Petite Nerdie 4
Late na akong nagising at ngayon ay nagmamadali na ako, kung hindi a kakatok si Zandy sa pintuan ko ay hindi ako magigising. Siguro napasarap ang tulog ko dahil masakit ang katawan ko dahil sa pagpapakahero ko kahapon para sa Apat na napaaway kagabi.
" Niel !! malalatena tayo !! " sigaw naman ni Zandy, mas lalo akong nataranta kaya binilisan ko na ang pagligo ko at kaagad nang sinuot ang iniform ko. kaagad akong nagmadaling kinuha ang bag ko at sinarado ko na yung dorm ko.
" alam mo ba niel, late na tayo ng 5 minutes kaya kailangan na nateng mamasahe niyan !! " sabi ni Zandy, nanlumo ako sa pamasahe namen dahil 50 pesos kasi ang Special sa tricycle.
Kaagad naman kameng pumara ng tricycle para makaandar na kame. Ngayon palang ako malalate sa klase sa taong ito. Ayaw ko pa namang nalalate dahil bad habits ang ganon, ang late sa work. Paano na lang pag nagtatrabaho na ako ?
" manong pakibilisan na lang po late nap o talaga kame.." naiiyak na sabi ko, ewan ko ba pag malalate na ako nagiging emosyonal ako.
" wag kang magalala, cut na lang naten yung first period.. babawe na lang tayo bukas.. wala eh, late kana kasi nagising.." pagpapagaan ni Zandy sa kalooban ko.
" Pero Zandy sana matanggap pa rin tayo kahit na late tayo ng 10 Minutes.." sagot ko sa kanya. Sana tanggapin pa kame ng subject teacher namen.
" sana nga.." malungkot na sabi niya, alam kong nawawalan na siya ng pagasa.
Pagdating namen sa gate ay kumaripas na kame ng takbo para makapunta na kaagad kames a building ng classroom namen, magkandaugaga kame ngayon sa pag-akyat ng hagdan para lang makaabot kames a klase. Napahinto kame sa harap ng pintuan at kaagad namen ito binuksan, ate na talaga kame at kasalukuyang nagsusulat ang teacher sa bored.
" Maam, Classmate .. Sorry Were late !! " sabay nameng sabi ni Zandy, ngumiti lang si maam.
" sige pumasok na kayo, isulat nyo tung mga kailangang gamit nyo para sa subject ko.. pero next time bawal na ang late .." nakangiti nitong sabi, mabait si maam at buti na lang pinayagan niya kameng makapasok. Kaagad naman kameng pumasok para kaagad na makapagsulat ng mga kailangan sa subject niya.
Natapos ang klase namen at nagsimula na si maam mag lesson proper, nakinig lang ako habang nag didiscuss siya.
" buti na lang natapos na yung klase naten at super stress na ako sa bagong mga topic naten.. masyado na nila pinapalalim yung lesson bess kahit 2nd day palang.." sabi ni zandy, na ngayon ay pinapaypayan ang sarili.
" baka na stress ka lang dahil ang init ng panahon.." Sagot ko sa kanya, hindi na siya nagsalita pa at inatupad na lang niya ang pagpaypay sa sarili niya. Kaagad kameeng dumeretso sa canteen at pinuntahan ang counter, marame ang nakapila ngayon kaya matatagalan pa kame para makaorder ng makakain namen.
" Niel, sa ilalim ng puno tayo tumambay.. malamig doon eh.." naiinitang sabi ni Zandy, napatango na lang ako sa sinabi niya.
" pagkaorder naten.. doon tayo pumwesto.." sabi ko sa kanya, naghintay kame sa pila hanggang sa kame na yung order. Kaagad nameng kinuha yung order namen at nagbayad. Pumunta kames a likod ng canteen at tumambay kame sa lilim ng malaking puno. Mula kasi dito ay makikitaa namen yung mga soccer players na naglalaro habang kumakain. Masaya kasing may pinapanood habang kumakain tsaka nasa lilim pa kame ng puno.
" ang lamig talaga dito, dito na lang tambayan naten para presko parate.." sabi ni Zandy at tumango na lang ako para pag sangayon sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Petite Nerd
RomanceHighest Rating XD # 3 in Nerdy xD Salamat sa Support Love lots xD ang kwento na ito ay tungkol kay Daniel na isang lalaking mukhang babae na nanggaling sa probinsiya.. probinsiyanang bakla na magaling sa isang sports pero nawala ang pangarap niya d...