Someone's POV
Mula sa isang ampunan natanaw ko ang isang bata na nakaupo sa ilalim ng puno. Tahimik lang siya animoy may sariling mundo habang hawak ang isang sketch pad . Hindi niya namamalayan na kanina ko pa ito pinagmamasdan , ngunit bigla itong napatingin sa kinaroroonan ko kaya't dali-dali kong inalis ang pangin ko sa kanya. Pagtingin ko , laking gulat ko na nakatingin pala siya sa akin.
Di ko maiwasan ang matulala habang nagsalubong ang mata naming dalawa.
"Kay ganda ng mata niya" sabi ko sa aking sarili.
Napako ang tingin ko na parang magnet at may kung anong pwersa ang humihila sa akin papalapit sa kanya. Dun ko nasilayang maigi ang kulay asul niyang mata na nangungusap at may kalungkutan ang bawat titig neto.
Bigla akong nakaramdam na dapat protektahan ko siya sa lahat ng mananakit sa kanya.
"Ano ba ang naiisip ko?" kastigo ko sa aking sarili.
Pero ang cute niya."bigla akong nakaramdam ng pag -iinit ng aking mukha.
D ko namalayan ___
"Hoy! Bata !? Ba't mo ako tinitignan?
Kanina ka pa ah!."biglang sambulat niya.
Nagulat ako nang makita siya aking harapan. Sasagot sana ako , ngunit natigilan ako nung masilayan ko nang malapitan ang nakabusangot niyang mukha. Lalo siyang naging cute. Pano pa kaya kung aasarin ko siya hehehe.
"Ba't d ka makasagot? Pipi ka ba .?
Uy, ! Tinatanong kita?! " may halong inis niyang tanong.
"Ah, eh , napadaan lang ako " sabay kamot ng ulo.
"Nakita kita na nagdo-drawing kaya na curious ako. Masama bang tumingin? "kiming sagot ko.
"Ganun ba? Akala ko kung ano na. Teka , bago ka lang ba dito ? Ngaun lang kasi kita nakita." bahgya siyang ngumiti.
"Oo. Ako nga pala c _____"
"Nathan!"
D ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumawag c mama.
"Kanina pa kita hinahahanap. Nandito ka lang pala. Kailangan na nating umuwi. Hinahanap tayo ng daddy mo. Say goodbye to your friend. " sabay hila sa akin ni mama na nagmamadali.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil nais ko pa siyang lubos na makilala
. Kaya nagwave nalng ako sa kanya. "Eto kasing si mama nagmamdali. D ko tuloy nalaman kahit man lang yung name ni cute little girl. . Ang cute pa naman niya"inis na sinarili ko lang. Baka mamamaya mag tantrums ako makurot ako ni mama sa tagiliran. Masakit yun!!! Napa ouch ako habang iniisip yun.
"Nice meeting you Nathan! Balik ka ulit ha! "Sigaw ni cute little girl .Habang kumakaway na nakangiti.
Parang may humaplos sa aking puso at nakaramdam ako ng lubos na kasiyahan. Nang marinig kong banggitin niya ang aking pangalan ay ang sarap pakinggan .
Kumaway ako pabalik.
"Pangako babalikan kita. Ms. Cute Little Girl" sigaw ko sa kanya.
Pagsakay sa kotse dala-dala ko ang ang pangako na kahit anong mangyari babalik at babalik ako sa kanya.
Itutuloy?
BINABASA MO ANG
Possessive Badboy
Romance"Nakalimutan ng isip , puso ang magpapaalala. Nakalimutang nakaraan, tadhana ang gagawa ng paraan ." Mula sa isang ampunan sila unang pinagtagpo. Naging magkaibigan , ngunit sa isang iglap nagkalayo ang dalawa. Lumipas ang 10 taon , patuloy sila...