"Paglaya Sa Sarili"

65 2 0
                                    

Isang araw nakaupo ako mag-isa habang nakatanaw sa mga batang masayang naglalaro sa parke, may matandang lalaking biglang lumapit sakin nakasuot sya ng lumang kasuotan na animoy ilang araw na nyang pinagtitiyagaang suotin, napangiwi din ako dahil dumaan sa ilong ko ang masangsang nyang amoy.

"maaari ba akong magtanong binibini?"

Dahil hindi ko na matiis ang amoy nya ay tumango na lang ako para umalis na din sya pagkatapos.

"Ano po yon?"

"sino ang iyong iniidolo?"

Automatic na kumunot ang noo ko dahil sa hindi inaasahang tanong na iyon.

Tinitigan ko sya at sinubukang basahin ang ekspresyon ng mukha nya.

Maya maya pa ay umupo sya sa tabi ko.

"sino ang iyong idolo?"

Ulit nya muli sa tanong kaya napagtanto ko na seryoso talaga ito.

Mabilis nagbago ang mood ko ng maimagine ko ang mukha ng mga idols ko.

Unang pumasok sa isip ko yong itsura ni NamJoohyuk, sunod yong gwapong mukha ni Harry styles at yong ngiti ni Enrique Gil.

Nag-aalangan ako kung sasagutin ko yong tanong ni manong dahil siguradong hindi naman niya kilala yong mga pangalang sasabihin ko.

Pero ng muli syang tumingin sakin na animoy sabik na hinihintay yong isasagot ko ay nagsalita ako.

"Si Nam Joo Hyuk, Harry styles at Enrique Gil po"

Ngiting ngiting sagot ko.

"Kakaibang mga pangalan parang ngayon ko lang narinig ang mga iyan"

"Ahh yong dalawa po kasi International artist, yong lang isa po ang Pinoy, They're all handsome manong, pangarap ko nga pong makapunta ng ibang bansa para makita at makilala sila"

Wala namang reaksyon si manong sa sinabi ko tumingin lang sya sa malayo at pinagmasdan din yong mga batang naglalaro.

"Manong are you alright?"

Nilingon nya ako saglit na parang nagulat sa sinabi ko at ibinalik muli ang tingin sa malayo.

Nagpakawala sya ng buntong hininga at nagsalita.

"Totoo pala ang balitang nakarating sa akin napakalaki na ng pinagbago ng Pilipinas, hindi ko akalaing ang bayang aking minamahal at pinag-alayan ng buhay ay maaaring magbago ng ganito makalipas ang mahabang panahon."

Medyo nakaramdam ako ng kakaiba dahil sa sinabi nya.

"wala pa akong isang araw na nakakalibot ay tila ba hindi ko na kaya pang tingnan ang mga kakaibang bagay na nakikita ko, mula sa mga kasuotan na hindi ko lubos na maunawaan kung ang mga iyon ba ay matatawag pang kasuotan kung mas higit namang nakalalamang ang parte ng katawan na hindi natatakpan."

Na conscious tuloy ako bigla sa sinabi ni manong mabuti na lang pala at  naka tshirt at pantalon ako ngayon. Patagal ng patagal lalong nagiging weird si manong hays bat kasi sa dinami dami ng tao dito sakin pa to lumapit tss.

"Marami ring purong Pilipinong naririnig kong gumagamit ng ibang wika, at ang ilang kabataang babae at lalaking aking namataan sa lansangan na may kakaibang ginagawa"

"hindi ko lubos maisip na namatay ako at ang napakaraming magigiting na Pilipino para sa ganitong klaseng hinaharap"

Nakaramdam na talaga ako ng takot dahil pakiramdam ko ay wala sa tamang pag-iisip ang taong kaharap ko ngayon.

"Sorry po manong kailangan ko ng umalis hinahanap na ako sa bahay"

Tumayo na ako at mabilis na tumalikod pero nagsalita itong muli.

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"

Nahimigan ko ng pagbabago ang tinig nito parang bumata at mas naging matigas ang pagsasalita, ngunit ang lungkot sa tinig nito ay mababakas padin.

Parang may nag-uudyok sakin na lumingon sa kanya, kaya dahan dahan kong ibinaling ang ulo ko paharap kay manong.

Isang pamilyar na mukha ang nakita ko, Pamilyar dahil mula gradeschool hanggang highschool ay madalas kong makita ang larawan nya na nakasabit sa loob ng aming silid aralan. Nanlaki ang mata ko ng lubusan kong mapagsino ang taong nasa harapan ko.

Si JOSE RIZAL?? Hindi ko alam kung paano ako mag rereact dahil nasa harapan ko mismo ngayon ang pambansang bayani.

Nakasuot sya ng barong tagalog nakahawi ang buhok sa tagiliran at maayos ang pagkakasuklay niyon, iginala ko ang paningin ko ngunit wala namang nagbago nasa parke padin ako at siguradong hindi ako nag time travel kagaya ni Carmella.

Nakatingin sya sakin ng diretso gamit ang mapupungay at ang napakalungkot nyang mga mata.

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" ulit nya sa sinabi nya.

Tumindig ang balahibo ko dahil hindi ko inaasahang makakaharap ko ng ganito si Jose Rizal at maririnig ko syang magsalita.

"Hindi ko inaasahang nagkamali ako ng sabihin kong kayo ang magiging pag-asa ng bayang ito. Dahil sa aking nakikita wala na, wala ng pag-asa hindi na muling makakaahon pa ang bansang ito sa pananakop ng mga dayuhan"

"Hindi na natin kailanman mababawi ang Pilipinas. wala na, wala na akong magagawa pa kayo ay lubusan na ngang napasailalim sa kapangyarihan nila."

Namuo ang luha sa kanyang mga mata at nasaksihan ko kung paano sunod sunod na dumaloy ang mga ito.

"Nakakalungkot isipin na ang mga buhay na nasawi ay hindi pa pala sapat upang magising kayo at tumayo sa sariling mga paa. Umaangat na hindi umaasa sa ibang bansa, dahil sa lubusang paghahangad ng pagbabago at kaunlaran binihisan nyo ng panibagong anyo ang bansang ito, maging kayo ay nagpalit din ng anyo, mabuti na lamang at wala na ako para masaksihan pa ang mas malalang mga pangyayari dahil hindi ko kakayaning makitang nagkakaganito ang bayan ko. "

"Tapos na ang misyon ko, ang misyon kong palayain kayo, ngunit kong sa huli ay pipiliin nyong magpaalipin muli at talikuran ang mga ginawa ko wala na akong magagawa."

Habang naririnig ko ang mga hinaing ni Jose Rizal at nasasaksihan ko kung paano nga sya nasasaktan sa mga nangyayari napatulala na lang ako.

"Hindi ko hinihingi na idolohin nyo ako ang gusto ko lang ay pahalagahan nyo ang bansang ipinaglaban ko at mahalin ang wikang Filipino, dahil magiging higit pa iyon sa pag-alala sa akin."

"Kung bukas pa ang isipan nyo at hindi pa huli ang lahat lumaya kayo, lumaya kayo sa sariling pang-aalipin nyo, dahil sa pagkakataong ito ay hindi na ako o sino man sa mga kasamahan ko ang makapagpapalaya sainyo kundi kayo mismo. Maging bayani kayo laban sa inyong mga sarili, lumaya kayo, LAYA PILIPINO, LAYA PILIPINAS!!"

"Gelyn, Gelyn"

Narinig ko ang pamilyar na boses ni mama.

"bumangon ka na at mahuhuli ka na sa eskwela tanghali na"

Nanaginip ako. Panaginip lang pala. Hindi ako makapaniwalang napanaginipan ko si Jose Rizal siguro ay dahil sa kapapanuod ko ng korean drama kaya nabwesit na sakin si Rizal at dinalaw nya ako sa panaginip ko.

Dumako ang tingin ko sa poster ni Oppa Joo Hyuk na nakakabit sa kwarto ko.

Muling nagflashback yong sinabi nya sa panaginip ko.

"Maging bayani kayo laban sa inyong mga sarili"

Napaisip ako dahil alam kong tama sya. Dahil sa pagkakataong ito ay walang sino mang makapagpapalaya saatin kung hindi tayo lang, tayo ang mga magsisilbing bayani laban sa ating mga sarili.

Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon