May mga pagkakataon ba sa buhay mo na bigla mo na lang nasasabing "kaya pala" yong pagkatapos ng madaming tanong sa isip mo sa huli masasabi mo na lang na "kaya pala, Sana "
"kaya pala, Sana" @fftlc
Akala ko hanggang sa huli ay sasamahan mo ako.
Dahil sinabi mo kaya naniwala ako.
Dahil nangako ka na kahit anong mangyari mananatili ka.
Pero bakit ganun ilang buwan lang makalipas tayong mangako sa isa't-isa ng panghabangbuhay na saya lumayo ka.
Umalis ka at hindi man lang nagsabi kung saan ka pupunta.
Lahat ng kaibigan natin halos napagtanungan ko na lahat sila halos iniyakan ko na.Ginawa kong tambayan ang labas ng apartment nyo umaasang makikita kitang lalabas o papasok dito.
Naubos na lang ang limang piso kong barya kakahulog sa coffee vending machine
para lang hindi ako makatulog habang hinihintay ka.
Maging ang selepono'y hindi hinayaang mawalan ng baterya dahil baka sakaling tumawag ka.
Ilang araw akong ganto hinihintay ang pagdating mo.Tinatanong ko ang sarili ko kung ano nga ba ang nangyari?
Bakit ka umalis? Saan ka nagpunta? Bakit hindi ako kasama?.
Habang inaalala ang huling beses na nakausap ka kung saan "okay tayong dalawa"
sinabi mo pang wag akong mag-alala dahil san ka man pumunta ako lagi ang maaalala.Nagsisisi ako, nagsisisi ako dahil ngayon ko lang napagtanto na wala pala akong masyadong alam tungkol sayo.
Basta ang alam ko lang masaya tayo at mahal mo ako.
Nagsisisi ako na labis kong itinuon ang atensyon ko sa "tayo" nawala sa isip ko na sa tayo ay mayroon ding "Ikaw" at "ako"
Natatakot ako na sa halos dalawang taon na mayroong tayo ay pangalan mo lang din pala ang alam ko tungkol sayo.Gusto ko ng sumuko pero pinanghahawakan ko ang pangako mo.
Gusto kong magalit dahil kung paano mo akong lubos na napasaya'y mas doble pa doon ang sakit na binibigay mo.
Gusto kitang sumbatan sa oras na magkita tayo, pero alam ko sa puso kong bumalik ka lang magiging okay na ako.Isa, dalawa...
dalawang buwan ka ng wala.
Dalawang buwan na akong pilit lumalaban kahit na nahihirapan.
Sa loob ng dalawang buwan ay lalo lang dumadami ang mga tanong na nananatiling katanungan.
Dalawang buwan na akong umaasa na babalik ka.
Umaasa, umaaasa padin.Isang araw pagkatapos ng mahabang araw sa eskwela.
umuwi ako sa bahay at pasalampak na umupo sa sofa.
Isang kulay puting envelope ang pumukaw sa pagod kong mga mata.
Malinaw na nakasulat ang pangalan ko, "Mahal para sayo"
Kumabog ang dibdib ko dahil sa pamilyar na sulat kamay na alam ko kung kanino.Nanginginig man ay pinilit kong inangat ang kamay ko sa maliit na papel na maaaring naglalaman ng sagot sa mga katanungan ko.
Sa bawat letrang binabasa ko ay hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko..
At ng maraming "kaya pala at sana" sa isipan ko."kaya pala" kaya pala bigla kang nagbago, kaya pala mas pinili mong iwan ako
"kaya pala" kaya pala unti unti kang nag iba sa nakagawian ko na.
"kaya pala" kaya pala napapadalas ang pagkahilo.
"kaya pala" kaya pala nong mga huli ay mas gusto mong sa bahay na lang tayo.
"kaya pala" kaya pala sinusulit mo at walang oras na pinalampas twing magkasama tayo.
kaya pala" may mga salita kang akala ko ay nagkakataon lang, yon pala ay may nakatagong kahulugan.
"kaya pala" dahil "yon pala" mawawala ka na, hindi lang saakin kundi pati sa kanila.Kung alam ko lang "SANA"
sana mas pinadama ko sayong mahal kita.
Sana sa lahat ng pagkakataon ay sayo ipinokus ang kamera.
Sana mas nilabanan ko ang antok at kinausap ka hanggang mag-umaga.
Sana pinigilan ka sa tuwing aalis ka na, para kahit ilang minuto'y mas nakasama ka pa.At sana manlang din..
Sana hinayaan mo akong mas makasama ka pa, alagaan ka pa.
Sana hindi mo ipinagkait ang konting panahon na sumaya tayo sa piling ng isa't-isa.."kaya pala kung alam ko lang sana talaga"
Sa huling bahagi ng sulat mo ay nakalagay ang address ng bagong magiging tirahan mo.
Yong eksklusibo lang para sayo.
Dalawin man kita o kahit na sino ay hindi na pwedeng makapasok pa at makasama ka.Dahil wala ka na, wala ka na talaga at hindi na muling babalik pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/156304552-288-k197426.jpg)
BINABASA MO ANG
Spoken words
PuisiLahat ng nagmamahal nagpapakatanga pero hindi bat mas nakakatanga kung niloko ka na ay babalikan mo pa?. __author