Petite Nerdie 14
Kevin Lastimosa POV
Hindi ko alam ang nangyare sa akin, para bang nagkaroon ng magic at husang gumalaw ang katawan ko para gawin ang lahat ng yon para kay Daniel. Straight ako pero hindi ko inaasahan na magagawa ko yun.
Napasabunot ako sa ulo ko sa tuwing nagfaflashback sa utak ko ang ginawa ko sa kanya, i even mouthed myself for doing that.
Bakit kasi kailangang umabot pa sa puntong yon.
" so nangyayari na nga, ewan ko ba.. ginagawa na niya ang gayuma niya sa sayo.kevin, hindi ka kasi naniniwala eh.." nangigigil na sabi ni Joshua.
" alam mo pre, nahahalata ko na may something sayo ? alam kong galit ka sa mga bakla pero dati hindi naman ganon ka grabe ng kay Daniel.. pre my sikreto ka ba ? sabihin mo lang at papakinggan kita.. hinde naman ako magsasalita eh.." mahinahon kong wika sa kanya pero pinapakita ko na sa kanya nag alit ako.
" gusto mo bang malaman ?okay sasabihin ko na.." sabi niya pero napabuntong-hininga
siya.
" hinde ko sinabe sa inyo na nalasing ako sa bar at magisa lang ako nun, nung nalasing ako ay kinabukasan ay nakahiga na ako sa isang motel at katabi ko ang isang bakla pagkagising ko.. alam mo pre, feeling ko nawalan ako ng dignidad sa nangyareng yon at ang pinakaworst, siya pala yung babaeng all time kong kausap pero lalaki pala siya.. mukha siyang babae pare !! mukha siya talagang babae pero lalaki siya !! gumuho ang mundo ko nung sinabi niya yon.." nagiiyak na sabi ni Joshua kaya pala galit siya sa mga bakla at worst mas galit siya sa baklang mukhang babae.
" pero pre, mali pa rin na magalit ka sa mga katulad nila.. si Daniel, maaga na niyang sinabi sa nakapalibot sa kanyang studyante na bakla siya kaya hinde na siya nangongoroblema sa gender niya.. sisihin mo yung bakla gumahasa sayo na hinde nagtapat ng totoo niyang gender.." paliwanag ko sa knaya.
" bakit mo naman pinagtatanggol ? well alam ko naman na diba ? unti-unti ka nang nahuhumaling sa kanya tulad ng nangyari sa akin.. alam mo pre mas nagalit ako sa baklang yon dahil nagising ako ay nagbibihis na siya at iniiyakan na niya ako.. doon niya pinagtapat na lalaki siya at tinakbuhan niya ako pagkatapos niyang umamin !! " sabi ni Joshua, ewan ko ba pero feel ko talaga yung nangyari sa kanya.
" pero mahal mo ba yung taong yon ? " pagtatanong ko sa kanya.
Naiyak siya sa sinabi ko at doon ko napagalaman na na trauma nga talaga siya sa baklang nangiwan sa kanya.
" minahal ko na siya pero wala !! hinanap ko siya sa FB at alam kong binlocked na niya ako.. ang sakit pre, para niya akong pinatay sa ginawa nya sa akin." Sabi ni Joshua, hind ko siya masisisi kung bakit nagkakaganyan siya ngayon pag nakakakita siya ng bakla.
" okay lang yan pre, si daniel.. hindi niya katulad yung baklang naglihim sayo.. si Daniel ay open na open sa campus naten, alam ng lahat na bakla siya kaya naiinsecure yungiba dahil sa ganda niya.. tignan mo napakabait niya, kaya humaling na humaling sa kanya yung dalawa.." sabi ko, ewan ko ba pero bakit ko pinagtatanggol si Daniel. Siguro nga naguumpisa na ang curse sa akin.
" alam mo ba na sa sobra niyang pagpapahalaga sa sarili, virgin pa yun hanggang ngayon.. busy kasi sa pag-aaral at inuuna niya ang studies niya.. laking probinsiya kasi at sobra siyang tinuruan ng magulang niya sa pagpapahalaga sa sarili ka ganon.. hindi siya yung baklang na encounter mo.. minsan ka na lang makakakita ng ganyang bakla, wala na kasing masyadong ganyan na bakla sa panahon ngayon dahil marame sa kanila ang mga proud nga na gay sila pero ang hilig naman sa sex.." napatango naman si Joshua sa sinabi ko.
" tama ka nga, dapat hindi lahat ng bakla ay kaiinisan ko.. siguro kailangan ko nang mag move-one sa nakaraan na yon.." nakangiti nitong sabe.
" at sana wag mong sabihin sa iba pa nateng barkada dahil nahihiya ako sa mga sinabe ko.. at gusto ko nang kalimutan yon.." sabi niya, napatango naman ako sa sinabe niya.
" wag kang magalala dahil hindi ko ipagsasabe.." sabi ko sa kanya.
I can keep secrets, hindi naman ako masamang tao na ipagkalat ang sikreto ng kaibigan namen Kung gusto niya ng privacy ay tinatanggap naman namen yon basta sabihin niya sa amen ang dahilan. Kahit isa sa amen sabihin niya para hindi kame nanghuhula ng nangyayare.
" salamat bro, buti na lang sayo ko lang ikinuwento.." parang batang umiiyak na sabi ni Joshua. Ewam ko ba pero sa topic namen parang affected ako.
Bakit ganon na lang ang pagprotekta k okay Daniel ?
Hindi ko na alam, siguro nga nahuhumaling na ako kay Daniel pero pipilitin kong i divert ang feelings ko sa iba.
Daniel Dylan Mikagaki POV
Pagkapasok ko ng Classroom ay nakita ko nanaman ang pagmumukha ng dalawang asungot na ayaw kong makita dito sa school. Bago pa man ako makapasok sa loob ng classroom ay hinarang nila ako.
" bakit ka tumakbo kanina ? !!! hindi mo baa lam na sobra kameng nagalala.. hindi ka pumasok sa first subject !! " sabi ni Nicolas, ewan ko ba pero hindi na ako makapagtimpi. Gusto ko nang suntukin ang dalawang to.
" pake nyo ?!! alam nyo Masaya ang mga araw ko pag wala kayo dito.. can't you see im living peacefull nung wala kayo dito ? pero ngayon wala na ang peaceful na gusto ko.. nagpapaka low profile nga ako sa eskwelahan na ito eh pero gumagawa kayo ng commosyon !! nagiging center of attraction kayong dalawa !! " panunumbat ko sa kanila, kita sa mukha nila na sobra silang nasaktan sa sinabi ko. Hindi ko na kaya mag phin, gusto kong ipamukha sa kanila na hindi ako naglalaro lang ditto sa school.
" pero bumalik kayo !! nakakahiya na malaman ng iba na may manliligaw akong mga pasaway.. puro kahambugan ang alam, parang bata kumilos.. ayaw ko ng ganon, hindi na tayo bata Jerome at Nicolas.. please change your behaviour, umakto naman kayo base sae dad nyo.. pinapakita nyo lang kung gaano kayu ka immature sa mata ko eh.. gusto nyo malaman kung anong ayaw ko sa inyo kaya natuturn off ako sa inyo ? kasi mga isip bata kayo !! " sermon ko sa kanila, natahimik naman ang dalawa at hindi kumibo after ko silang sermonan.
Nakita ng mga kaklase ko ang ginawa ko at kita sa expression nila na natutuwa sila sa nakikita nila.
" Jerome, Nicolas.. hindi ako nanay nyo para sawayin kayo, tandaaan nyo nandito tayo sa school para mag-aral hindi maglandian.. pwede mag joke pero hindi yung sobra-sobra .. sinasabihan ko kayo dahil kababata ko kayo, hindi sa manliligaw ko kayo.. " natapos ang sermon ko sa kanila at naglakad na ako paupo sa upuan ko. Nakita ko naman si Zandy na tahimik lang na nakaupo sa upuan niya, nakita din ata niya yung ginawa ko sa dalawa.
" kung tatanungin mo ako niel, tama lang yang ginawa mo dahil pasaway nga ang dalawa, those two really need a lesson in life.." pagsupport sa akin ni zandy. Buti na lang nandito ang kaibigan ko at bumaba ng kaonti ang galit na nararamdaman ko.
Pagkaupo ko ay umupo nadin yung dalawa sa mga upuan nila. Tahimik sila tulad ng inaasahan ko, sana pumasok sa kokote nila na magseryoso naman kahit paminsan-minsan.
" Niel, malapit na prelim.. kailangan na nateng mag review.." sabi ni zandy, kaagad naman akong tumango sa sinabi niya. Matagal-tagal na rin yung mga araw na pumapasok ako sa paaralan na ito. Hindi na ako masyado pinagbubulungan ng mga girls, dahil sa nakikita nila sa akin. Bakla ako at hindi ko kayang gumawa ng isang hakbang na makakapagsira ng image ko sa school. Marame akong nakikitang homophobe dito.
Gusto kong maging isang simpleng studyante na inaatupag ang kanyang pag-aaral.
" okay, magrereview ako mamaya after ng work naten.." nakangiti kong sabi sa kanya at muli na kameng tumingin sa board dahil dumating na yung teacher na magtuturo.
.
BINABASA MO ANG
The Petite Nerd
RomanceHighest Rating XD # 3 in Nerdy xD Salamat sa Support Love lots xD ang kwento na ito ay tungkol kay Daniel na isang lalaking mukhang babae na nanggaling sa probinsiya.. probinsiyanang bakla na magaling sa isang sports pero nawala ang pangarap niya d...