{11}
"Ma!" tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya sakin at agad naman akong lumapit.
"Tulungan na kita."
"Oh sige! Hiwain mo na lang to nang maigisa ko na." ibinigay niya sakin ang chopping board and knife pati na din ang nga sangkap na hihiwain.
Tahimik lang kami ni mama sa ginagawa ng basagin niya ang katahimikan.
"Nash anak, alam mo ba kung anong sadya ni Morris dito?" tanong niya sakin kaya naman napalingon ako sa kanya.
"Yes ma, ako ang nagsuggest sa kanya nun." napayuko ako pagkatapos.
"Okay lang naman yun anak. Wala namang masama sa ginawa niya. In fact natuwa nga ko at least malinis yung intensyon niya sa'yo."
Nakangiting sabi niya at lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at nagsalita.
"Alam mo ba noong panahon namin, ang ganung gawi ay pagpapakita ng pagrespeto ng isang lalaki hindi lang sa kanilang nililigawan kundi maging sa magulang?" napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang ngumiti sakin kaya naman napatango ako at napayakap sa kanya."Thanks ma." at kumalas na ko sa pagkakayakap sa kanya.
"Magluto na tayo at baka gutom na din sila. Padating na din si papa mo." pagkarinig ko nun ay bigla naman akong napatingin sa kanya na may halong pag aalala. Napansin naman yun ni mama kaya naman ngumiti lang siya at nagsalita. "Wag kang mag alala hindi natin ioopen yun. Pag kaming dalawa na lang ni papa mo saka ko na yun ioopen sa kanya." napabuga na lang ako ng hangin dahil dun. At least nabawasan ang kaba ko.
Kilala ko si papa at dahil nagiisang babae ako. Sigurado akong hindi yun papayag.
Prinsesa kung ituring ako ni papa noong bata pa lang ako dahil na din sa sakitin ako pero hindi yun naging dahilan para maispoiled ako.
Unlike sa ibang spoiled brats dyan na halos hindi mautusan ng mga magulang. Sunod sa luho at tipong kulang na lang ay paluhurin nila ang mga magulang nila kapag hindi sinunod o maibigay ang gusto nila.
Hindi ako lumaking ganon. Kuntento ako sa anong kaya lang nilang ibigay sakin. Hindi naman kasi kami mayaman though hindi rin naman kami ganon kahirap.
Marunong ako sa gawaing bahay. Pinalaki nila kaming magkapatid na maging responsable. At age of 9 at si kuya naman ay 11, katulong na kami ni mama sa paglalaba niya. We can clean our house at our young age. Ako ang magfofloorwax sa taas tapos si kuya naman ang tagabunot. Nakakapagsaing na din ako at nakakapaghugas ng mga pinagkainan namin at age of 10.
Nagsimula akong turuan ni mama na magluto ng mga ulam nung naghigh school na ko.
Hindi ako bihasa sa mga frieds unlike kuya. Madalas kasi kaming nag aaway ng mantika.
Mas kayang kaya ko pag yung may mga sabaw at mga guisado. Yung mga may sarsa naman medyo lang.
Nang matapos na kami sa pagluluto ay naghain na kami. Saktong pagdating naman ni papa.
Nakita kong binati ito ni Morris sabay tingin sakin. Nginitian ko lang siya at gumanti rin naman siya ng ngiti.
Umakyat si papa para magpalit ng damit at agad din namang bumaba.
Sabay sabay na kaming kumain at pagkatapos ay naupo muna kami ni Morris sa sala. Si papa naman ay umakyat na agad pagkatapos magtoothbrush. Pagod daw talaga siya ngayon.
"Pano ba yan? Pinayagan na ko ng mama at kuya mo?" nakangiting panimula niya.
"So? Ano naman kung pinayagan ka?" taas kilay kong sabi sa kanya pero nakangiti pa din siya sakin. Nabaliw na yata to.
"Edi syempre mas madalas na kitang makikita. Hindi lang kita sa text o tawag pwedeng makausap. Pwede na kitang dalaw dalawin dito anytime lalo na pag kailangan ko ng energy pag may laban kami ng basketbol sa kabilang barangay." sabi nito sakin sabay kindat kaya naman naramdaman kong namula ang pisngi ko at di ako nakapagsalita agad.
"You're blushing!" turo niya sakin habang natatawa. I just rolled my eyes at itinuon ang mata ko sa palabas na nasa tv.
"Hey! Galit ka ba? Sorry na.. You look cute lang kasi when you're blushing and the way kung pano mo ko tarayan? Imbes na magworry ako ewan ko ba pero mas kinikilig pa ko." natatawa pa ding sabi nito.
"Baklang bakla lang ah?" ako naman ang natawa ng makita ko ang reaksyon ng mukha niya.
"Grabe ka naman. Kinikilig lang bakla agad? Ganun lang talaga kapag nagmamahal." and he do it again. He winked at me and my face betrayed me once again kaya naman natawa na naman siya. Nakakainis dapat di ko na lang muna tinanggal yung blush on ko!
Hindi na din naman siya nagtagal pa dahil lumalalim na ang gabi. Nagpaalam na siya samin at nang makaalis na siya ay umakyat na din kami ni mama para makapagpahinga.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow (A College Girl Love Story)
Teen FictionShe is Nashley Alcantara.. A girl who doesn't fallen inlove with someone else cause her heart only beats to one guy.. And.. He is Morris Alegre.. A guy who got fallin' in love with a girl at the first he saw her but he didn't get a chance to know he...