Heaven's POV
Pag kalabas namin doon sa tinulugan namin ay agad na bumungad sa amin ang hallway. Napansin ko din na may estudyante na nag lalakad sa buong paligid.
Wait, nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo yung kulay ng uniform namim.
Sa totoo lang, kami lang yung naiiba kasi halos kulay puti ang mga suot namin! Puting ganan, puting ganon, at marami pa.
"Heaven, sa tingin mo. Bakit kulay puti yung uniform natin?" Nag tatakang tanong ni Chloe.
Kasalukuyan kaming nag lalakad papunta sa office ni Dean Rose. At syempre, nasa unahan ulit namin si Hell. Sabi kasi ni Chloe ay meron daw kaming gagawing test kaya pupunta kami don.
"Hindi ko din alam, Chloe" tipid na sabi ko.
Nang marating na namin ang office ni Dean ay agad kaming pumasok don. As usual ay nakita namin si Dean Rose na nakaupo.
Bigla siyang tumayo at lumuhod? Siguro bilang pag galang, noh?
"Ano pong ipinunta niyo dito, Kamahalan?" Magalang na tanong ni Dean Rose.
"Magte test kami diba?" Walang emosyong sabi ni Hell.
Test as in exam?
"Don't mind him, Dean Rose" nakangiting sabi ni Chloe.
"Kamahalan....hindi niyo na kailangang kumuha ng test...kung gusto niyo ay pumili na lang kayo ng Grupong inyong makakasama. Batid ko namang malalakas kayong tatlo" si Dean Rose.
"Ehh? Grupo? Anong grupo?" Biglaang tanong ko.
"Kailangan niyong pumili ng grupo. Maari niyo silang makasama sa dorm, at sa ibang activity" paliwanag ni Dean Rose. "Ang mga pangalan ng grupo ay Gray ang may mga pinaka mababang kapang yarihan, ang may-----" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang sumabat sa usapan ni Hell.
"Gold" Biglaang sabi ni Hell.
"K-kulay G-ginto, kamahalan?" napapahiyang sabi ni Dean Rose.
"Iyon na ang grupo namin"
"Ngunit kamahalan, ang grupong iyon ay ang grupong nasali sa Hell Camp. Batid kong alam niyo iyon Prinsipe Hell"
"Just do what I said" walang emosyong sabi ni Hell.
Tumango lang si Dean Rose at niyaya niya kami papunta sa isang kwarto. Malaki yung kwarto. Pag kapasok mo pa lang ay bubungad na sa iyo ang malaking salamin na hanggang kisame ang taas.
'Ano naman ang gagawin namin dito?'
Humarap sa amin si Dean Rose. "Humarap kayo doon sa salamin at sabihin niyo yung kapang yarihan niyo" utos nito.
Tumango lang kami maliban kay Hell na naka cross ang dalawang kamay at nakakunot ang noo.
Nauna na akong nag lakad papunta doon sa salamin. Nakita ko tuloy ulit ang maganda kong mukha, hihihi.
^__^
"Wind User?" sabi ko.
Pag kasabi ko non ay biglang lumiwanag yung suot ko. Halos mapapikit pa ako dahil sa sobrang liwanag non. After a few minutes ay nawala na ang liwanag at napanganga na lang ako kasi nag iba yung kulay ng suot ko!
Mula sa pagiging white ay naging gold na may halong black to. May nakasulat din sa kanang dibdib ng uniform ko na Gold Member.
Pagka lapit ko kay Chloe ay agad niya akong sinalubong ng mahigpit na mahigpit na yakap!
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with an Evil Guy
FantasyHell series #1: someone once said....that a darkness would appear that would swallow everything.... But.... That doesn't mean there was never any light.....
