Sena

832 24 5
                                    


On the same day;

Grace POV

Nagpatuloy ang kuwentuhan namin ni Chloe, hanggang sa mag-umpisa ang klase . Marami ang aming napag-usapan , karamihan , ay ukol sa relasyon namin ni Nathan.

Sa totoo lang, medyo nakakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang sa aming set up. Siyempre, ikaw ba naman ang magkaroon ng instant boyfriend  na walang ligaw na naganap. Isa akong typikal na babae kung saan, nais maligawan at maranasan ang normal na buhay nang may kasintahan. Sayang nga lang , mukhang malabo iyon. Hayysss.....

Napabuntunghininga na lang ako.
Pinilit kong magfucos sa aralin ngunit ang isip ko lumilipad patungo sa feeling hari na yun. Naaalala ko ang moment  namin dun sa garden.

Ang guwapo niyang mukha na kung ngumiti daig pa ang dimple ni Alden. Ang singkit niyang mata , na kung tumingin tila humahatak sa iyong tumingin pabalik. Ang pula niyang mga labi na kay lambot, hindi ko maipagkakaila ,

Ang sarap niyang humalik.! kyaaahhhh!!! Kahit papano medyo may silbi din ang pagiging boyfriend  siya hehehe..  Ang guwapo na at ang hot pa..

Teka, teka ?! Bakit ganito na naman ako ? Erase, erase.! Na-infect  na ata  ako ng kalandian ni Nathan dahil sa halik niya ?! Wahhhhh!!!!
Ano ba itong nangyayari sa akin... ?!
Naramdaman  ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Umiling-iling ako, para subukang  ibaling ang iniisip ko.

"Ms. Vergara!" nagulat ako  sigaw ng instructor ko.

"Yes ma'am?!" biglang sagot ko sabay tayo, habang napatawa ang iba kung kaklase.

"It's look like your here,  but your mind is on somewhere else. Is there something bothering you with my class? I've  been  calling you, so many times but your not listening.  I know you're a good student so, I'm giving you a chance. But , next time I will not tolerate it again. Understood?" mahabang paalala niya.

Nakaramdam ako ng hiya at dahan-dahang naupo sa aking upuan.
Dahil sa kakaisip sa lalaking yun ,tuloy nasermonan ako. Nakita ko ang mapanuring tingin ni Chloe na tila ngumisi na para bang alam niya ang aking iniisip.
Lalo tuloy akong namula. Kahit kailan talaga wala akong panama sa mapanuri mata ng babaeng to.
Pero nang dahil sa panenermon sa akin ng aking instructor, kahit papano nagkaroon ako ng time para pansamantalang makalimutan ang boyfriend ko kunong feeling hari na yun.

Pagkatapos ng klase, napansin kong si Chloe  ay kinikilig habang may katext . Huwag nang magtaka, alam niyo na kung sino yun. Siguro magdi-date ang dalawa.  Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya kaya biglang nagtama ang aming mga  mata. Bigla siyang namula kaya ako naman ang napangisi.

"Grabe ka kung makatitig sissy, parang nakakalusaw. " wika niya sabay ayos nang gamit niya. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy  na lang sa pag-aayos ng gamit ko,  nagkunwari na parang wala akong alam .

"Oo na. Si Steven yung katext ko, inaaya akong magdate. Masaya ka na?"nakita kong namula ang kaniyang mukha.

"Bakit may sinabi ba ako?" pang-aasar ko, walang silbi kahit itago niya yun ie obvious  naman ang realsyon ng dalawa

"Kasi naman eehhh?!  Yung titig mo parang may meaning. Your  so mean ?! "sabay padyak ng kaniyang paa tila nine years old..

"Wow  ha?! Ikaw nga diyan kanina mas grabe ka kung makakatitig , nagreklamo ba ako ? Oh siya, alis kana. Baka malate ka pa sa date niyo ni Steven. Alam kong kating-kati ka nang makita ang lalaking yun , Shuppeee...  !"pagtataboy ko sa kaniya.

Alam ko namang gusto niyang magpaalam pero nagdadalawang-isip siya baka balikan ako ng 3 witches . O hindi  kaya'y , paraparaan dahil nahihiya siyang malaman ko ang date nila ni Steven ...

Possessive BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon