"pagod na"

60 2 0
                                    

Pagod na ako.
Pagod na akong lokohin ang sarili ko na kaya ko.
Pagod na akong isipin kung paano pa makakaahon sa pagmamahal na binuhay mo sa dibdib ko.
Dahil sa bawat pagpikit ng mata ko mukha mo parin ang naalala ko.
Sa bawat sana ko ay nandon ka't kasama ko.

Oo pagod na.
Pagod na akong hanapin ka sa iba.
Pagod ng maniwala na pagmamahal sayo'y ubos na.
Pagod ng supilin ang luha sa tuwing nakikita kang masaya sa kanya.
Pagod na akong kalimutan ka.
Dahil sa likod ng isip ko nandon parin ang pag-asa.
Na babalik ka, at sasabihing ako naman talaga.

Pagod na ako.
Pagod na akong mahalin ka, pero mas pagod na akong kalimutan ka.

Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon