Petite Nerdie 34

3.8K 159 8
                                    


Petite Nerdie 34

Isang ideya lang ang talagang pumapasok sa utak ko, at ang ideyang yun ay mga fantasies ko kasama si Kevin. Nakikita ko siya sa pagdadaydreaming ko na masaya kameng magsasama. Wala silang kaide-ideya sa nangyayari sa amen ang tropa niya at ang kaibigan kong si Zandy. Pinipilit ko na lang na hindi pamulahanan ng mukha pag nasa malapit siya sa akin. Naalala ko kase yung ginawa nameng experiment nung nakaraang araw.

Nahihiya ako sa pinag-gagawa ko nung araw nayon, hinde ako makapaniwala na gustong-gusto ng katawan ko ang ginagawa sa akin ni Kevin. I want him, i always wanted him. Sa lahat ng oras ay gusto kong makita ko siya kaagad. Natutuwa ako dahil sa siya na mismo ang lumalapit sa akin at pag mag CCR ako ay siya pa ang nagbabantay sa labas ng CR para walang makapasok doon habang ako ang gumagamit ng banyo.

Super Caring niya as in, parang nasa kanya na ang lahat ng qualities na gusto ko sa isang lalaki kaya wala na kong mahihiling pa. I don't care kung malaman na nila pero gusto ko maging sikreto yung panliligaw niya. Ayaw ko kaseng masaktan yung isa, sa pagkakataon na ito ay parang masisira ko ata yung ipinangako ko sa sarili ko, na wala munang boyfriend.

" napapansin kong parang may tinatago ka sa akin ? anu bay un .." pagtatanong ni zandy, hindi ko siya sinagot at pinanatili ko na lang na tikom ang bibig ko.

" kung ayaw mong magsalita ay naiintindihan ko.. pero wag ka ngang ngumiti diyan na para kang may sapi.. nakakatakot.." sagot niyang muli, kaagad kong tinikom ang bibig ko at muli na akong nakinig sa guro sa harapan. Ewan ko ba feeling ko lumulutang ako sa mga nangyayari.

Natapos ang klase at kaagad naman kameng dumeretso sa canteen, nakita ko doon si Kevin na nakatingin na kaagad sa akin. Habang lumalapit kame ay kaagad kong naaninang yung seryoso niyang pagtitig sa akin. Feeling ko tuloy para akong nag-iinit sa ginagawa niya. nagiinit talaga ang mukha ko.

Haggang sa nakalapit na kames a lemesa ay kaagad akong hinila ni Kevin para lang makaupo na kaagad ako sa tabi niya. grabe, naamoy ko yung bench na pabango niya at hindi ko na talaga pagsasawaan yung pabango nayon pag yon ang gamit niya.

" Niel, nagdala ako ng food.." sabi niya sa akin, kaagad niya kinuha yung dalawang case niyang baon at inihainan na niya ako ng pagkain sa harapan.

" kumain ka.. luto ko yan ..." kita ko ang pamumula ng mukha niya habang hinahainan niya ako ng pagkain sa harapan. Ako naman namumula na rin sa ginagawa niya, as of now nakatingin sa amen ang mga babae na kumakain sa canteen.

" GHWAD !!! OMG !!! NILUTUAN NI KEVIN SI DANIEL !!!! " sigaw nung babae, kaagad na umalingaw-ngaw ng malalakas na tili ang canteen. Sobra na akong nahihiya sa mga sigaw nila at sigurado ako na kame na ang bagong trend nila sa Fb. Makabili nga ako ng cellphone para malaman ko ang mga ginagawa nila sa amen ni Kevin.

" wag mo na lang sila pansinin.. tikman mo yung luto ko.. masarap yan .. tinuruan ako ni mama kung paano.." sagot nito, napangiti naman ako sa sinabi niya. nageefort pala siyang lutuan ako at nagpaturo pa siya kay tita.

Kaagad ko namang tinikman yung adobo, sweetened adobo pala ang specialty ng mama niya. masarap ang pagkakatimpla ng adobo at nagustuhan ko ang lasa.

" masarap .." bigkas ko, muli nanamang nagtitili ang mga babae sa likuran ko.

" masarap magluto si Kevin !!! Isulat nyo sa Info Booklet dale !! " sigaw nung isa, nagsusulat na kaagad sila. yan marahil ang magiging headline mamaya sa buong school. Pasimple akong umunan sa balikat niya para may sabihin ako sa kanya.

" samahan mo ako mamaya.. bibili na ako ng Cellphone .." pagkasabi ko nun ay kaagad naman siyang napatingin sa akin. Ngumiti lang ang kumag at siguro marame na siyang naiisip na gustong gawen pag nagka Cellphone na kame.

Habang nagkakaigihan kame ni Kevin ay masama naman ang tingin ni rain kay Kevin napapansin ko yun. Natapos ang break at nagsibalikan na kame.

" kung anu man ang nangyayare ay habang maaga palang ay sabihin mo na sa isa ang gusto mong sabihin dahil mas lalala ang sitwasyon.. sinasabe ko ito sayo dahil gusto ko magkaroon ka ng masayang relation ship.. hinde ka magiging fully satisfied kung meron isang tao ang galit na galit sa relasyon nyo .." pagbubukas sa akn ni zandy ng topic, hinde ko alam kung paano niya nalaman yung mga info pero tama nga siya.

" paano mo nalaman ? " nahihiyang sabi ko, kaagad naman siyang ngumiti at lumapit sa akin.

" akala mo ba hinde ako marunung makiramdam.. masyadong obvious ang ginagawa ni Kevin sayo .. palihim ka ba namang hawakan sa kamay ? bantayan sa labas ng CR ? tapos ngayon lutuan ka ng pagkain ? aminin mo nanliligaw ba siya sayo kaya nagpapaimpress no ? " napanganga ako sa sinabi niya, sobra namang pagiging observant niya.

" alam mo zandy, para talaga kitang kapatid .. masyado kang mausisa .." napangiti na lamang siya habang naglalakad kame papunta sa classroom namen.

" malalaman mo din baling-araw kung bakit ako nagkakaganto sayo .." makahulugang sabi niya, kaagad naman ako napatigil sa paglalakad dahil sa sinasabe niya. ewan ko kung anu ang gusto niyang sabihin pero nakakaramdam ako ng kakaiba sa sinabi niya.

" meron ka bang tinatago sa akin zandy ? " pagkokompronta ko sa kanya ngunit hindi na niya ako muling kinausap at tuluyan na nga siyang pumasok sa classroom.

I feel uneasy sa sinabi niya ..

Ano bang tinatago mo zandy .. 

The Petite NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon