{4}
Third Person POV
Dalawang linggo na ang lumipas at bihira lang sunduin si Nash ng boyfriend nito na naging dahilan ng panlalamig ni Nash sa kanya.
"Oh Nash! Sinong sinisilip mo dyan sa bintana? Tara na! Wala ka pang sundo?" tanong ni Angie sa kanya.
"Meron! Siya nga yung sinisilip ko. He's already downstairs waiting for me." sagot naman nito.
"Yun naman pala eh! Ba't sinisilip mo pa? Para kang baliw dyan." natatawang sabi ni Angie. At nang hindi sumagot si Nash ay bumakas sa mga mata nito ang pag aalala.
"May problema ba?" tanong muli nito.
Nashley sighed deeply. "I think.. I don't love him anymore." sabi nito.
"What!? Bakit? May nangyari ba? May third party?" sunud sunod na tanong ni Angie.
Umiling lang ito. "Remember what I told you before? I have a feelings but I don't love him deeply. And siguro dahil na din sa bihira na kaming magkasama o magkausap man lang di gaya noon kahit na hindi kami madalas na magkasama, palagi naman kaming nagkakausap eh parang unti unti ko na lang nararamdamang nawawala na yung feelings ko for him. Ewan ko ba? Pareho na din kasi kaming busy. Basta!" paliwanag nito.
"Eh anong plano mo ngayon? Don't tell me paghihintayin mo siya dyan? At ikaw? Ano? Ikaw ang magsasara ng school?" sabi ni Angie habang natatawa.
"Baliw! Of course not, I'll text him to go home. Sasabihin ko na lang na maaga kong umuwi kasi masama pakiramdam ko then we can talk about us later." sabi nito at kinuha niya ang phone sa bulsa ng palda.
Nang makita nitong umalis na ito ay bumaba na din sila at sabay ng umuwi.
Nashley POV
Nang makauwi na ko ay nagbihis ako agad. Humiga ako sa kama habang nag iisip.
Nararamdaman kong mahal niya ko. Ayoko siyang saktan pero hindi naman tamang ganituhin ko siya palagi. He deserves someone better than me.
Napabuntong hininga ko ng ilang ulit bago nagdesisyong itext siya.
"Hey! Can we talk?"
Nagreply naman siya agad. "Yeah? May problema ba baby?"
"I think so."
"What is it?"
"Ah.. Ano kasi.. Okay! Just want to say thank you sa lahat lahat."
"Sus! Yun ba? Wala lang yun sakin isa pa, boyfriend mo ko kaya lahat gagawin ko para sa'yo."
At tumulo na lang bigla ang luha ko ng mabasa ko yun hanggang sa napahagulgol na lang.
"Baby? Still there? May problema ba?"
Ilang minuto muna ang pinalipas ko hanggang sa kumalma ang pakiramdam ko bago ako nagreply sa kanya.
"Al, I don't think it is gonna work anymore.."
"What do you mean?"
BINABASA MO ANG
A Broken Vow (A College Girl Love Story)
Teen FictionShe is Nashley Alcantara.. A girl who doesn't fallen inlove with someone else cause her heart only beats to one guy.. And.. He is Morris Alegre.. A guy who got fallin' in love with a girl at the first he saw her but he didn't get a chance to know he...