Truth
GRACE POV
*Lunch Break
"Nagchat sa akin si Steven, nandoon na daw sila sa canteen hinihintay na tayo. " aya ni Chloe na parang nagmamadali habang ako inaayos ang gamit ko.
Kahit kailan talaga kapag ka-chat niya si Steven para siyang bulate na di mapakali. Tss...
"Oo na po kamahalan , matatapos na po. Huwag po kayong mag-aalala, makikita't-makikita niyo si Steven. " sarcastic kong sagot
"Sissy naman ieh... Grabe ka.
Gutom na kasi ako, hindi kasi ako kumain kaninang breakfast. " nakangusong sagot niya sabay padyak na parang bata. Daig pa ang 5 years old hahaha
"Sus, gusto mo lang makita si Steven , nagdadahilan pa. " bulong ko
"May sinasabi ka sissy? " siya
"Ah?! Wala , ang sabi ko maganda ka. " sagot ko
"Matagal na sissy. Kung hindi sa ganda kong to , hindi magkakandarapa ang dakilang Casanova na si Steven akin haha" pagmamayabang niya.
" Siya ba ang nagkakandarapa o ikaw? Parang ikaw ang atat na makita siya .. " sagot ko
" Sabihin na nating hindi siya makapalag sa angking kagandahan ng diyosa niyang girlfriend right? " wika niya w/ action.
Maganda na sana siya , sayang lang at loka-loka.
Dahil hindi ko natiis,,,
*Tick!!
"Aray! Bakit mo ko pinitik huhuhu. " iyak niya
"Para matauhan ka, lika na nga, baka lamunin na ng bulati mo sa tiyan yang ulo mo, kaya kung anu-ano ang sinasabi mo" aya ko.
Paglabas namin sa pinto , hindi ko inaasahan na makita si Devon na tila may hinihintay. Nang makita ako , bigla siyang ngumiti at lumapit sa gawi ko.
"Grace, buti na lang at naabutan kita. " masayang bati niya na lalong nagpaguwapo sa kaniya.
Ngumiti ako ng pabalik saka nararamdaman ang pagsiko ng katabi kong loka-loka. Pagtingin ko sa kanya, saka ko naalala na ngayon lang pala sila unang magkita.
"Chloe, si Devon kaibigan ko. Devon si Chloe , Bestfriend ko. " pakilala ko sa kanila. Inilahad ni Devon ang kamay niya na inabot naman ni Chloe.
"Nice meeting you Chloe. " Devon
"BTW , hindi lang niya ako best friend , in fact kapatid ko yan, blue nga lang ang eyes." pagpapacute niya. Naku pag guwapo iba na naman ang ugali . Sumbong ko kaya kay Steven hehe.
" Thank you pala sa pagtatanggol kay Grace noong last day.Buti na lang dumating ka, kung hindi naku! Buti na lang wala ako doon, siguradohin ko , kakalbohin ko ang babaeng yun. Gigil si ako , haisst! " gigil na wika ni Chloe.
Napatingin si Devon sa akin sabay kamot sa batok .
"Ah, wala yun. Hangga't naririto ako, hindi ko hahayaang may manakit kay Grace. "seryosong wika niya habang sa akin nakaharap.
Ang titig niya ay mahihahalintulad sa titig ni Nate, yung tipong nakakalusaw. Bigla akong pinamulahan ng mukha. Ako ang unang umiwas nang tingin.
"Ehem. ! Pasensya na at makiki istorbo muna ako sa inyong dalawa . Hinihintay na kasi kami ni sissy ng BOYFRIEND niya sa canteen. Alam niyo na mainipin ang lalaking yun, baka anong gawin. BTW nice meeting you Devon. " wika ni Chloe sabay hila sa akin.
Nagulat ako sa sinabi ni Chloe, at nakita ang pagbabago ng itsura ni Devon ng marinig niyang may boyfriend na ako. May gulat at__
sakit na bumalatay sa kaniyang mukha. Nais ko sana siyang lapitan ngunit pinigilan ako ni Chloe.
BINABASA MO ANG
Possessive Badboy
Romance"Nakalimutan ng isip , puso ang magpapaalala. Nakalimutang nakaraan, tadhana ang gagawa ng paraan ." Mula sa isang ampunan sila unang pinagtagpo. Naging magkaibigan , ngunit sa isang iglap nagkalayo ang dalawa. Lumipas ang 10 taon , patuloy sila...