Chapter 14

138 12 0
                                    

Heaven's POV

Napag pasyahan naming lahat na mamaya na ituloy ang laban kasi mag tatanghalian na. At nakahinga naman ako nang maluwag dahil don. Biruin mo, kagagaling ko lang sa laban tapos lalaban ulit ako? Hindi ko yata kaya yon.

Nag prisinta si Chloe at Olivia na mag luto nang kakainin namin kaya nauna na kaming naupo sa lamesa. Hindi ko alam pero naiilang ako sa dalwang mag kapatid na toh. Sa Hell kasi ay nasa sala lang at nakaupo sa sofa.

"Ano ngang kapangyarihan mo ulit, Heaven?" Biglaang tanong ni Dash.

Natigilan naman ako. "I'm a wind user" maikling saad ko.

"Eh si Chloe?" Tanong na naman niya.

"Siya ay fire user"

"Si H-Hell?"

Mas lalo akong natigilan. Pilit kong sineryoso ang mukha ko saka ako tumingin sa mga mata niya. Malakas ang kutob kong may gusto siyang malaman.

"Why do you wanna know?" Seryosong tanong ko.

"Ahhh.....n-nothing just f-forget about that, hehehe" pilit tawang sabi niya.

Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Maliban kay Chase kasi nakaub-ob sa lamesa. Natutulog siguro.

Nabasag lang ang katahimikan namin nang lumabas na sina Chloe at Olivia galing sa kusina at may dalang pag kain.

Tahimik lang kaming kumakain nang...

"Bakit hindi kumakain si Hell?" Biglaang tanong ni Olivia.

Nag katinginan naman kami ni Chloe. Parang may sinasabi ang mga mata niya na 'ikaw na ang mag sabi' look. Pinandilatan ko naman siya nang mata pero wala akong nagawa sa huli.

"Hindi niya ugaling makisabay sa pagkain" maikling tugon ko

"Pero hindi pa siya kumakain mula pa kaninang umaga" singit ni Dash.

Napabuntong hininga ako at ibinaba ang kutsara ko. "Hindi niya ugaling makisabay sa pag kain" pag uulit ko. "Mauuna na ako" tumayo na ako at dinala ko na ang kinainan ko at nag tungo sa lababo saka ko hinugasan ang pinag kainan ko.

Pag katapos kong hugasan yung pinag kainana ko ay dumeretso ako sa sala at hinarap si Hell na kasalukuyang nakapan dekwatrong nakaupo sa sofa.

"Hindi ka ba nauuhaw?" Nakakunot na tanong ko.

Napapansin ko kasing dalawang araw na siyang hindi umiinom ng dugo. Dalawang beses ko nang nakita ang pag lubog nang araw pero....ahhh! Basta.

"Actually, I'm not thirsty" bored na sagod niya sa akin.

"Kaya nga noh, dalawang araw ka nang hindi nainom nang dugo, Hell. Ang sama nang kutob ko dyan sa kinikilos mo. Mabilis ka ding magalit hindi katulad dati na wala kang pakielam sa mundo at madalas mo lang gamitin ang kapangyarihan mo" biglang sulpot ni Chloe sa gilid ko.

Hindi na ako nagulat dahil don, kasi na kay Hell ang atensyon ko.

"Tsk, I don't know what's goin on too. Ngayon lang toh nang yare sa akin" walang ganang sabi ni Hell.

Nangunot naman ang noo ko. "Sinubukan mo bang uminom nang dugo?" Tanong ko.

Napahawak siya sa baba niya na animoy malalim ang iniisip. "Good idea. Hindi ko pa yon nasusubukan" patango tangong sabi niya.

Parehas naman kaming nag katinginan ni Chloe at sabay na napailing. Jusko Hell! Ano bang nang yayari sayo?! Nasaan na yung utak mo?!

>>_<<

I'm Inlove with an Evil GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon