Last Chapter

243 12 3
                                    

Chapter 29: I love you and thank you

*****3rd Person POV*****

Sa isang madilim na palasyo dinala ng mga black blood si Hell. Palasyo kung saan siya pinanganak at tumira. Hindi niya aakalain na ang tito niya ang aagaw ng trono at bubuhay ng mga black blood. Na pagkakatanda niya ay mabait ang tito niya kaya hindi niya akalain na magagawa nito ang lahat ng ito.

Dahil maraming iniisip si Hell hindi na niya namalayan na nasa isang malaking kwarto siya dinala ng mga black blood. Walo ang nasa kwarto pero napako ang paningin niya sa isang naroon.

"Hella" tanging sambit niya. Nagulat man siya na makita ang kapatid niya na inakala niyang patay na ngayon ay nasa harapan niya. Pero hindi niya yon pinahalata.

Ngunit nabuhayan ng loob si Hell dahil kung buhay ang kapatid niya ay suguradong buhay din ang kanyang Ama at Ina. Perk napawi yon ng mapansin ang ate niya. Hindi siya hung Ate niya.

"Hindi ka ba masaya na nakikita mo muli ang iyong kapatid Hell??" Tanong ng tito niya. Pero binigyan niya lang ito ng blankong emosyon.

"Wala siya sa tamang pag iisip. Marahil ay kinontrol niyo ang kanyang isipan" sabi pa ni Hell. Nahalata niya yon dahil sa blankong mukha ng kanyang Ate. Laging masaya ang kanyang kapatid kaya hindi maaring maging ganyan ang emosyon non.

"Magaling. Hindi mo pa rin ako binigo na pahangain, Mahal na prinsipe" nakangiting sabi ng kanyang Tito.

Hindi niya na ito pinakinggan at naupo sa gitna. Alam na niya ang pakay ng mga ito. Gusto nilang kunin ang kanya kapangyarihan at wala na siyang magagawa dito. Isama mo na yung naka posas siya. At hindi pangkaraniwang posas ang nakakabiy sa paa, kamay, bewang at leeg niya. Sa pag kakatanda niya ay tinatawag itong iron hand cuff. Pinipigil nito ang kapangyarihan mo kaya hindi ka makakagamit ng kapangyarihan.

"Simulan na natin ang ritual" rinig niya sabi ng kanyang Ate. Napangiti siya ng mapait dahil sa sobrang pagka miss sa boses nito.

Isang malaking magic circle ang lumitaw sa inaapakan niya. Ramdam niya din na parang may humihigop sa kanyang lakas. Napabuntong hininga na lang si Hell ng makita ang mga maliliit na ilaw na nag mumula sa katawan niya. Iyon ang kapangyarihan niya at sinasalin ito sa Tito niya.

"This old man"

Yan ang nasa isipan niya.

Yumuko siya at tinitigan ang magic circle na inaapakan niya. Paikot ikot lang ito at dahil nakakatuwa naagaw nito ang atensyon ni Hell.

Palubog na ang araw pero hindi pa rin natatapos ang ritual. Napakagat labi na lang si Hell dahil nanunuyo ang kanyang lalamunan. Nauuhaw na siya.

Nanlalabo na rin ang kanyang paningin at nahihilo na. Hindi niya nga alam kung kaya niya pang igalaw ang katawan niya dahil sa panghihina.

"Mahal na Hari, marahil ay sapat na ang kapangyarihan na nakuha niyo. Nang hihina na ang prinsipe" sabi ng isang boses na lalaki. Pero sa pandinig ni Hell ay parang slow motion nito sinabi ang mga katagang iyon.

"Hindi maari! Hindi pa sapat ang kapangyarihan na natatanggap ko! Uubisin natin ang kapangyarihan niya!" Sigaw ng hari.

"Ngunit ikamamatay yon ng prinsipe! Sapat na ang inyong nakuhang kapangyarihan upang mapaunlad ang bayan na ito" napahalahak na lang si Hell dahil sa narinig.

Itinunghay niya ang kanyang ulo at isang nakakapangilabot na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Mapaunlad?? Mali ang inaakala niyo" nakangising sabi niya.

Mumunot ang noo ng isang babae bampira. "Anong ibig mong sabihin??"

"Gagamit niya ang kapangyarihan ko upang gumawa ng hukbo ng mga black blood. Tsk, at naniwala kayo sa kasinungalingang pinag sasabi niya??" Hindi niya na maiwasang mag tagalog dahil sa sobrang pag kainis.

I'm Inlove with an Evil GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon