Nate

916 37 0
                                    

Tadhana ba ang magsasabi kung kayo ang itinakda?
_Ms. Z

Nathan POV

"S-sena? " nakita ko ang gulat sa mga asul niyang  mata nang sambitin ko ang pangalang iyon.

"P-paanong__h-hindi k-kaya'y__" napasinghap at natutop niya ang kaniyang bibig habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin.

Maging ako ay nagulat dahil sa nalaman ko. Sinong hindi magugulat,  kung ang taong 10 taon mong hindi nakita ay ang taong nasa harapan mo na ngayon. Hindi magkamayaw ang tuwa na nadarama ko ngayon. Kanina ay naguguluhan ako kung sino ang pipiliin ko sakaling makita si Sena, pero laking gulat ko na ang taong pinagpipilian ko ay iisa pala. Dahil sa sobrang galak ay hindi ko namalayan na nayakap ko na pala siya.
Ang saya-saya ko, napahigpit ang yakap ko.

"N-nathan , h-hindi a-ako m-ma-ka-hinga.. " wika niya na dahilan para lumuwag ang yakap ko sa kaniya.

"Ikaw nga . Alam mo bang matagal na  kitang hinahanap.? " tumingin ako sa mata niya.

"A-anong ibig mong sabihin, hindi kita maintindihan. "naguguluhang wika niya.

Alam kong hindi pa nagsisink-in sa kaniya  ang nangyayari kaya kinuha ko ang dalawang keychain na hawak ko at agad pinakita sa kaniya. Nanlalaki ang mata niya na makita na hawak ko iyon. Biglang tumulo ang kaniyang luha kaya naman nakaramdam ako ng kaba dahil doon.
Pero hindi iyon nagtagal nang siya mismo ang lumapit at niyakap ako ng mahigpit. Medyo nahirapan kami sa pwesto namin sapagkat masikip dahil nasa loob kami ng kotse.

"N-nate , Nathan ikaw nga.  K-kahit kailan hindi mo ako binigo . "umiiyak niyang bulong.

"Huwag kang umiyak, ayokong makita kang umiiyak. Tahan na." hinalikan ko siya sa ulo sabay hinaplos ang kaniyang likod  upang tumahan siya.

Umangat ang kaniyang mukha at napatitig ako sa may luhang  mala asul niyang mga mata. Pulang-pula sa kakaiyak  kaya ginamit ko ang aking kamay upang pahirin ang luha nito.

Kahit umiiyak ay ang ganda pa rin niya.Ini- adjust ko ang upuan para maging comportable sa pwesto naming dalawa.

"Ikaw ba talaga yan Nate? " hindi makapaniwalang wika niya habang nakahawak sa magkabila kong pisnge. Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang halikan ang kaniyang kamay na siyang kinasinghap niya, lalong nagpamula sa cute niyang mukha.

"Oo ako nga. Ako si Nate mo my Sena,  ang aking cute little girl." husky kong sagot.

I saw her eyes dilate with the simple gesture that I have done. Napangisi ako , dun ko lang napansin ang pwesto naming dalawa.

Siya nasa taas, ako nasa ilalim.

"A-anong N-nate mo ang sinasabi mo, tumigil ka nga.. S-saka hindi n-naman ako c-cute. " nahihiya niyang tanong habang iniwas ang kaniyang mukha.

Hinawakan ko ang kaniyang baba at giniya ang mukha niya pabalik sa akin.
Napatingin ako sa asul niyang mata.
Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kakaiba lalo pa't  magkalapit ang katawan naming dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya and I saw her parted lips tempting to be kissed.

"Ngayon ay nakita na kita ,wala nang makakaagaw sa yo mula sa akin dahil mula ngayon  akin ka nang talaga. " sabay pag-alis ng distansya at hinawakan siya sa batok upang halikan siya.

Nakita kong nagulat siya pero hindi kalaunan naramdaman kong tumutugon siya sa bawat halik.

"N-nathan" narinig kong ungol niya.

"That's it moan my name." nais kong marinig ang pangalan ko sa bibig niya sapagkat nagbibigay ito nang kakaibang epekto tuwing maririnig kong sambitin niya ang pangalan ko.

Possessive BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon