UNEDITED: SORRY SA MGA TYPO-ERROR...:)
________________________________________
Chapter 27: New character
Chloe's POV
Pag dating ng tanghali ay nag handa na kaming anim sa susunod na class namin, which is P.E Class. Ewan ko kung ano ang tamang tawag don pero gusto kong itawag sa kanya ay P.E kase nasanay ako sa mortal world. Nakasuot kaming lahat ng kulay gold na jogging pants at gold na t-shirts.
And by the way, nalaman ko na si Hell pala yung may gawa nung beans stalk. Nag patulong pa talaga kami kay Dean Rose para maalis yon at inabot pa kami ng dalawa o tatlong oras.
"Ano ngang name nung P.E teacher natin??" Tanong ko. Sorry mahina talaga ako pag dating sa mga pangalan. Siguro nahawa na ako kay Hell.
"Sir Areglo" bored na sabi ni Hell.
Binatukan naman siya ni Heaven at himala, hindi umilag si Hell. "T@ng@, Sir Angelo hindi Sir Areglo" masungit na sabi sa kanya ni Heaven.
Tumawa naman si Dash dahil sa naging pag batok ni Heaven kay Hell. "Woooaaahh, nag mumura ka pala, Heaven??" Hindi makapaniwalang tanong ni Dash. Kaya nga, parang ngayon ko lang yata narinig si Heaven na nag sabi ng t@ng*.
Tumango si Hell sa kanya. "She's always saying that freaking word infront of me" walang emosyong sabi ni Hell. Napaka emotionless naman ng isang toh.
Isang masayang tawanan ang nabalot sa anim. Halos lahat ng madadaanan namin ay mapapatangin sa amin. Pero ang ikinagulat nila ay ang makitang nakangiti ang Leader namin. Si Hell ngingiti sa harap ng madaming werewoves at vampire?? Well, isa talaga yang himala.
Matapos ang walang hanggang pag lalakad namin ay nakadating na kami kung nasaan si Sir Angelo. Hindi kami nasa isang room kundi nasa isang patag na lupa.
Ngumiti sa amin si Sir Angelo. "Good Morning class. Masaya ako at naka attend kayo sa klase ko" nakangiting sabi pa niya. Nginitian naman namin si pabalik (maliban kay Hell na ngayon ay bored na nakatingin lang sa kawalan)
"We're happy too, Sir" sabay sabay na sabi naming lima. Yeah, lima hindi anim.
"Okay, pwede na kayong maupo" sabi ni Sir.
Kumunot naman ang noo namin at nilibot ang aming mga paningin. Huh?? Saan kami uupo?? Eh halos puro lupa at puno lang ang nakikita ko. Wait, don't tell me na sa sanga ng puno kami uupo??
Bigla naman tumawa si Sir Angelo. "Hahaha, I mean pwede na kayong maupo sa lupa" natatawang sabi pa niya.
Napa "ahh" na lang kaming lahat at sabay sabay naupo sa lupa habang iniintay kung ano ang pwede naming gawin o ano ang ipapagawa ni Sir Angelo sa aming anim.
Seryosong tumingin sa amin si Sir Angelo. "Nabalitaan ko na bumisita ang mga blackblood dito sa Academy......" panimula niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin kay Hell kung ano ang reaksyon niya pero nanatili lang itong blangko. "......kaya napagisip isip ko na kailangan niyo lalong ma-train kung sakaling sumugod man ulit ang mga blackblood dito sa academy natin" seryosong pahayag niya.
Nanatili lang kaming tahimik. "Nais kong maka one-on-one battle kayong lahat upang malaman ko kung ano ang babayag na sandata sa inyo......" napalunok ako! "....kaya pinag isipan ko talaga kung sino ang uunahin kong makakalaban sa inyong anim.....batid kong malakas na kayong lahat hindi tulad noon...."
Nag taas ng kamay si Dash. "Sir, tine-train din po ba yung ibang color member??" Tanong niya.
Tumango lang si Sir Angelo. "Okay, itutuloy ko na......nais ko munang malaman ang iyong lakas......leader ng gold member....." nakangising sabi ni Sir Angelo.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with an Evil Guy
FantasyHell series #1: someone once said....that a darkness would appear that would swallow everything.... But.... That doesn't mean there was never any light.....