Grace POV
Kinabukasan;
Napansin kong nagbago ang trato ng mga taong nakapaligid sa akin.
Di ko sila maintindihan , lalo-lalo na yung feeling hari na yun.
Sa tuwing mahuhuli ko siyang tumititig sa akin , makikita mong bigla siyang titikhim o di kaya mangpapanggap na parang may ginagawa.
Sinong niloloko niya?!
Kahit magmaang-maangan pa siya halata naman. Bleeehhhh!
Pati din mga ka-eskuwela ko , pati sila nahawa na rin. Yung dati na balewala ako, ngayon nag-iba ang pakikitungo nila sa akin.
Kung dati , dadaan ako na parang bula, ngayon mararamdaman mo lang na pinagtitinginan nila ako na animo'y may pagkamangha, samantala ang iba (lalo na ang mga kababaihan) tila naiirita sa pagmumukha ko..
Nakaka conscious tuloy. huhuhu
Di ko naman to nararanasan dati dahil may suot akong salamin.
Haysss..
Nagsusuot ako nun para matago ang asul kong mga mata. Tinted yun na light , sakto lang para di gaanong mapansin ang kulay ng mata ko.
"Bakit , ngayon lang ba sila nakakita ng blue eyes?" tanong ko sa aking isipan.
Di ko maiwasan ang mainis kapag naaalala ko, ang nangyari sa salamin ko. Kung di ko lang sana yun tinanggal nung nagpaint ako, tiyak kong suot-suot ko pa yun hanggang ngayon .......
Isa ring dahilan kung bakit ako nagsusuot ng glasses ay para makaiwas sa ganitong situwasyon. Ayoko sa lahat ang pinagtitinginan ako.
Pero dahil sa feeling hari na to .. Grrr...
Nung malamang disguise lang salamin ko , ayun.! Sinira niya .
Pero, nakapagtataka.
Bakit ganun lang ang reaksyon niya nang makita ang mga mata ko?Tila natulala siya ng ilang segundo, at parang wala sa sarili sa oras na yun.
Yung titig niya na ibang-iba na tila pamilyar..
Ang guwapo po niya...kyaahhh!!
"Saan ko ba yun nakita?"
Wait! Teka, teka.!
Ano ba tong nangyayari sa akin... Erase! Erase!
Tama . Wag isipin ang guwapo __este suplado niyang mukha.
Dapat mag consentrate muna ako sa inis ko siya kanya. Mahirap na .
Hmmmmppp!!! (sabay tango na parang baliw na kinakausap ang sarili)
Pero nung tumingin ako sa kanya, ngumisi ang loko.... Grrrrrr...!!!
Enjoy na enjoy siya sigurong makita na nahihirapan ako. Nakakainis!!
Kung pwede lang sanang ilibing siya nang buhay , gagawin ko na . Hmmmpp.!
Napatigil lang ako sa pep-talk ko nang ___
"Ang ganda pala ng eyes mo ms_______(sabay siko ni Ash) ay Grace pala. heheheh" wika ni Kian
"Oo nga. Teka, bakit mo pala naisipang tanggalin ang glasses mo? tanong naman ni Ashton
Naniningkit kong binalik ang titig ko , sa lalaking rason kung bakit wala ang glasses ko.
"Wala naman talaga akong balak tanggalin ang glasses ko. May kung sino lang ang nagtanggal at nanira nito. " wika ko tila may pinariringgan

BINABASA MO ANG
Possessive Badboy
Romance"Nakalimutan ng isip , puso ang magpapaalala. Nakalimutang nakaraan, tadhana ang gagawa ng paraan ." Mula sa isang ampunan sila unang pinagtagpo. Naging magkaibigan , ngunit sa isang iglap nagkalayo ang dalawa. Lumipas ang 10 taon , patuloy sila...