Traydor Ang Alaala

45 1 0
                                    


   
"Traydor ang alaala" kaya nitong wasakin ka.
"Traydor ang alaala" Ibabalik ka sa panahong ayaw mo ng balikan pa.
"Traydor ang alaala" mula sa "noon" ay kaya nitong sirain ang "ngayon"
Sapagkat "Traydor ang alaala" ipapaalala sayo ang sakit na may halong saya.
Ang luha sa kabila ng bawat ngiti
ang saya sa mga katagang "mahal kita"
At ang sakit sa "ayoko na"

Oo! "Traydor ang alaala" kaya nitong kunin ang kokonti mong saya.
Alisin ang ngiti na ilang taon mong pinaghirapang iporma.
Traydor ito dudurugin ka.
Hanggang sa pati sarili mo ay hindi mo na makilala pa.

"Traydor ang mga alaala" kaya nitong kainin ka.
Kaya nitong patayin ka kahit humihinga pa.
Kayang lumikha ng sariling bukal mula sa iyong mata.
Aalisin nito ang karapatan mong maging masaya.
Aalisan ka ng dahilan na lumaban pa.

Tama ka "Traydor ang alaala"
Kaya wag mong hahayaang malinlang ka.
Ang sinasabi ko sayo ay "Traydor ang alaala" kaya wag mong hayaang mabiktima ka.

Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon