Heaven's POV
Pinag masdan ko ang katawan ni Hell na nakasandal ngayon sa malaking bato. Kasalukuyan kaming nandito sa kweba. Kung alam niyo lang ang pinag daraanan ko para mabuhat ang demonyong yan. Napaka bigat ng katawan niya, pwede mo nang ikumpara sa bakal, hay nako.
Buti na lang talaga naka hanap ako ng kweba dito sa loob ng gubat kundi puro sugat na ang mga katawan namin. Mayroon kasing mga lobo na nag kalat sa loob ng gubat, nakakatakoooot
Wait, may nakalimutan akong sabihin. Wala pa ring malay si Heeeell. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagugutom na ako, hindi pa ako kumakain kanina pang gabi eh mag uumaga na! Tapos medyo nauuhaw na din ako, hindi ko naman kayang iwan basta si Hell. Baka umiyak, hohoho. Paano ako makakakuha ng pag ka----
"Maynaroon ba diyan? Kung maynaroon diyan, maari na ikaw lumabas, hindi niyo ako kaaway!" napantig ang mga tenga ko sa narinig ko. May mga tao I mean may bampira. Naamoy ko na isa siyang bampira.
Tumayo ako mula sapag kakaupo ko at lumapit doon sa labasan ng kweba. "Who are you?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Geh mag taray ka pa, Heaven. Baka hindi ka na makakain ng pagkain.
Agad naman nangunot ang kanyang noo. "Kakaiba ang iyong lenggwahe" mula sa kanyang mata ay makikita ang pag kalito.
Napabuntong hininga na lang ako nang mapag tanto na baka hindi niya maintindihan yung mga sinabi ko. Oo nga naman, ayaw ko kasing mag isip.
"Sino ka? Anong kaylangan mo sa amin?"
Ngumiti yung babae. "Ako si Emma. Anong pangalan mo, Ate?
"Heaven" maikling tugon ko.
Muli akong napatitig sa kanya. Mahaba ang kanyang itim na buhok at maputi ang kanyang kutis. Maganda ang brown na mata niya. Pero bakit sobrang dumi at sira sira na ang damit niya? Kung sa mundo namin ay pwede ko na silang tawagin na pulubi.
"Bakit ka nga pala naka kweba, Ate Heaven?" Tanong sa akin ni Emma.
Napalunok na lang ako at naupo sa isang malaking bato na nakita ko, agad naman niya akong sinundan. "Saka ko na lang sasabihin sayo ang totoo, sangayon kaylangan mo muna kaming tulungan"
"Kung ganon ay may kasama ka? Nasaan siya Ate Heaven?" Inosenteng tanong niya.
Tumango lang ako sa kanya at itinuro ko na sa kanya ang kinaroroon ni Hell.
"Mukhang mataas ang kanyang lagnat. Maari muna kayong manuluyan sa aming tirahan, Ate. Habang hindi pa gumagaling ang iyong kasama" sabi ni Emma.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Parehas namin binuhat si Hell palabas ng kweba. Pero, siniguro kong hindi niya makikita ang tenga ni Hell. Baka kasi pag kaguluhan siya dahil isa siyang pure blooded. Iba kasi ang tenga ng pure blood kesa sa aming mga half blood. At sa oras na makita nila ang tenga ni Hell malalaman nilang pure blood to.
"Maari ba muna tayong mag pahinga? Masyado pang malayo ang ating lalakarin. Hihingi lang ako ng tulong sa akin kapatid" wala akong ideya kumg bakit siya pumikit at nag angle sit sa harap ko.
Nakalipas ang ilang segundo pero hindi pa rin siya gumagalaw. Aalugin ko na sana siya nang biglang bumukas ang mata niya. Nakakagulat yon ah.
Ngumiti na naman siya sa akin at tumingin sa likod ko kaya napatingin naman ako sa likod ko. May isang babaeng naka sakay sa kabayo na patungo sa kinaroroonan namin. Siya ba yung kapatid ni Emma? Nang makarating siya sa kinaroroonan namin ay bumaba yung babae sa kabayo niya na itim.
"Ako nga pala si Ella ang kapatid ni Emma" magalang na sabi niya.
"My name is, Heaven. I mean ang pangalan ko ay Heaven" ngumiti lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with an Evil Guy
FantasyHell series #1: someone once said....that a darkness would appear that would swallow everything.... But.... That doesn't mean there was never any light.....
