Kinabukasan, bumalik kami ni mama kasama si papa sa bahay ampunan. Habang abala sina mama, d ako mapakali sa katitingin upang makita si Cute Little Girl. May kung anong emosyon ang aking nararamdaman na di ko maipaliwanag sa mura kong edad. (Author's note: Si Nathan ay nasa 10 taong gulang pa lamang.)
"Ma, punta muna po ako sa likod . May titingnan po ako" paalam ko kay mama.
"Oh sige. Mag ingat ka ah. Wag kang magulo, baka mamaya may gawin kang kalokohan d ako magdadalawang isip na kurutin ka"bilin ni mama.
"Ma naman ieh," kunwaring inis ko sabay takbo.
Bumalik ako sa lugar kung saan ko siya unang nakita. Lakad-takbo na may ngiti sa aking mukha. Tila nasasabik akong makita ang kulay asul niyang mata. Sabik din akong malaman ang kanyang pangalan at kilalanin pa siyang maigi. Napatigil lang ako bigla nung may narinig akong ingay. Natitiyak kong may umiiyak. Parang kumabog ang aking dibdib at sinundan ko kung saan nanggagaling ang ingay.
Pero laking gulat ko nang makita si Cute Little Girl na umiiyak habang inaabot ang sketch pad niya sa tatlong bata.
"Akin na yan?!. Ibalik niyo sa akin yan.huhuhu" umiiyak na sambit ni miss cute.
Bigla akong nakaramdam ng galit at dali-daling pumunta sa kinaroroonan nila. Ayaw ko siyang makitang umiyak. Inaasahan ko sa muli naming pagkikita , masilayan kung muli ang maamo niyang mukha na may ngiti .
Hindi ganitong umiiyak. Nanaig ang pakiramdam na dapat protektahan ko siya laban sa tatlong asungot na umaaway sa kaniya.
"Ibalik niyo na yan sa kanya!" galit na bulyaw ko sa tatlong asungot.
Napatigil sila at nagulat nung makita nila ako. D ko alam dahil mababakas mo sa kanila ang takot at pangamba nung tumitig sila sa aking mga mata. Pwes, kilala naman ako sa bahay-ampunang ito .
Ako lang naman ang anak nina Ethan at Nathalie Esguera. Sila lang naman ang pangunahing benefactor sa ampunang ito. Sa takot agad binalik kay ms. Cute ang kanyang sketch pad sabay karipas ng takbo.
Lumapit ako sa kanya sabay alok ng aking panyo.
"Salamat at dumating ka" wika niyang habang pinupunasan ang kanyang luha.
"Nangako ako sa aking sarili na babalik ako sayo. Wag kang mag alala. Habang narito ako pangako . Walang mananakit sa'yo" nakangiting tugon ko.
Di ko maiwasang matulala ng ngumiti siya sa akin. Lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisnge na lalong nagpacute sa kanya.Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Napatigil lang ako sa aking muni-muni nang bigla niya akong yakapin.
"Salamat Nathan. Alam mo bang ikaw lang ang kumakausap sa akin dito?"maamong wika nito.
Bigla akong nakaramdam ng pag - iinit ng aking mukha dahil una sa yakap , pangalawa, sa maamong pagbigkas niya ng aking pangalan.
Iba talaga ang epekto nito sa aking pandinig lalo na siya ang bibigkas nito. Bigla kong naalala na tanungin ang kanyang pangalan.
"Ah-eh, ah kasi,____"ba't nahihiya akong magtanong.
Ngaun lang ako nakadama na kabahan sa harap ng ibang tao. C mama kung makikita niya ako tiyak na magugulat un pag nakita niya ako.
"Bakit? May problema ba?" nag-aalala niyang tanong.
"Wla naman. " huminga ako ng malalim sabay hugot ng lakas ng loob. Tumingin ako sa asul niyang mga mata. Pero_____
Ba't ganun d ko ako makapagsalita!
Ang bata-bata pa namin pero nahihiya talaga ako. Pakiramdam ko ang pula-pula ng mukha ko.Ito ba ang tinatawag nilang crush. Lagot ako nito pag nakita ni mama to!
Para tuloy akong bakla pag siya ang kaharap. Nasaan ang tapang ko nung kaharap ko ang tatlong tukmol?
Napatigil lang ako nang bigla siyang magsalita.
"Ako nga pala si Selena. Selena Saavedra" magiliw na pagpakilala niya.
May kinuha siya na kung ano sa kanyang bulsa sabay abot neto sa akin.
"Tanggapin mo bilang pasasalamat ko sayo Nathan. Nais kitang maging kaibigan . Kung okay lang sa'yo Nate?"sabay abot ng isang key chain na pusa.
Kakaiba itong key chain dahil sa iba-ibang kulay ang katawan nito . Nakaramdam ako ng labis na kaligayan dahil sa munting regalo na kanyang inihandog. (Kung pwede lang magtatalon gagawin ko hehe)
"Salamat. Oo naman masaya akong maging kaibigan ka. Kung Nate ang tawag mo sa akin Sena na lang ang tawag ko sa yo . Okay lang ba?"nakangiting tugon ko sa kanya.
"Oo, nman. Masaya ako't nakilala kita Nate"
"Ako din Sena. Masayang masaya"
Di ko inaasahan sa araw na yun ang huling pagkikita namin ni Sena. D ko maiwasan ang malungkot habang hawak-hawak ang bigay niyang keychain. Napag-alaman ko na inampon na siya ng isang mayamang pamilya ay dinala sa ibang lugar. Di man lang ako nakapag paalam. Dahil dito nabuo ang isang pangako na paglaki ko ay hahanapin ko siya at hinding-hindi siya makakawala.
Dahil. Akin.Lang.Siya.
Si Sena ang aking Cute Little Girl.
BINABASA MO ANG
Possessive Badboy
Romance"Nakalimutan ng isip , puso ang magpapaalala. Nakalimutang nakaraan, tadhana ang gagawa ng paraan ." Mula sa isang ampunan sila unang pinagtagpo. Naging magkaibigan , ngunit sa isang iglap nagkalayo ang dalawa. Lumipas ang 10 taon , patuloy sila...