mo?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"I told you, I don't want to eat that" bored na sabi niya. Sinamaan ko lang siya nang tingin at binigyan siya ng 'hindi lang tayo ang nandito' look.

"Kamangha mangha, marunong kayo gumamit ng salitang ingles" napalingon ako kay Emma nang mag salita siya. Makikita mo sa kanyang mga mata ang pagka mangha.

"Emma, maari ka ba munang umalis? Mag uusap lang kami ni Kuya He--- Hainz mo, hehe"

Tumango lang siya at mabilis na nag lakad palabas ng kusina. Nang masiguro kong wala na si Emma ay tumingin ako kay Hell at nag pamaywang.

"Bakit hindi mo kinakain yung pagkain?" Muling tanong ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako saka tumayo. What the Hell! "Para pag kain lang"

"Sagot!"

Ngumiti lang siya sa akin saka umupo ulit. "I'm not like you—we pure blood vampire can live without eating those gross meat and vegetables" mula sa pag kakangiti niya ay napawi ito.

I see, nakalimutan ko na ganon ang mga pure blood. Dugo lang ang kailangan nila para mabuhay hindi katulad namin na kailangan pa ng karne para mabusog. Bakit ba kasi naging pure blood pa tong demonyong toh?

Napantig yung tenga ko nang may marinig akong mga sigawan mula sa labas. Sugurado akong nang galing iyon mula sa bayan. Napatayo naman si Hell. Napalunok ako ng laway nang mag bago yung kulay ng mata niya, naging kulay dugo ito.

"I smell blood" he whispered.

Akmang lalabas siya ng bahay pero pinigilan ko siya.

"Baka may maka kita ng tenga mo. We need to hide your ear, pero kung gusto mong malaman nilang isa kang pure blood ay hindi mo na kaylangan takluban yan" seryosong wika ko.

Napabuntong hininga siya ng malalim at nag chat siya nang spell.

"Kitatadoarikimoto"

Bigla na lang nag liwanag yung tenga ni Hell at nakita kong medyo lumiliit ito I mean umiiksi ito at kasinghaba na lang ito ng aking tenga. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha dahil sa ginawa niya. Paano niya kaya yon nagagawa?

I'm Inlove with an Evil GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon