Chapter 26: Clash
Heaven's POV
Lumipas ang mga araw pero wala pa ring nang yayaring war tulad ng sinabi ni Hell. Pero bago pa mahuli ang lahat at maagap naming pinaalam yung napanaginipan ni Hell kay Dean Rose, para maging handa.
Mga apat na araw na ang nakalipas nung nilagay ni Chloe yung Red ribbon sa leeg ni Hell pero bumalik lang itong pula at hindi nag babago yung kulay.
"What the fvck are you doing?" Bored na tanong ni Hell sa akin. Nakaupo siya sa malaking bato at pinapanood lang akong mag tanim ng buto.
Nakita ko lang tong buto sa loob ng office ni Dean Rose kaya hiningi ko. Mahilig kasi ako sa mga halaman. Isa tong rose na puti at base sa pag kakabasa ko ay matagal daw tong tumubo at kung makita mo yung bulaklak nito ay parang isang dyamante na kulay puti! Yiiieee! Excited na akong makita yung rose!
"Tss! Just leave me alone!" Iritang sigaw ko sa kaniya pero hindi man lang siya kumurap dahil sa pag sigaw ko.
Busy ako sa pag didilig ng lupa kasi natamin ko na yung buto nung rose nang mag salita si Hell. "I can increase the plant for you, if you like" nakangiting sabi niya habang inaamoy ang isang pulang rosas.
Napangiti naman ako ng malaki. "Ehh?? Talaga??" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes. For my pancake" nakangising sabi niya.
Napairap na lang ako at hinayaan siya kung anong gagawin niya dun sa buto ng white rose.
Bumaba siya sa dun sa malaking bato at itinapat niya ang kaniyang palad sa lupa. Hindi nasana ako magugulat kung may lumabas na maliit na magic circle pero nagulat ako nang hindi maliit na magic circle yung lumabas, kundi sobrang laking magic circle.
Napaatras kaming dalawa ng biglang yumanig yung lupa at nag simulang tumubo yung bean stalk! Oo! Hindi white rose ang tumubo kundi bean stalk!
Dismayadong lumingon ako dun sa taas at tinanaw kung gano kataas yon.
Sinamaan ko naman ng tingin si Hell pero takot na ngumiti lang siya sa akin. "Hehe, t-to much p-power" nauutal na sabi ni Hell sabay takbo papasok sa loob ng dorm.
"Damn you!! Mag tago ka na hanggat kaya mo pa!! Papatayin talaga kita!!" Inis na sigaw ko sa kanya at hinayaan siyang tumakbo papalayo.
Napabuntong hininga na lang ako at nag marsa papunta sa loob ng dorm. Nasaan ka na Hell?! Kakalbuhin talaga kita ng pinong pino!!
Pag pasok sa dorm ay wala akong nadatnan miski isang anino ng mga kasama ko. Luh, nasaan na kaya sina Chloe??
Umakyat ako sa taas at padabog na binuksan yung pinto ng kwarto ni Hell. Pero laking gulat ko na lang ng makita ko ang isang paso ng blue rose na nakapatong sa study table niya. Sobrang ganda non, nakinang ito nang matapatan ito ng sinag ng araw.. Napapalunok akong lumapit don sa blue rose at marahang tinitigan yon. Pero ang naka agaw ng pasin ko ay ang isang puting papel na nakadikit sa paso.
'One plot of rare Diamond Blue Roses, for my pancake----- Hell'
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi matapos kong basahin yung nakasulat sa papel. Saan niya kaya nakuha tong bulaklak na toh??
"Do you like it??" Parang kabuteng sumulpot si Hell sa tabi ko.
Marahan naman akong tumango. "Yes. Saan mo yan nakuha??" Tanong ko.
Nag kabit balikat lang siya. "Family Garden" sabi niya at naupo sa puting kama niya.
Ang tinutukoy niya siguro yung Evil's Family Garden. Kung hindi niyo yon natatandaan. Doon lang naman kami dinala ni Hell nung birthday niya at pinainom nung wine na may kasamang dugo niya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with an Evil Guy
FantasyHell series #1: someone once said....that a darkness would appear that would swallow everything.... But.... That doesn't mean there was never any light.....
