She's Mine ! Back off

907 30 11
                                    


Nathan POV

Naramdaman ko ang pagkapit ni Sena sa aking likod . Lalong humigpit yakap nito nang tuluyang umandar na ang sasakyan. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para marelax siya kahit papano. 

Totoo ang hinala niya na kaya ito ang ginamit kong sasakyan ay dahil gusto ko siya na nasa ganitong ayos na nakayakap at malapit sa aking katawan.

God knows how much I want her!

Yung tipo na halikan at angkining paulit-ulit , kaso kailangan kong magpigil upang maipakita na nirerespeto ko siya habang inaayos ang set-up naming dalawa. Ngayon pat nalaman ko na siya ang aking Sena, nais kong ipakita sa kanila na akin lang siya na walang makakaagaw na kahit sino pa man. 

"Are you okay ? "tanong ko habang nagmamaneho (note; fucos lang while driving, huwag gayahin si Nate na pasaway. Marunong akong magmotor kaya alam ko . Kailangan ng ibayong pag-iingat lalo pat kung single na motor ang gamit. Halos lahat ng naaksidente involved ang motorcycle. Always take care)

"Yes , ayos pa naman." halata naman na medyo takot siya dahil mahigpit siya kung umakap kaya binagalan ko ng kaunti ang takbo namin habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. 

"Don't close your eyes. Just enjoy the scene. At saka hindi ko hahayaang mahulog ka kaya relax ka lang.Don't be scared, nandito ako. " pagpapakalma ko sa kaniya. Hindi kalaunan, naramdaman ko na lang ang unti-unti siyang narelax. 

"Wow! Ang ganda! " tila namamanghang bulalas niya. 

Nakakatuwa siya kahit kailan. Kahit simpleng bagay . madali siyang mapasaya. 

"It's beautiful , right? I just want you to see how beautiful the scene that you always missed while riding your car. I wanted to share it with you. " wika ko

" Ah, salamat nate, your so sweet . "
sagot niya

"Sweet lang ako pagdating sayo. "sagot ko

Grace POV

What? Bakit yun ang sinabi ko. Dahil sa hiya umiwas ako ng mukha. Alam ko namang hindi niya yun nakata ngunit narinig kong siya'y tumawa. Itong lokong to kahit kailan parapaaraan minsan. 

Pagdating namin sa school, napansin kong ang mga estudyante ay nakatingin sa bandang gawi namin. Lalong humigpit ang yakap ko kay Nate dahil doon. 

"Wahhh si Zayn!!!! 

Ang hot niya !!!!

Badboy na badboy ang dating waaaaahhhhhh!!!! 

Akin ka na lang. !!!

Wait , sino naman yan?
Bakit kasama niya si Zayn my loves?! " nandiyan na naman ang sigawan ng kaniyang mga fangirls. Naramdaman ko din ang mamasamang tingin na pinupukol nila sa akin. 
Medyo nakaramdam ako ng kaba nang maalala at baka maulit ang nangyari nung nakaraan na araw.

Pagbaba namin sa sasakyan , sinubukan kong tanggalin ang helmet. 

1
2

What ?! Di ko siya matanggal, paano na to huhuhu.

Nakita kong lumapit si Nate at tinulungan niya akong tanggalin iyon. Naramdaman ko ang mainit niyang palad na kahit hindi dumikit sa akin ay nagbibigay ng kakaibang epekto sa aking katawan. Nang matanggal niya saka ko natitigan nang malapitan ang kaniyang mukha saka siya ngumiti labax ang dimple. (Ang mukha ni Nate ay korean pero ang dimple niya maiihalintulad sa dimple ni alden. Kaya sa nagtatanong, hindi kamukha ni Alden si Nate )

"Sino naman yan? 

Bakit parang ang sweet ni Zayn sa kaniya?

Nginitian pa siya Zayn my loves." ilan lang yan sa mga bulong kuno na dinig na dinig ko sa paligid ko.

Pinamulahan tuloy ako nang mukha. Ayoko sa lahat ang nasa center of attraction ako, nakakaramdam ako ng hiya pag nagkaganoon.Lalo pa't ang gaganda nila, nag-aalala ako na parang outcast ako sa piling ni Nate. 
Napayuko na lang ako. 

Naramdaman kong hinwakan ni Nate ang baba ko saka inaangat. 

"Look at me. Don't mind them. Ang pagtuunan mo nang pansin ay tayo, tayong dalawa." seryosong turan niya habang nakakatitig na tila nakakalusaw. Bakit ba tuwing tumititig siya sobrang intense. Pinagpapawisan tuloy ako.

"H-huwag mo nga ako tignan ng ganyan, n-nakakailang. " pag-iiwas ko ng mukha ko pero hindi iyon nagtagumpay sapagkat hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko . 

"Ang cute niya. 

Transferee ba siya bakit ngayon ko lang siya nakita?

Para siyang anghel na bumagsak sa lupa mg pre."

Nakita kong umigting ang panga niya sa kaniyang narinig. Tumingin siya sa dako ng pinagmumulang ng usapan at tinignan ng masama ang mga lalaking nakatingin sa gawi ko. Dali-dali silang umalis sa takot na makalaban ang badboy ng Elite V. 

"Damn! Bakit ba kasi ang cute mo lalo na pag nagbablush. Don't show your cute side sa ibang lalaki. Nakakainis ! Nais kong magbali ng buto sa mga tingin na pinupukol nila sa yo. Tsk!!" wika niya habang hawak-hawak pa rin ang kabilang pisngi ko na siyang kinapula na parang kamatis ng mukha ko. 

"F*@#$!! I can't take this. " sabay lapit ng mukha niya at naramdaman ang lambot ng labi niya sa labi ko. 

Nagulat ako sa ginawa niya at hindi kalaunan ay kusang gumalaw ang bibig ko upang tumugon sa halik niya. Nang matapos saka ko narealise na marami palang estudyante ang nakasaksi sa halikan namin .

Nais kong lamunin ako ng lupa dahil sa hiya. Waaahhhh!!!
Naramdaman ko na lang na kinulong ako sa bisig ni Nate kaya sinubsob ko na lang ang mukha ko para hindi makita ang mapanuring mata na nakatingin sa akin. Ito kasing lokong to ihhhh!! huhuhu
Narinig ko siyang tumawa siguro nag-eenjoy na naman siya sa kaniyang ginawa. Hmmp!

"Listen everyone. " seryosong turan niya na nagpatahimik sa mga taong naroroon.

"I have announcement to make. This lady on my hands is MY GIRLFRIEND. Anybody would dare to lay a hand to her, hurt her or even worst bully her , will face my wrath. Understand! 
And last don't look at her with a lust filled with your eyes or else I will make you blind for the rest of your Life. " sabay hila sa akin sa papalayong mga studyante na tahimik at naguguluhan sa biglang pagbabago ng kanilang badboy..

Samantalang ako ay hindi makatingin sa bawat mamaksalubong ko. 

a/n ; Pansin ko lang sa isang araw na eksena nila ilang chapter ang nagagawa ko. Ayos lang ba na masyadong in details ang story o skip ko nalang ang ibang part? What do you think guys 😍❤❤

Possessive BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon