HIGH SCHOOL DAYS

8 0 0
                                    

{1}

"Alcantara, Nashley C." tawag ng kanilang adviser na nasa entablado.

Agad naman siyang nagmartsa papunta sa stage kung saan ay kukunin na niya ang katibayan ng kanyang pagtatapos sa high school.

"Ako si Nashley Alcantara. My friends call me Nash. Sinong mag aakalang makakapagtapos ako sa high school samantalang unang taon ko pa lamang dito ay nagloko na ko. Napabarkada, sumali ng gang, bumaba ang grado (pero wala akong bagsak) at natutong mag cutting classes. Napapasama ko sa gulo ng dahil sa mga inggitera sa paligid. Hay! High school life nga naman.

Pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko. Hindi ako marunong sa away. Hindi rin ako lumaki na madalas sa labas gaya ng ibang bata dahil sa sakitin ako noong bata. Mas madalas pa ko sa ospital kesa sa bahay.

Nung elementary ako hindi ko hinahayaang mawala ako sa Top kahit na lumipat ako ng school nung grade 5 ako dito sa Maynila ay pinanatili kong nasa Top of the class pa din ako.

I met 3 girls here in Manila same age ko lang din sila at sabay sabay kaming nagtapos sa elementarya ngunit sa magkakaibang paaralan.

Nang maghigh school kami ay dito kami nagkasama samang apat kahit na magkakaiba ng section ay magkakaibigan pa din kami, we're bestfriends since then but our closeness was changed due to our different schedules. Hanggang sa napalayo ng tuluyan ang isa samin.

My first day as a freshmen was quite different from my elementary days hanggang sa dito nga ako tuluyang nagbago.

I was just a simple ordinary girl and behave before not until I become friends by 3 girls who were my classmates too.

I learned how to cut classes because of them pero kahit na ganun I still find a way para hindi mahuli sa leksyon at hindi tuluyang bumagsak (I'm afraid with my mom kasi). Napasali din nila ako sa gang who is very famous until now here in the country.

Nung una active ako sa pag attend ng meeting, pag may reresbakan sila (yes sila lang! Pinanonood ko lang sila ayokong mabangasan ang mukha ko nun eh saka hindi ako marunong makipag away), pero pag may bagong sali at may idiD.A syempre kasali ako sa bumibinyag kahit pa kaibigan ko siya cause in that gang being a friend is not an excuse, punishment is a punishment. Sa pagbibigay ng pondo para sa pampyansa ng nakulong samin o kaya naman ay para sa mga gamit namin like guns, knife at kung anu ano pang gamit panglaban kapag may rambol ay wala din akong palya.

Until one day...

Para akong nautog at natauhan. Hindi na ko naging active sa gang at sa lahat maski pondo ganun din ang tatlong nagsali sakin dito kaya naman napag initan kami ng OG namin at hinunting kami. Tuwing uwian ay inaabangan niya kami sa labas pero dahil nasa higher section kami sa mga gantong sitwasyon pinagagana namin ang utak namin. Sumasabay kami ng labas sa teacher namin o kaya naman ay sa likod kami dumadaan kapag nakita naming sa harap siya nag aabang. She's a totally idiot! Hanggang sa nagsawa na lang siya.

My sophomore and junior days was quite normal for me. Malayo noong freshmen pa lang ako at dahil nga sa hindi ko hinayaang bumagsak ng tuluyan ay dalawang section lang ang ibinaba ko nung sophomore at umaangat pa ng isang section noong junior ako at silang tatlo? Malayo na ang naging agwat nila pati schedule nila ay naiba sakin. I focus on my studies at muling umangat ng isa nung magsenior na ko.

At sa huling taon ko dito ay biglang nagbagong muli ang takbo ng high school life ko. Pareho naming hindi alam kung papano but we found each other attractive. He was my classmate during my sophomore days and he became one of my competitors sa lahat ng acads. That time I really know he doesn't like me. He always gave me a deadly glare kapag nagkakamali siya ng sagot at masasalo ko ito ng tama.

Hanggang sa eto na nga. He courted for almost a month. Sinagot ko naman siya kahit alam ko sa sarili kong may ibang hinahanap ang puso ko pero hindi naman ibig sabihin nun na wala akong nararamdaman para sa kanya.

Nang maging kami nagsimula na naman akong magcut ng classes lalo na pag Math class na namin. Magkaiba kasi kami ng oras kaya madalang lang din kaming magkasama at madalas na free time nila ay math class namin. Minsan pinagagalitan niya ko dahil nga sa graduating kami pareho at baka bumagsak ako dahil sa ginagawa ko but in the end wala na din naman siyang magawa kasi gusto din naman niya yun."

At eto na nga, graduate na ko! Panibagong buhay na naman ang kakaharapin ko. New goals, new journey! At sa pagtatapos kong ito ay ang pagbubukas ng panibagong kwento ng buhay ko.

"And now let's give our Valedictorian around of applause for her closing speech." sabi ng isang guro. Umakyat na ang Valedictorian namin sa stage at nagsimula na sa kanyang speech. Halos kinse minuto lang naman ang itinagal nito.

"Congratulations to all of us batchmates!" pagtatapos nito.

Pagkatapos ng speech ay ang pagtugtog ng kantang "High School Life" ni Sharon Cuneta. Kasabay ng pagtugtog ay isang malakas na hiyawan naming nagsipagtapos at mga nagiiyakan na may kasama pang yakapan sa isa't isa dahil sa tuwa.

A Broken Vow (A College Girl Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon