The Call

591 14 8
                                    

SENA'S POV;

Narito ako sa kwarto ko . Kakatapos ko lang ang daily routine ko nang biglang may tumunog.

Nathan is calling📞📞
Kinuha ko iyon sabay push ng answer button.

"Mabuti naman at nasagot mo agad ." wika ng isang baritonong tinig. Kahit boses pa lang marinig ko nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano kaya ito?

"Bakit ang tahimik mo ? Di mo ba ako namiss? Kasi ako miss na kita , Sena . " may halong panglalambing na dagdag niya. Di ko namalayan sa kanina pa pala ako tahimik habang pinagpapantasyahan siya. Ano ba yan . Fix yourself Selena , para ka nang baliw. !

"Kakakita lang natin kanina , miss mo na ako agad". Nakangiti kong tugon kahit di niya nakikita.

"I don't know . It's look like I wanted to be with you always . Di ko maipaliwanag . Siguro ginayuma mo ako no? " pang-aasar niya

"Abat—-" sasagot sana ako kaso bigla siyang nagsalita

"I repeat my question. Do you miss me? Before you rant please answer my question first. I wanted to hear your answer ." biglang nagbago ang tono niya at narinig kong bumuntunghininga siya . Hindi ko alam pero parang may mali, bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba.

" Something is wrong Nate ? Pinakakaba mo ako ,"

"Please answer my question I need it so bad " tila malungkot niyang tugon . Ganun ba kahalaga sa kaniya ang tanong na yun. ? May tinatago ba siya?

Kahit naguguluhan ,

"Tinatanong pa ba yun? Siyempre na miss kita . "

"Totoo?"

"Oo naman , bakit ayaw mong maniwala? "

"No! Hindi sa ganun, I just__ , never mind ?"
dahil sa tugon niyang yun lalong lumakas ang pakiramdam ko na may tinatago nga siya. Napapansin ko sa kaniya netong mga nakaraang araw tila may iniisip siya , pilit niyang tinatago pero ramdam lalo pat ako parati ang kasama niya. Narinig kong muli ang buntunghininga niya kaya minabuti ko muna na wag tanungin, mas mainamn kung sa personal para sa malinaw at maayos na pag-uusap.

" I know something was going on but please remember I always here for you Nate." pag aasure ko sa kaniya, may narinig akong tunog pero hindi ko mawari kung ano.

"Thank you Sena , you always making my day. I'm glad . But I promise that I will fix it, no need for you to worry. I -I miss you. Can you sing a song? I need to hear your voice a little longer." iba ang tono ng boses niya ngayon , di ko maipaliwanag kung ano.

"O s-sige hehe," tila hindi ako makatanggi sa kaniya lalo pat alam ko na may pinagdadaanan siya. Kung ito makakapagpagaan ng loob niya , gagawin ko , kaso may problema. Mag uumpisa na sana ako pero —-


" Sena are you there? Please ..... " pa cute niyang sabi.Naimagine ko tuloy yung puppy eyes niya kahit di ko siya nakikita. Nakaramdam ako ng awa, Ano ba yan kahit di ko siya nakikita malakas pa rin ang epekto niya,,

"Eh kasi , heheh A-am , there's a problem , "

" What's is that? If you're sintunado its okay you know ." sabay tawa

"Aba't hindi sa ganun , di man kagandahan boses ko pero kaya kong kumanta for your info mister.?!"

"So , ganun kaya mo pala eh bat ayaw mo iparinig, sabihin mo lang kung ayaw mo di naman ako namimilit , " parang bata niyang tugon. Kanina ang sweet , malungkot ngayon parang bata ? Ano namang next personality ang lalabas. Mongoloid talaga to.

"Kung ayaw mo ibaba ko na ito" nabigla ako kaya

"Wait!!" sigaw ko

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si Daddy.

"Selena something was wrong ija? Narinig kitang sumisigaw. "

Nasapo ko tuloy ang ulo ko . Hayyysssss!!!!
Di ko namalayan napalakas pala ang sigaw ko hehehe

"Wala po Dad, eh kasi , eh kasi , may ipis kanina . tama po i-ipis hehehe . Nagulat lang po ako kaya napasigaw" di ko sinabi kay Daddy ang totoo baka malaman niya na may kausap ako baka anong gawin niya. Over protective pa naman siya haysss.

" Ah , ganun ba . Nasan ba yung ipis gusto mo patayin ko. Teka kukunin—-, "

"Wait Daddy .! "Sigaw ko

" Sumisigaw ka na naman. Nandiyan ba ,? "Akmang lalapit si Daddy buti na lang at naging maagap ako.

"Dad okay na po , wala na po yung ipis hehehe. Nagulat lang ako dad kaya no need to worry. "

"Ganun ba , kung ganun matulog ka na anong oras na , baka malate ka sa klase mo bukas. Pag may lumabas na ipis don't forget to call your daddy ha, I'm upstairs . Good night babygirl " sabay halik sa noo ko. Doon lang lang ako nakahinga ng maluwag nung sinarado na ni Daddy ang pinto.
Tumingin ako sa cellphone ko , akala ko binaba na niya pero laking gulat ko at nasa linya pa siya.
Lagot!!!

Narinig niya ba ang lahat , nakakahiya!!!

Paglagay ko ng cellphone ko sa tenga ko saka ko narinig ang tawa niya na tila aliw na aliw. Kanina isip bata ngayon tumatawa na siya na parang baliw.

"Ipis pala ha, ang guwapo ko naman ipis kung ganun hahahaha " sabay tawa

"Ikaw kasi ehh,,,, " nakaramdam ako ng init sa aking mukha

"Sino ba ang nagsabing sumigaw ka . Ang sabi kanta di sigaw " patuloy pa rin siya sa pagtawa. Parang may humahaplos sa puso ko ng marinig ko ang tawa niya. Kahit papano napasaya ko siya sa kabila ng dinadala niya. Thanks Daddy ..

"Buti naman kahit papano napatawa kita Nate ." Nakangiti kong tugon

"Yes, you never fail to amaze me Sena . That's why I'm lucky to have you ." husky niyang tugon na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ang tunong yan bakit ang lakas ng epekto sa akin. Napahawak ako sa tiyan ko . I feel butterflies in my stomach. Napabalik lang ako ng katinuan nung bigla siyang magsalita.

" Teka , baka nakakalimutan mo may utang ka pa sa akin. "

"Ano naman yun?"

"Tumatanda ka na kaya makakalimutin, hay naku Sena , wag kang mag aalala aalagaan kita kahit matanda ka na.hahahah"
di ko alam kung kikiligin ba ako o maasar sa sinabi niya. Wala naman akong utang sa kaniya ah, ano kaya yun? Nagtataka kung tanong sa sarili ko.

" Ano ba yun ,? "Naguguluhan kong tanong

" A song, don't think that I forget it like you do."
Natahimik ako bigla, hehehe kala ko makakalusot ako.

"Pwede pass muna , eh kasi naman ie,"

"What's the problem? It's only a song you know.Tell me you don't want to sing ? Kung ganun—-"parang bumalik kami sa usapan kanina , ano ba yan heto na naman siya, sabay sapo sa ulo ko

"Wait, ! Di naman sa ayaw ko kaso eh kasi—-eh kasi"

"Eh kasi , please say now." Tila inip niyang tugon

"Nahihiya ako okay!! " yun nasabi ko din kasabay biglang pananahimik niya.

"Ah , hahahahahahah!!! Kaya pala ba't di mo sinabi. Ang cute mo talaga". sabay tawa ng loko-loko samantalang ako ay namumula ang mukha sa kahihiyan...........

A/n ; Sorry sa late update. Alam kung lame pagpasensyahan 😅. Sa tagal parang bumalik ako sa umpisa . Thanks sa mga naghintay. Love you all 😘😘

Possessive BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon