Grace POV
"Miss Nerdy! " matigas na wika ng isang lalaki.
Nabitawan ni Devon ang kamay ko dahil sa gulat.
Nanlalaki ang mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko . D ko maiwasan ang mapalunok dahil nanunuyo ang lalamunan ko.
Ang taong nais kong iwasan ay nasa mismong harapan ko.
Ngunit ang kanyang titig ay na kay Devon na nanlilisik ang mata.
Bigla lang niyang kinuha ang kamay ko sabay hila papalayo sa nagtatakang si Devon.
Di ko alam kung hanggang saan niya ako hinila pero ang alam ko mahigpit ang kapit niya sa kamay ko. Animo'y ayaw akong pakawalan.
Hanggang nakarating kami sa isang room at pinapasok niya ako roon. tanging tunog lang ng sinarang pinto ang maririnig. Tahimik lang ako at kinkabahan sapagkat di alam kung ano ang binabalak niya.
"Pano kung patayin niya ako ?. Tiyak na mululungkot sina Mama.Wag naman sana huhuhu.. Ang bata-bata ko pa. Marami pa akong pangarap .Kung sisigaw ba ako maririnig ba nila ako? Waahhhh!!." kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.
Napatigil lang ako nung maramdaman ang unti-unti niyang
paglapit.
Isang hakbang paabante , isang hakbang ko paatras.
Patuloy akong umatras hanggang nakaramdaman ako ng malamig. Napasandal na pala ako sa pader.
Dead-end . huhuhu
Nang makalapit siya pakiramdam ko lumiit ang space at lalong naging aware sa presence niya.
Tinangka kong umiwas ngunit nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ng mukha ko para i-trapped ako.
Nilapit niya ang kanyang mukha kaya dun ko nasilayang maigi ang kanyang mukha. Ang guwapo niya sa malapitan.
Ang medyo singkit niyang mata at matangos na ilong, d maipagkakaila na habulin ito ng chicks.
Pero kung iba lang sna ang situwasyon namin, hihimatayin na ako sa kilig. !
Mas lalo pa nung naamoy ko ang mabango niyang hininga. Ang bango niya. Yung tipong d matapang at d nakakasawang amuyin.
Inilapit niya pa lalo ang kanyang mukha niya sa akin na para bang sinusuri ang bawat detalye nito. Bawat titig ay nagbibigay ng akin ng kakaibang pakiramdam. Di ko namamalayan na pinipigil ko ang aking paghinga kaya napasinghap lang ako at
iniwas ang paningin ko. Kaso sa pag-iwas kong un bumababa ang paningin ko sa mapupula nyang labi. Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan kaya di ko maiwasan ang mapalunok.
"Ano ba tong nararamdaman ko?" nagugulohan ang isip ko.
Napatigil lang ako ng bigla siyang magsalita.
"You think you can easily escape from me ? Huh miss Nerdy.?" husky niyang bulong sa tenga ko.
Nanayo lahat ng balahibo ko sa ginawa niyang yun. Iba ang epekto nito lalo pa't halos magkadikit na ang aming katawan.
"Look at me Nerdy! " ayaw ko sana ngunit pakiramdam ko kailangan kong sumunod.
Pagtitig ko nabasa ko sa mata niya ang galit at inis. Pero may kung emosyon ang nakatago dun na di ko maipaliwanag. Napakagat lang ako sa aking pang-ibabang labi at napansin kong naging iba ang kanyang titig. D maipaliwanag na dahilan wala akong takot na nararamdan sa kanya. Tanging bilis nang tibok ng aking puso na feeling ko magkakasakit ako.
Napahawak lang ako sa aking dibdib.
Dug...Dug..Dug..
"From now on , no man can touch you. You have to follow my rules and obey what I'm going to say. If you don't , you have to face the consequences. Ayaw mo naman sigurong mapatalsik sa eskuwelahang ito. Right?."
said it with a command voice
Dahil sa takot kong mag alala ang magulang ko , bilang pagsuko napatango na lang ako.
"From now on .
You. Are. Mine. Miss Nerdy.
Cause you're My Slave." wika niya may nakakalokong ngisi sabay labas sa room.
Samantalang nawalan ako ng lakas at napaupo sa sahig. Ako ay naiwang tulala habang hawak-hawak ang aking dibdib ko.Di makapaniwala at umaasa na sana panaginip lang ang lahat ng ito.

BINABASA MO ANG
Possessive Badboy
Romance"Nakalimutan ng isip , puso ang magpapaalala. Nakalimutang nakaraan, tadhana ang gagawa ng paraan ." Mula sa isang ampunan sila unang pinagtagpo. Naging magkaibigan , ngunit sa isang iglap nagkalayo ang dalawa. Lumipas ang 10 taon , patuloy sila...