may forever ba?

90 4 0
                                    

Worlds most debatable question. What came first, the chicken or egg?
Nakakatuwang isipin na sa simpleng katanungang ito'y magugulo ang kaisipan ng karamihan.
Maliban dito may isa pang topic ang madalas pagtalunan ng madla. ito yong salitang "forever" kapag sinabi kong wala maraming aalma. Sasabihin nilang meron, sa pagkakaibigan, sa Diyos at sa pag-iibigan. na kung tutuusin ay may tama din naman.
Pero pag-usapan natin yong "forever" sa dalawang taong nag-iibigan.
Ito ba yong pag ikinasal ka sa taong mahal mo at pinakawalan ang magic word na " I do" naachieve mo na ba ang forever na ipinaglalaban mo? tapos makalipas naman ang ilang taon kapag meron na kayong anak at nagpatung-patong na ang utang at problema nyo maghihiwalay kayo.
Tapos isa ka na sa magsasabing walang forever, at habang buhay na ang kapaitan mo. Sa mga magkasintahan naman na uso ang pangakong napapako. Yong mga linyang gasgas at talamak na bebenta-benta padin gaya ng, I love you to the moon and back, ikaw lang sapat na, at ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar. at marami pang iba na hindi ko na iisa-isahin pa. tapos sa huli naman ay mawawalan din ng halaga. 
At maghihiwalay din naman dito naman papasok yong ganitong linya... It's not you, It's me, you deserve someone better and that someone is not me.
Ang sarap lang ipakain sa kanya yong I love you at sweet nothings nya.

Wala naman akong gustong patunayan dito. Gusto ko lang sabihin na kung nagmamahal ka ngayon at mahal kadin ng mahal mo maswerte ka.
Dahil hindi ka isa sa madalas magsabi ng "walang poreber at magbbreak din kayo"
Kung naniniwala ka sa Forever well Congratulations sayo dahil napaka-positibo mo padin sa kabila ng lahat.
Pero kung hindi ka naman naniniwala binabati din kita sapagkat nakamulat ang iyong mga mata.
Kung alin man ang totoo ay iniiwan ko lang sa mumunting isipan mo. Wag kang maoffend sapagkat hindi ako nagiging sarkastiko dito. Hangggang dito na lang ang kadaldalan ko salamat kung babasahin mo.

Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon