Petite Nerdie 12

5.9K 278 28
                                    

Petite Nerdie 12

Kasalukuyan kameng papasok ng gate ni Zandy ng may Makita akong mga pamilyar na mukha sa labas ng school. Nakita ko nanaman ang mga manliligaw ko mula sa probinsiya na pinadala ng magulang nila sa syudad para hindi na sila mailapit pa sa akin.

Kaagad akong nagtago ng mukha para hindi nila ako makilala.

" Zandy, itago mo ako.. makikita ako ng mga manliligaw ko sa probinsiya.." bilin ko sa kanya, narinig ko na lang na ngumisi si Zandy na para bang may binabalak.

" ikaw Niel ah, hinde mo sinasabi sa akin na may mga manliligaw ka pala .." nakangising sabi ni Zandy.

" basta itago mo ako.." mahina kong sabi a kanya pero huli na ang lahat dahil nakita na nila ako.

At nakasuot pa sila ng uniform ng school ? wait akalako sa ibang school sila nagaaral.

" Dylan.." sabi nung isa na parang maiiyak pa nung makita ako. Nakaramdam ako ng panginginig nung palapit na sila sa direksyon ko, ewan ko ba kung maiiyak din akong Makita sila o natatakot ako at maiiyak dahil nandito sila. Basta ganun yung emosyon ko ngayon.

Actually dalawa sila at ayaw ko sa kanilang dalawa dahil sa mga terror nilang mga nanay. Hindi lang sa terror ang nanay nila dahil pati din silang dalawa terror at ayaw ko nang isipin pa yung pinag-gagagawa nila.

" buti na lang sinabe ng mama mo kung saan ka nag-aaral kaya kaagad na kameng lumipat ng school.. hayaan mo babantayan ka namen ng maigi tulad ng bilin ng mama mo sa amen.." sabi nito.

Pati ba naman dito, susundan pa nila ako. Napatingin ako sa paligid, marame na kaagad ang nakatingin sa kinapupwestuhan ko. Kaya gusto ko ng tahimik na pamumuhay pero ginugulo ako ng dalawang to !!!

" sagutin mo na kasi isa sa amen ng hindi kana magtago ..pramis mananahimik na ang isa sa amen, kung gusto mo pagsabayin mo na lang kame, pwede naman yun eh.. gay ka naman.." sabe nung isa. Sa sinabi niya ay natampal ko na lang ang noo ko.

" tigilan nyo nga ako, pati ba naman ditto ginugulo nyo buhay ko.." bulyaw ko sa kanila. Ewan ko ba pero bumabalik nanaman yung way of talking ko sa kanila.

Parehas na hunk at gwapo tung dalawang to dahil na rin ata sa pagbubuhat nila ng mga inani nilang mga palay sa mga sariling lupa ng mga magulang nila. Basta ayaw ko sa kanila, ngayon mapapadouble trouble pa ata ako sa kanilang dalawa.

Hindi ko sila tinignan at hinila ko na si Zandy papasok ng school.

" hintayin nyo kame..." sabay na sabe nung dalawa.

Kaagad namang naglakad ang dalawa ng sabay kasunod namen, ngayon pinagtitinginan na sila ng mga babae at tingin ko sila na ang bagong spot light ng school.

Pagpasok ko ng classroom ay pumasok din ang dalawa at umupo sila malapit sa kinauupuan ko.

" hinde mo sinabe sa akin na ang mga manliligaw mo ay parehas na gwapo at hunk.. grabe ka niel, ang haba ng hair mo !! " natatawang sabi ni zandy, tinarayan ko na lang siya sa sinabi niya.

" ewan ko sayo, kung Makita mo lang ang mga kalokohan ng dalawang yan.. matuturn off ka.." sabi ko sa kanya, napahagikhik na lang ang kaibigan ko at hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin dahil naiirita na ako.

Hanggang sa dumating na nga ang teacher namen.

" Kamusta Class, may dalawang transferee galing sa ibang school.. please pumunta kayo dito sa harapan para magpakilala.." sabi ni maam, tumayo naman ang dalawa at nagpakilala na kaagad yung isa.

" ako po si Jerome Yamasa, isa po akong probinsyano, isa po akong honor student.." sabi nito.

" ako naman po si Nicolas Santillan, parehas po kame ng probinsiya ni Jerome.. isa din akong honor student sa probinsiya namen.." sabi nito sabay tingin sa akin, kaagad naman nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko.

The Petite NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon