ASKING PERMISSION

2 0 0
                                    

{10}

Sinunod naman ni Morris ang sinabi ni Nash. Hiningi niya ang number ng mama nito pero dahil sa magkausap sila ng dalaga ng gabing yun, nawala na sa isip niya ang dapat niyang gawin.

Kinabukasan...

"Goodmorning po Tita. Si Morris po ito. Pwede po ba kong pumunta dyan sa inyo mamya para makausap po kayo ng personal?" text nito sa mama ni Mama ng dalaga. Kalahating oras ang lumipas ng magreply ito.

"Ikaw pala yan. Pwede naman pero tungkol saan ba yan at personal ka pang sasadya dito?" reply nito sa kanya.

"Salamat po! Mamaya na lang po tita."
Pagkasend niya ng message na yun ay agad siyang naligo at nagbihis.

Maya maya lang ay nasa byahe na siya papunta kila Nash.

Morris POV

Papunta na ko kila Nash ngayon. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.

Kinakabahan ako dahil hindi ako sigurado kung papayag nga ba ang mama niya na ligawan ko si Nashley. Bata pa siya sa edad na 16. Ako naman ay 3 years ahead sa kanya.

Pero syempre nakakaramdam din ako ng excitement dahil makikita ko na uli siya after 2 months.

Kumabog na naman ang dibdib ko ng nasa harap na ko ng gate nila. Nagdoorbell ako at ilang segundo lang ay may nagbukas na nito. Ang mama ni Nash.

"Oh! Nandyan ka na pala. Tuloy ka." anyaya nito sakin.

"Salamat po" nakangiting sabi ko kay tita.

Pinaupo niya ko sa sofa at kumuha siya ng softdrinks. Pagkalapag niya nito sa mesa ay umupo din siya sa upuang nasa tabi ng sofa.

"Ano nga palang pag uusapan natin?" agad na sabi ni tita kaya napalunok ako. Uminom muna ko at humugot ng malalim na paghinga bago nagsalita.

"A-ano po kasi tita..." naputol naman ang pagsasalita ko ng biglang may magsalita galing sa labas.

"Andito na ko Ma!" dinig kong sabi ng pamilyar na boses.

At nang makapasok na siya sa loob ay napahinto siya saglit ng mapadako ang tingin niya sakin. Itinaas ko ang kanang kamay ko.

"Hi!" bati ko sa kanya at ngumiti naman siya sakin bago nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin ng makaupo na siya sa isa pang upuang nasa tabi lang din ng sofa.

Sasagot na sana ko ng magsalita naman ang mama niya. "Ba't di ka muna magbihis para naman may makausap dito si Morris habang nagluluto ko." sabi nito at bumaling ng tingin sakin. "Dito ka na kumain ng hapunan. Padating na din naman si Zhian.

"S-sige po." napatingin ako kay Nash ng tumayo siya at umakyat na sa taas.

"Ah tita. Hindi po si Zhian ang sadya ko dito." panimula ko kaya naman tumingin siya sakin na may pagtataka sa mga mata.

"Ganun ba? Ah! Oo nga pala. Ano nga pala yung paguusapan natin? Mukhang napakahalaga niyan at sinadya mo pa ko dito."

"Ano po kasi.. S-si Nashley po talaga yung sadya ko dito tita. I mean about po sa kanya yung pag uusapan po natin." kinabahan na naman ako pagkasabi ko nun. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni tita.

A Broken Vow (A College Girl Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon