Kaysarap sanang pakinggan ng mga salitang binitawan mo.
Kaysarap namnamin bawat katagang nagmumula sayo.
"Mahal mo ako" yan ang sinabi mo.
"Hindi mo ako iiwan" sabi mo pa.
Naniwala ako sa bawat matatamis na salitang inihayag mo.
Dahil sabi mo totoo ang lahat ng yon mahal,
Ngunit bakit ganun?
Isang araw sa hindi inaasahan
Nagtapat ka at sinabing ito ay "kunwari lang".
Kunwari? Hindi totoo, imahinasyon, kathang isip lang.Masakit palang malunod sa isang malaking kasinungalingan.
Masakit magpadala sa mga makakapangyarihang salita mo.
Mahirap ipasok sa utak kong kunwari lang.
Mahirap umahon sa pagmamahal na binuhay mo sa dibdib ko.
Mahirap magpanggap na kaya ko.Kunwari lang!
Kunwarian lang..
Panandalian lang.
Panandaliang saya.
Panandaliang ngiti.
Panandaliang kilig.
Panandaliang pagmamahalan.
Sana hinayaan mo na lang akong mabuhay sa kunwarian, sana hindi mo na ipinaalam.Dahil mas masarap pala mabuhay sa kasinungalingan na nandoon ka.
Kesa sa katotohanan na wala ka na at hindi na makakasama pa.

BINABASA MO ANG
Spoken words
PuisiLahat ng nagmamahal nagpapakatanga pero hindi bat mas nakakatanga kung niloko ka na ay babalikan mo pa?. __author