Petite Nerdie 7
maaga akong nagising para maaga akong makapunta sa computer shop, kailangan ko kasing I print yung resume ko at mag papicture sa may ari ng computer shop. Para makapagtrabaho na ako mamaya. Mamaya pa naman ang class ko eh, dalawa ang wala nameng subject ngayon at dalawa rin ang subject na papasukan namen ngayon.
Pagkapunta ko doon ay kaagad akong rumenta ng pc at doon ko inayos ang resume ko. napangiti ako dahil ang dame kong experience na nakalagay sa resume ko. pagkaayos ko ng resume ko ay kaagad ko namang pinatigil ang oras sa pc na nirentahan ko at pinaprint ko na ang resume ko, nagpapicture na rin ako sa may-ari para magawa na niya ang 2x2 picture ko.
"manong 2x2 po ah ? kailangan kop o yun.." paliwanag ko sa kanya, ngumiti na lamang siya at kaagad na siyang gumawa. Wala pang 10 minutes natapos na niya at kaagad ko na siyang binayaran.
Pagkalabas ko ng comshop ay kaagad akong pumunta sa tabi ng comshop na kung saan nakita kong may tinda silang brown envelope, kaagad naman akong pumasok sa store para makabili ng kailangan ko.
" pagbilan nga po ng Brown Envelope.." bigkas ko, kaagad naman kinuha ni ate ang brown envelope at binigay na niya sa akin. Binayaran ko na kaagad para makaalis na ako.
" Miss.. bago ka lang ba dito ? " sabi ng isang gwapo na nakaupo sa mag hagdan pababa ng store.
" Oo.. bago lang ako dito.." ngiti ko sa kanya, kaagad namang lumapit sa akin yung lalaki at parang alam ko na ang mga mangyayari dito.
" miss tulungan na kitang mag buhat niyang hawak mo, nakakapagod kaya ang may bitbit.." ito na nga ba ang sinasabi ko, kaya ayokong maglalabas ng dorm eh.
" kuya, hindi ako babae.. lalaki ako.." paliwanag ko sa kanya, kaagad namang nagiba ang timpla ng mukha ni kuya.
" paano mo nasabing lalaki ka ? mukha ka ngang babae.." maangas na siyan ngayon, kaagad naman akong nagiba ng boses.
" pwede ba kuya, hindi ako nakikipagbiruan sayo.. bakla kaya ako, kaya wag na lang ako okay ? " paliwanag ko sa kanya sa pamamagitan ng panlalaki kong boses. Kaagad ko namang naiwan na nakaestatwa si kuya sa kinapupwesttuhan niya. hindi na niya ako kinulit at maayos akong nakauwe ng dorm.
Pagdating ko sa dorm ay nakita kong nakabihis na kaagad si Zandy, katok ng katok sa pintuan.
" Zandy, nandito ako.." sabi ko sa kanya, doon na niya napagtanto na nasa likuran na niya ako.
" akala ko tulog ka pa kaya ang tagal mong buksan ang pinto.." sabi ni zandy, napangiti lang ako sa mga sinabi niya.
" gumawa ako ng resume at 2x2 picture ID.." sabi ko sa kanya sabay pakita nung brown envelope na pinaglagyan ko ng resume ko at 2x2 pictures ko.
Kaagad naman niya na gets kaya napatango na lamang siya, binuksan ko ang pinto at kaagad kong nilapag ang brown envelope ko sa lamesa at kaagad na akong nagayos ng sarili. Nakita ko si twilight na himbing na himbing ang pagkakahiga sa kama na hinihigaan ko at super naman siyang tulog.
" Niel, hindi ko alam na may pusa ka.. saan mo yan nakuha ? " pagtatanong niya, siguro na curious siya.
" sa daan ko yan napulot dahil ang cute ng pusa.. tsaka namimiss ko na rin magalaga ng pusa.." sambit ko sa kanya, kaagad ko namang naisip na kailangan ko palang bumili ng Catfood para sa pusa ko. Sa probinsiya kasi Isda ang pagkain ng pusa ko. Ngayon naman catfood na dahil nasa syudad na ako at dapat may improvement din, wala kasi akong refrigerator kaya catfood ang bibilhin ko.
" pero niel, bakit itim na pusa ? hindi ba malas yung pusa na kulay itim ? " tanong niya, may point siya sa sinabi niya pero para sa akin kasabihan lang ng matatatanda yun.
BINABASA MO ANG
The Petite Nerd
RomanceHighest Rating XD # 3 in Nerdy xD Salamat sa Support Love lots xD ang kwento na ito ay tungkol kay Daniel na isang lalaking mukhang babae na nanggaling sa probinsiya.. probinsiyanang bakla na magaling sa isang sports pero nawala ang pangarap niya d...