BFF ADVICE

2 0 0
                                    

{9}

Pagkauwi ko ay nagbihis agad ako at lumabas ng bahay.

"Ma punta lang ako kila Jenny. Babalik din ako agad." paalam ko kay mama.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ng palda at tinext si Jenny. Walking distance lang naman ang bahay nila mula samin.

"Sis? Nandyan ka ba sa inyo? Papunta kasi ko ngayon dyan." text ko dito at agad naman itong nagreply.

"Wala ako samin sis, dito ako kila Joan dito kana direcho." reply niya sakin. Dumiretso na ko kila Joan.

Joan and Jenny are my bestfriends since high school. At pag sa ganitong sitwasyon alam kong sila ang matatakbuhan ko.

Walking distance lang din ang bahay nila Joan kaya naman nasa limang minuto lang paglalakad ko papunta dito.

"Sissy's!" bati ko sa kanila.

"Oh nandyan ka na pala long time no see ah? Kahit ang lalapit lang natin." nakasimangot na bungad ni Joan sakin.

Pumasok na ko ng bahay at agad ko namang niyakap ang nagtatampong kaibigan.

"Long time no see agad? Parang ilang linggo lang naman tayong di nagkita after coronation eh. Pasensya na busy lang din kasi ako sa school." pang aalo ko sa kanya at kumalas na sa pagkakayakap.

"Hahaha.. Wag mo ngang pinagpapapansin yung pagdadrama niyan. Parang di ka na nasanay dyan. Kulang na lang ikadena mo yan sa bewang mo eh." sabat naman ni Jenny habang natatawa.

"Ewan ko sau Jen, palibhasa kasi ikaw okay lang sayo kahit hindi kayo magkita ng ilang buwan." nakasimangot pa ding sabi ni Joan at napailing na lang si Jenny habang nakangisi.

"Hep! Tama na yan. Babawi na lang ako pag sembreak. Promise!" pag aawat ko sa kanila sabay taas ng kanang kamay ko.

"Whatever!" si Joan lang ang sumagot. Saming tatlo kasi si Joan lang naman ang masyadong madrama sa buhay habang si Jenny ay go with the flow lang.

"So? What's going on? Mukha may problema ka na naman. Look at yourself! Nakauniform ka pa talaga." sunud sunod na sabi ni Jenny sakin.

I deeply sighed and smirked after. "You really knew me huh? Well I'm just here not because may problema ako. I just want to have some advice kung ano bang next step ko."

"Edi may problema ka nga! Tss.." balik na sabi ni Jenny sakin.

"Okay okay! Ganto kasi sis.. Remember that guy Morris?"

"Ah! C Papa Morris?" patanong na sabi ni Jenny habang ang mga mata nito ay tila kumikinang.

I chuckled and nodded my head.

"Oh? What about him?" Joan asked.

"Ano kasi.. Kanina magkatext kami tapos..." hindi ko na natapos ang sasabihin ng sumingit si Jenny.

"Nagtanong kung pwede ba siyang manligaw? Tss." Jenny says then she rolled her eyes.

"How'd you know? Saka anong arte yan Jen?" takang tanong ko dito at saka ko siya tinaasan ng kilay.

A Broken Vow (A College Girl Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon