Para kay Ama

123 11 3
                                    

Isa kang yaman.
Yaman na kailanman ay hindi ko magagawang ipagpalit sa anumang bagay.
Sapagkat iba ka.
Wala kang katulad.
Walang kapares.

Sa umpisa ay hindi ko pa lubos maunawaan kung sino ka.
Tanging ang amoy at tinig mo ang naging palatandaan kong nasa paligid ka.
Hindi ko alam pero sumasaya ako sa tuwing tangan mo.
Ang pag-iyak ko ay kusang humihinto kapag nasa kandungan mo na ako.
Maliban sa isa, ang iyong presensya ang hinahanap-hanap ko.
Hanggang dumating ang araw na kusang lumabas sa bibig ko ang isang salitang nagbigay ngiti sa labi mo Pa...Pa hanggang sa ito'y mabigkas ko ng buo.
"PAPA"
Salitang para sayo lamang.
Isang salitang lumalarawan sa isang matibay na lalaki.
Salitang nagpapaalala sakin na maswerte ako, Ah hindi napakaswerte ko.
Dahil meron akong isang ama, isang tao na matatawag kong PAPA.

Papa, salamat!
Hindi ko man ito araw-araw na maipabatid saiyo.
Ito ay laman ng puso at isipan ko sa twing lilingunin ko ang nakaraan maging sa kasalukuyan.
Ang bawat pawis at luhang tumulo sainyo sa mga panahong nahihirapan kayo.
Sa abot ng makakaya ko ay susuklian ko ng pagmamahal at ng buhay na para saiyo
Ang mga pangaral na itinanim mo sa isipan ko ay mananatiling dala ko.
Ang gaspang ng palad nyo tanda ng mga hirap na pinagdaanan mo ay magiging inspirasyon ko.

PAPA hindi lang ito ang araw na para sayo.
Gusto kong malaman mo na napakahalaga mo.
Ang kabayanihan mo para sa ating pamilya'y kayang tapatan si Jose man o Andres.
Wala ka mang monumentong nakatayo na kagaya nila ay ako/kami ang magsisilbing patunay sa kagitingan mo.

Pa! Ikaw ang lalaking hindi ko kailanman pagsasawaang mahalin.
Ikaw ang una sa lahat.
Mananatiling ikaw ang pinakamakisig at pinaka-gwapong lalaki para sakin, para saamin. Pumuti man ang iyong buhok, ay ikaw parin.!

Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon