Noon at ngayon ay iba na

78 5 0
                                        

Ang Panahon lumilipas ng hindi natin namamalayan, hindi mo namalayang malaki ka na pala.
Bigla na lang darating Yong araw na titigil ka na sa paglalaro ayaw mo na ng barbie dolls o di kaya ay toy cars. Pa unti-unti kang natutong magsuot ng damit, magsuklay ng buhok, kumain ng mag-isa at pati narin maghugas ng pwet. Matututo kang mangatwiran at magkaron ng sariling desisyon sa buhay. Hanggang sa di mo na namalayang ang lahat ay nag-iba na. Ang dating magaan mong buhay ay wala na.
Ang pagkaing kakainin na lang "nakahain na".
Ang damit na isusuot na lang "malinis na".
Ang bulsang dudukutin na lang "may laman na".
Wala na. pati ang malalambot na mga kamay ay naglaho na. nahaharap ka na din sa mabibigat na pagsubok ng buhay at ang presyo ng iyong kaligayahan'y tumaas na, hindi na pwede ang piso lang.
Lalayo ka para kumita ng pera o mag-aral para tupadin ang pangarap mo para sa pamilya.
Sa lugar kung saan pinuno at alipin ka. Pinuno kasi ikaw na ang masusunod sayo at alipin dahil ikaw na lang ang magsisilbi sa sarili mo. Walang nanay na magluluto at maglalaba para sayo. Walang ate/kuya na sasalo ng mga gawaing para sayo. Wala din si bunsong mauutusan mo, wala doon ang mga taong inaasahan mo.
Mapapalingon ka sa iyong pinanggalingan kasabay ng pagpatak ng mga luhang di mo inaasahan.
malayong-malayo ka na pala sa sanggol na ipinaghele ng Iyong nanay doon, malayo sa batang pasan ng tatay mo noon. Mapapaisip ka kung ang kasalukuyang lugar ba na iyong kinatatayuan ay sya ng tiyak na hantungan,O ito'y magsisilbi lang daan at batong tuntungan para sa mas hinahangad na tagumpay.

Spoken wordsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon