Life is a long ride, isang napakahabang byahe.
Isipin mo na lang na ikaw yong driver kasi ikaw naman talaga. Ikaw ang driver ng sarili mong buhay. Maraming papara at sasakay sa sasakyan(buhay) mo yong iba makikilala mo at mapapalapit sayo kung araw-araw ba naman sila sayo sasakay at suki mo na e posible nga yon. Pero dapat handa ka din kung sakaling ang mga pasaherong minahal mo na ay piliing sa iba naman sumakay sa mas bagong sasakyan o di kaya ay sa mas bagong driver lalo na kung mas maganda o Pogi ang driver nito. Kapag nangyari yon Wag mo silang pipigilan "let go" lang, kailangan mo pang mag move on sa byahe mo. Marami ka pang madadaanang pasahero na nag-aabang sa kalsada, mga pasaherong hindi huhusgahan gaano man kaluma ang sasakyan mo. Maaaring sa byahe mo magkakaron ka ng kabangga o mabangga ka kaya dapat palagi kang mag-iingat wag magmamadali, wag masyadong mabilis matuto kang gumamit ng preno para walang aberya.
Sa araw-araw ng byahe ng buhay mo alam kong makakaramdam ka din ng pagod pero wag kang titigil wag kang susuko lingunin mo ang mga pasahero mong umaasa sayo. Keep driving kung nakikita mong napag-iiwanan ka kasi medyo palya at kinakalawang na ang sasakyan mo wag kang mag-alala , wala ka naman sa karera na kailangan mong makipagpaunahan, ang importante makarating ka. Hayaan mo lang na mag-overtake sila tandaan mong nasa highway ka kaya uso ang overtaking. Kung matraffic man matuto kang maghintay isipin mong nasa kahabaan ka ng Edsa kaya uso na yan 😃 maniwala ka sakin hindi naman yan magtatagal uusad din yan. Makakauwi ka din sa iyong tahanan bitbit ang ilang pasalubong na para sa iyong mga mahal sa buhay.
Don mo ikkwento sa kanila kung anong nangyari sa buong araw mo alam kong pagod ka, pero gagawin mo yon habang nakangiti 😃 masaya ka. Kasi nagawa mong lagpasan ang init, ang traffic, ang hirap at ang pagod mo. Masaya ka dahil nakauwi ka na. Masaya ka kasi nagawa mo at alam kong magagawa mo pa kaya kapit lang at manalig ka, dahil alam kong sa kahit anong paraan magtatagumpay ka.
BINABASA MO ANG
Spoken words
PoesiaLahat ng nagmamahal nagpapakatanga pero hindi bat mas nakakatanga kung niloko ka na ay babalikan mo pa?. __author
