Her Eyes

829 27 0
                                    




Grace PoV

Kasalukuyan akong tumatakbo papuntang room ko.

Late na ako huhuhu...

Bakit ba kasi sobra akong nawili sa pagdo-drawing. Yan tuloy , di ko namalayan ang oras.

Kasalanan ito ng feeling haring na yon. !! Kasalanan niya talaga!! Grrrr....

Naiinis ako tuwing naiisip ko yun.

Naramdaman kong bawat makasalubong ko ay napapatingin sa akin. May mali ba sa mukha ko at bakit ganyan sila kung makatingin? Nakaka-conscious tuloy. Di talaga ako sanay sa ganyang mga titig. Mas prefer ko ang invisible kaysa center of attraction.

Nang malapit na ako sa room, ewan ko pero bigla akong kinabahan. Kaya dahan-dahan akong naglakad papasok umaasang di mapapansin . Subalit pagpasok ko , biglang tumahimik at lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin.

"Wow pare bagong chicks ang ganda." wika ni boy 1

"Oo nga. Sana sa tabi ko umupo." boy 2

"Who's that girl. ? " mataray na wika naman ng isang babae.

Napuno ng bulungan ang room. Isasawalang bahala ko sana ito para pumunta sa upuan ko nang___

"How can I help you? " wika ng Ms. Robles.

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Are you a transferee? " pag-uulit niya.

"Ah nevermind. Would you like to introduce yourself? Mukha ka kasing kinakabahan . Di kita masisisi , bago ka lang dito." wika niyang nakangiti.

Realization hits me. Di kaya__

kinapa ko ang mukha ko at napag-alaman , na wala ang glasses ko.

Kaya pala . Iba ang mga titig nila. Naninibago sila sapagkat ngayon lang nila masisilayan ang asul kong mga mata.

Tumikhim ako at huminga ng malalim.

"I'm sorry ma'am for misunderstanding. I'm Selena Grace Vergara. Pasenya na po kung nalate ako. " hinging paunmanhin ko.

" Oh I'm sorry , my bad Ms. Vergara. I didn't recognize you. Ngayon ko lang nakita na wala kang suot na salamin , kaya ganun. Oh siya , you may take your seat. Sana wag maulit na malate sa klase ko. Okay class let's continue." tugon ni Ms.

"Thank you ma'am. " diretso papunta ng upuan ko.

Nang maupo ako sa tabi ni Chloe , nakita ko sa mata niya ang sari-saring emosyon. Nariyan ang gulat, pagkamangha, inis, pagtataka at pag-aalala.

"Mamaya na lang." wika ko bago pa siya makapagsalita.

Naintindihan niya kaya pinili niya ang manahimik , muna.

Pagkatapos ng klase, agad lumapit si Chloe at yinakap ako.

"Alam mo ba sissy , sobrang nag-alala ako sayo kanina. Bakit ba kasi bigla kang tumakbo huhuhu. Kung di lang ako pinigilan ni Steven, susundan kita. " may tampong hinaing niya.

Yinakap ko din siya pabalik. Masuwerte ako at masaya dahil naging kaibigan ko siya.

"Wag kang mag-alala.Okay lang ako. Nabigla lang ako kanina kaya ako napatakbo. " pagdadahilan ko.

Pero ang totoo, nais kong lumayo sa mga oras na yun. Gulung-gulo ang isip ko at di ako makapag-isip ng tama. Natatakot ako baka kung ano ang magawa ko.

Possessive BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon