Alexandria

793 32 0
                                    




Pasensya na sa typos and errors guys.. Mahirap mag edit lalo na pag gabi..

Don't judge the book by its cover.

To read is to believe.



*Flashback

Paglabas nila sa room nila Kian , umalis sila upang pumunta sa kinaroroonan nila Steven. Habang naglalakad ay may napansin si Clark. Napansin yun ni Ashton.

"Clark , pare may problema ba? " Ashton

"Wala. Parang may nakita ako. Siguro namalik-mata lang ako."sagot niya

"Hoy, dalian niyong dalawa baka may ginagawang kababalaghan sina Steven at Chloe. Magandang scoop ito." pilyong wika ni Kian.

"Hoy ka din tukmol !.Kahit kailan talaga ang tsismoso mo.

Nakainom ka ba ng gamot?" Ashton

"Ulol!! Baka ikaw ? Kunwari pa to. Curious ka rin kung ano ang status nung dalawa. Ikaw nga ang naka isip na kunin si Chloe kay miss nerdy para masolo siya ni Nathan. Mag gf ka na kaya brad. Para naman di ka malaos . Nagiging tigang ka na . Bleeehhhh" asar ni Kian sabay takbo

"Abat., hoy unggoy bumalik ka dito! Lagot ka sa akin pag naabutan kita!!" Sigaw ni Ashton habang hinahabol si Kian.

Samantala , di mapakali si Clark. Feeling niya may lihim na nanonood sa kanila.

Chloe POV

""Anong ibig sabihin nito Steven. Saan mo ako dadalhin. ? " tanong ko habang hila-hila niya ako.

Anong problema ng mga tao ngayon. Bat ang hilig-hilig nilang hilahin ako. Dalawang beses nato ah..!

Oh no! Please..!

Sana di ako magkapasa baka mamaya mamarkahan ang flawless kong balat..

Sensitive pa naman ito . Nakanguso ako habang naiisip ko yun.

"Please not now ." tipid niyang sagot.

"Ano ba kasi ang nagyayari? Ba't kailangang pumunta sa room ni Grace? Baka anong gawin ni Zayn sa kanya. " d ko maiwasan ang mag-alala dahil alam ko kung ano ang kayang gawin ng kaibigan niya.

"Just trust me, okay. Wlang gagawing masama si Nathan sa kaibigan mo. Alam ko yun dahil lalaki din ako. Ang alalahanin mo ay tayo at d sila. "

Nagulat ako sa sagot niya ngunit di ko nalang pinahalata. Ayoko siyang bigyan ng satisfaction kung makikita niya ang epekto nito sa akin. Matapos ang ginawa niya.

"Di na kailangan pa. Wala namang tayo." pormal kong tugon.

Bigla siyang huminto at biglang humarap sa akin.

"Look at me. Look! Hanggang ngayon galit ka pa rin? Sorry pero sana makinig ka naman akin para malaman ang side ko. Ayaw kong mag-away tayo dahil lang sa simpleng bagay na yun. Please maniwala ka sa akin babe. "

Nakita ko sa mga mata niya na ang sinceridad. Di ko tuloy maiwasan ang ma guilty. Napabuntonghininga na lang ako. Pano ba naman . Di ko siya matiis nang matagal. Lalo pat ngayon nasisilayan kong malapitan ang kakaibang side ni Steven na ngayon ko lang nakita. Gusto sanang magpakipot muna pero ang cute niya ngayon.. Waahhhh!!

"Oh sige na nga . Pinapatatawad na kita. Basta wag mo nang uu____ "

Tsup! Di ko natapos dahil hinalikan niya ako. Halik na may pananabik. Pinaparamdam ng halik na to kung gaano niya ako na-miss. Naputol lang yun nang maramdamang may nakatutok na mga mata sa amin.

Possessive BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon