Chapter 24

134 10 0
                                    

Chapter 24: birthday

Chloe's POV

Maaga akong gumising dahil may gaganapin ngang parang ceremony na naman. Diba sinabi na yon ni Heaven kagabi?? Bakit din niyo maalala?? Lol...

Pinag masdan ko ang sarili ko sa salamin. Napangisi ako nang mapag tanto ko kung gaano ako kaganda. Hayy, ang ganda ko talaga.

Bumaba ako ng hagdan at nadatnan ko sina Hell, Heaven at Chase na naka upo sa sofa. Nasaan na kaya sina Olivia at Dash??

Ngumiti ako sa kanilang tatlo. "Good morning" nakangiting sabi ko.

Nginitian ako ni Heaven. "Good morning too, Chloe" sabi niya. Buti pa si Heaven pinansin ako, eh yung dalawang boys ay parang turing sa akin ay hangin na dumaan lang.

"So, nasaan na sina Dash at Olivia??" Pag katanong ko non ay bigla na lang may narinig akong mga yabag pababa ng hagdan.

"Hoy, hoy, hoy, bakit narinig ko ang  gwapo kong pangalan??" Ani Dash.

"Pinag uusapan niyo kami noh??" Sabi naman ni Olivia. Luh! Pinag uusapan?! Tinanong lang kung nasaan, pinag uusapan na agad?!

Natuon ang paningin ko sa mag kahawak na kamay ni Dash at Olivia. Ohmygod! What is that mean?!

"At para saan ang hawak kamay na yan?" May panunuyang tanong ni Heaven.

Napa takip ako sa bibig ko at nag tatalon. Okay, masyado na akong OA. "Ohmygod, ohmygod!! Kayo na?! I mean tanggap niyo na yung bound?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko.

Tumawa lang kaming lahat at binati sina Olivia at Dash (maliban kay Hell). Pero natigilan lang kami ng tumikhim si Hell at natuon an atensyon namin sa kanya.

"If you don't mind. May I go to the CR??" Sabi niya at hindi kami inintay na mag salita at bigla na lang nag laho!

"Tsk, very rude of you, Hell" naka ngusong sabi ko.

Nag tawanan kaming lahat at nag tungo sa gymnasium. Doon kasi gaganapin DAW yung ceremony. Suus, hindi ko naman kailangan ng medal! Joke!

Pag dating namin don ay naupo ay puno ng mono block chair na kulay gold sa loob ng gymnasium. Madami dami na rin ang mga estudyante pero pinaupo nila kaming lahat doon sa unahan. Kaso, nag taka nga sila kung bakit nawawala yung captain namin na si Hell.

Abah! Malay ko. Sabi niya pupunta daw siya sa CR at baka umiihi. O kaya'y tumatae?? Lol...

Pag kaupo namin ay bigla na lang lumitaw sa stage si Dean Rose. Paano niya kaya ginagawa yon?? Nakakainggit naman.

"Okay l students. Nandito tayong lahat para batiin ang pag kapanalo ng mga Gold Member!" Sabi niya at nag sipalakpakan naman ang lahat ng nandoon. "Maari ba kayong umakyat sa stage para maibigay namin sa inyo ang inyong medal?"

Tulad ng sinabi niya ay umakyat kaming lima sa stage. Pero nakita ko ang pag kunot ng noo ni Dean Rose habang nakatingin sa amin.

"Wait, pwede ba akong may tanong??" Tumango namin kaming lima. "Nasaan na ang captain niyo?" Tanong niya.

Nag katinginan kaming lima at nag kabit balikat. Tiningnan ni Chase si Dash pero tiningnan naman ni Dash si Olivia at tiningnan naman ni Olivia si Heaven at tiningnan naman ako ni Heaven! Bakit ako yung natira?

Huminga ako ng malalim bago nag salita. "Ehem, wala po siya dito.....ahhh.....kasi..." sasabihin ko bang nagsi CR ang captain namin??

"Kasi??" Tanong ng mga estudyante!

I'm Inlove with an Evil GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon