Sa mga nagtataka kung Bakit Grace si Selena, ito po ang sagot.
Dating Selena Saavedra ang pangalan niya ngunit dahil inampon siya ng pamilya Vergara , ang Selena dinagdagan ng Grace dahil tinuturing siyang pinakamahalagang regalo ng mag-asawang Vergara. Mula noon Grace ang tawag sa kanya.
Don't worry update ako mamaya. Thankie♥♥♥
Nathan POV
I can't believe this .!
Ba't ganun .?
Bakit nasabi ko yun kay Nerdy.
Dapat paparusahan ko siya ngunit iba ang pakiramdam ko sa babaeng yun. Nung mahawakan ko siya parang may kung anong emosyon ang sumibol na d ko maipaliwanag. Parang may sariling isip ang aking katawan na kusa niya itong inilapit sa akin. Di ko maiwasan ang mainis. ?!! Sisiguraduhin kong magbabayad ang babaeng yun.
" Ah s#*@. !! " naiinis kong sigaw, sabay walkout.
3rd person POV
Samantala , nagtataka ang kanyang mga kaibigan sa inasal ng binata. Ngayon lang nilang nakita ang ganoong asal na iba sa kilala nilang Nathan. Ayaw na ayaw niyang may humawak sa kanya kaya laking gulat nila nang hawakan ang babae papalapit sa kanya.
" Guys na feel niyo ba yun?" nakakalokong ngiti ni Kian
"Ang alin?" Ashton
"Ang spark. May fireworks akong nakita sa badboy natin. " Kian
"Loko ka talaga! (sabay batok) Puro ka kalokohan.! " Ashton
"Ouch! Grabe ka sa akin Ferreras!!. " si Kian (habang hinahaplos ang ulo)
" Something interesting will happen soon" wika naman Steven.
"Tsk. Basta ako oorder na ng pagkain gutom na ako." walang emosyon wika ni Clark
"Dun nalang tayo kumain sa room. I take-outan natin si Nathan. Alam niyo naman ang ugali nun pag gutom. " mungkahi ni Steven.
Sa di kalayuan nakatayo ang isang nilalang na tamihimik nagmamasid sa kanila. Ngumiti ito sabay alis nang tahimik papalayo sa kanila.
Grace POV
Matapos kong umalis sa canteen , napagpasyahan kong pumunta sa room ko. Malapit na ring mag umpisa ang first subject ko . Kinakabahan ako dahil una, bago ako, pangalawa dahil sa naganap dun sa canteen. Ilang pep talk ang ginawa ko bago ako nahimasmasan.
"Sino ba siya sa akala niya. May pasabi-sabing pa siyang "Akin ka". Ano ba ako laruan? Hmmp.. " naiinis kong bulong.
"Guwapo sana siya kaso ang sama ng ugali ." d ko maiwasang magmaldita. Bigla akong nakadama ng pag-iinit ng aking mukha nang maalala ang senaryong magkalapit ang aming katawan. May kung emosyon na di ko maipaliwanag. Dapat sana matatakot ako pero nung pagtitig ko sa mata niya iba ang naramdaman ko.
Hay!! Ano ba itong naiisip ko.. !? Erase, erase !!!.
Ah basta . Naiinis ako sa kanya...!
Nang makarating ako sa room saktong nandun na ang instructor namin.
" G-good morning po.." nahihiyang bati ko.
"Good morning too. Ikaw pala miss Vergara. You may take your seat " tugon nito.
Habang tahimik akong naglakad upang humanap ng bakanteng silya ___
"Miss, dito ka nalang umupo. "wika ng isang babae sabay turo sa tabi nito.
Lumapit ako at umupo sa tabi nito.
"Ako nga pala si Chloe. Ikaw anong pangalan mo?" masiglang wika niya.
Napatingin ako sa kanya . D ko maiwasan ang mainggit dahil ang dali-dali niyang makipag-usap sa iba. Samantalang ako nauuna ang hiya bago ang lahat.Kung madali lang sana...
" Huwag kang mahiya . D ako nangangagat." Dagdag pa nito na parang batang natutuwa.
"Ako nga pala si Grace. " kiming wika ko.
"Ang cute mo Grace. Mula sa araw na to friends na tayo ah... Ah hindi bff. Bestfriend Forever... !"bubbly niyang tugon.
Parang may humaplos sa puso ko sa sinabing niyang yun. Nabigla lang ako ng bigla niya akong yakapin at pakiramdam ko pulang-pula ang mukha ko.
"Alam mo, ang cuuute mo.!. Pwede bang sa bahay ka na umuwi sissy?."wika niya habang pinanggigilan ako.
Cute ba talaga ako? Napaisip lang ako.
"Bakit Sissy?" Ako
"Sissy. Yun ang tawag ko sayo kaya masanay ka na." Chloe
D ko maiwasan ang mapangiti uli.
Masaya ako dahil nagkaroon ako ng bagong kaibigan.Dahil dun pansamantalang nakalimutan ko ang nangyari sa canteen .
"Oh! Ngumiti ka din.. Dapat ngumingiti ka lang. Lalo kang nagiging cute pag ngumingiti ka. " wika niya habang nakakatitig sa aking mukha.
"Salamat Chloe. Masaya ako at nakilala kita" natutuwang wika ko sa kanya.
Pagkatapos ng klase nagpaalam si Chloe dahil may date daw ito. Kaya naiwan akong mag-isa habang nililigpit ang gamit ko. Paglabas ko ay laking gulat ko ng biglang may sumulpot na lalaki kaya nagbanggaan kami. Buti nalang nahawakan niya ako sa bewang at napigilan ang pagbagsak ko. Tiningnan ko kung sino yun ngunit laking gulat ko na yung taong nakabangga sa akin nung umaga ay siyang taong nakabangga ulit sa akin ngayon.
Umayos ako ng tayo at pinulot ang ang nahulog na gamit ko. Tinulungan niya ako at natatawang tumitig sa akin.
"We meet again miss gorgeous. Bakit pag nagkikita tayo parati tayong nagbabanggaan? " nakangiting wika niya sabay abot ng gamit ko.
"BTW. Ako nga pala si Devon. Whats your name miss gorgeous.? "
"A-ako si Grace. S-salamat." nahihiyang wika ko habang inaabot ang gamit ko.
"Nice meeting you. "wika niya. Aabutin sna ang kamay ko nang___
"Miss Nerdy! " matigas na wika ng isang lalaki.
Lagot ka Grace.. Hala ka!! hahaha.
may part 2 pa yan wait till next update
comments suggestions are highly recommended.

BINABASA MO ANG
Possessive Badboy
Romance"Nakalimutan ng isip , puso ang magpapaalala. Nakalimutang nakaraan, tadhana ang gagawa ng paraan ." Mula sa isang ampunan sila unang pinagtagpo. Naging magkaibigan , ngunit sa isang iglap nagkalayo ang dalawa. Lumipas ang 10 taon , patuloy sila...