Petite Nerdie 1

14.1K 440 17
                                    


Petite Nerdie 1

Naglalakad ako ngayon papasok sa isang prestihiyosong paaralan dito sa metro manila. I can't wait to pass that entrance exam para makapagaral na ako. pinaghandaan ko ang araw na ito at ngayon ay malapit na ako sa gate ay hindi ko na maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko.

This is it, kailangan ko lang makagraduate dito sa paaralan na ito at mabilis na ako makakahanap ng trabaho, trabahong makakapagahon sa pamilya ko sa kahirapan. Pagdating ko sa gate ay marameng mga studyante ang nakaabang para sa pagbubukas ng gate ng paaralan, marame kasi kameng magtatake ng exam kaya marameng studyante ang nakaabang sa labas.

" Hey, magtatake ka rin ba ng Exam dito ?" sabi ng babae na nasa harapan ko.

" oo magtatake din ako, hehe.." sagot ko naman, kaagad na nashock ang mukha niyaa na parang nagulat siya sa ginawa ko.

" are you a gay ? oh em gee.. by the way.. im Zandra Thrine Lopez.." maligalig na sab nito sabay yugyog sa akin. Parang natuwa ako dahil kaagad naman akong nakahanap ng bagong kaibigan , Masaya ko naman siyang niyakap.

" ako naman si Daniel Dylan Mikagaki.." pagpapakilala ko sa kanya, kaagad naman na kame nagsama at nagkukwentuhan lang kame about sa mga personal info namen about sa school na pinangalingan namen.

" alam mo niel, kaya ako nagenroll dito kasi maganda ang school at sana palarin akong makapasok dito .. magagaling ang mga teachers dito at marameng hotties din dito hihi.." sabi niya, kaagad naman akong napairap sa sinabi niya. Marame na akong pinagdaanan sa mga lalake at ayaw ko nang madagdagan dahil high school palang ako ay kotang-kota na ako sa kanila.

Pinagaawayan pa ako kung kanino ako mapupunta, they want me to be there boyfriend dahil sa mukha daw akong babae kesa sa mga babae sa aming bayan. Hindi ko inaakila na anak ako ng nanay ko sa isang foreigner na nameet niya dati pero hindi siya pinanagutan hanggang sa dumating si papa na kinikilala ko ngayon para mahalin si mama.

Tanggap naman ako ng pamilya ko kung ano ako pero nahihirapan sila dahil ang dame kong manliligaw sa harap ng bahay tuwing mag gagabi. Sa totoo lang taong bahay ako at hindi ko gusto ang mag lakwatsa kaya hindi ako lumalabas at kung meron mang manghaharana sa akin ay hindi ko tinatanggap or hindi ko ineentertain.

" naku, kotang-kota na ako sa probinsiya namen at wala talaga akong hilig sa mga boys dahil school at bahay lang ako.. dalagang pilipina kasi ako hahaha.." sagot ko sa kanya.

" tama yan, dapat dalagang pilipina ang peg naten.." nakangiti nitong sabe sa akin.

" sila ang dapat na maghabol hindi tayo.. tuturuan kita .." sabi ko sa kanya, kaagad naman kameng nag apir at nag mukha kameng mga tanga sa harap ng marameng tao.

/ Tringgg... /

Pagkatunog ng bell ay kaagad naman na kameng pumasok sa school at Masaya ako dahil parehas kame ng classroom na pageexaman.

" tabi tayo.." aya ko sa kanya, kaagad naman kameng umupo sa gilid at doon ay nagchikahan habang hindi pa kame nageexam.

Hanggang sa nag exam na kame, hindi ko inaasahan na madadale lang ang question sa entrance exam nasayang na lang ang pagrerevview ko ng mahirap na mga tanong sa college. Tapos yung ineexpect ko ay hindi pala yon.

Kaagad kong sinagutan ang questionnaire at kaagad ko namang inayos ang papel na sinagutan ko at ang pen na binigay nila para sa pagsasagot namen sa exam.

Tumingin ako kay Zandra na ngayon ay kakatapos lang ng pagsasagot sa kanyang questionnaire. Napagiti lang ito na napatingin sa akin at alam ko na nadalian lang siya sa exam kaya kaagad siyang natapos.

Natapos ang exam ay kaagad naman kameng lumabas at dumeretso na kaagad kame sa canteen para makapagtanghalian. Grabe ang dame ng tao sa canteen at sa sobrang dame ay halos lumuwa na ang mata ko.

" ganyan talaga niel, expected ko na ang ganito dahil maganda ang school na ito at marame ang naghahangad na makapasok dito kaya expected ko na ang ganitong scenario.." sabi niya sa akin, napatango ako sa sinabi niya at sobra naman akong kinakabahan sa test ko. sana nga makapasok ako para secure ko na ang future ko.

Hanggang sa bumangga kame, pati na din si Zandra sa lalaking nasa harapan namen. Napakatanga naman nito para hindi kame makitang naglalakad kame.

" aray !! tumingin ka nga sa dinadaanan nyung dalawa !! "pabulyaw na sabi nito sa amin. Kita sa mukha nito na galit na galit ito talaga at mukha siyang kikitil ng buhay.

Hanggang sa susugod sana si Zandra sa asungot na nasa harapan namen pero pinigilan ko siya. Ayaw kong makagawa siya ng masama dito sa school, baka kasi hindi siya tanggapin kung gagawa siya ng komosyon.

Kaagad ko namang inayos ang boses ko at tinignan ko siya. Kaagad namang napunta sa akin ang tingin niya, hanggang sa nagkatitigan kame sandale pero kaagad naman akong yumuko.

" pagpasensiyahan mo na ang ginawa namen, sorry kung hindi kame tumitingin sa daan.." paghingi ko ng paumanhin sa kanila. Isa kasi sa mga talent ko ay kaya kong mag boses babae para hindi nila malaman.

Kaagad naman namen nilagpasan ang lalaking nakabungguan namen. Sana maintindihan niya na hindi namen sinasadya. Pero nung nagkatitigan kame ay hindi ko malaman kung bakit ayaw maalis ang tingin ko sa kanya.

" Niel, bakit parang nawala ka sa sarili mo ?" pagtatanong ni Zandra sa akin.

" Im Okay, halika na.. kailangan ko lang ng tubig.." sagot ko kay zandra at kaagad naman na kameng pumila para makaorder na kame. Siguro gutom lang ito at dapat ko nang ikain.

/ so sana nagustuhan nyo ang update na ito.. xD kahit napaka lame talaga.. /

The Petite NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon