Ang mga alaala nyong alaala na lang.
Sapagkat wala na.
Wala na ang dating kayo, marahil ang isa sa inyo ay sumuko na. Bumitaw na.
Masakit. Sobrang sakit.
At oo mahirap.
Mahirap na hindi mo na masisilayan ang mga ngiti nya , Yong ngiti nyang naging ngiti mo rin.
Yong taong akala mo ay palaging nandyan , "mawawala din pala"
Yong mga kamay na sinabing ikaw lang ang hahawakan. "Hahawak din pala sa iba"
Yong pusong sinabing sayo lang "hindi naman pala"
Yong akala mo perpektong relasyon na "sa isip mo lang pala.
Ang pagsasama nyong parang isang yelo gaano man kaganda at katibay ang pagkakahulma, darating at darating padin na kusa itong matutunaw.
Ikaw na mas nagmahal maiiwang mag-isa, kasama ang mga tanong mong 'bakit?' Bakit ako? Anong mali ? Ano pang kulang?
Sana hindi totoo. Sana panaginip lang to.
Na darating ang umaga gigising ka at sasabihing " Ah panaginip lang pala ."
Na sana dumating yong araw na mawawala ang sakit. Ang butas sa puso mong minsa'y dinulot nya. Ang bukal sa iyong mga mata'y Sana huminto na.
Sakali mang sya ay sumagi sa isip mo'y
Hindi na magiging masakit pa. ang mga alaala nyong "alaala na lang " sapagkat limot ka na.

BINABASA MO ANG
Spoken words
PoetryLahat ng nagmamahal nagpapakatanga pero hindi bat mas nakakatanga kung niloko ka na ay babalikan mo pa?. __author