NEW FRIEND

4 0 0
                                    

{3}

Araw na ng pasukan at sa araw na yun ay hindi na ko nagpahatid pa kay Mama.

"Hindi na Ma, kaya ko na. Isa pa malayo layo man yun dito eh one ride lang naman. Tanda ko naman yung lugar." tanggi ko sa kanya dahil gusto pa niya pa kong ihatid.

Unang araw ko sa kolehiyo at ito rin ang unang beses na babyahe ako ng medyo malayo na ako lang mag isa.

Gaya ng sinabi ko kay mama nakarating ako sa school na papasukan nang hindi man lang naligaw.

"Okay students, since na some of you are from different school, mind to introduce yourself? One by one please and it starts from here. No need to stand here in front, just stand and stay where you are." sabi ng prof namin sabay turo sa kanang upuang malapit sa pinto ng classroom namin.

"Hi I'm Heseel Maravilla from Commonwealth High School." pakilala ng matangkad na babae.

"Angeline Rivera call me Angie and I'm from Monsai High School." sunod na pakilala naman ng isang payat ngunit magandang babae.

"My name's Nashley Alcantara and I'm a former student of High Manila." pakilala ko sa kanila hanggang sa nagsunod sunod na ang iba pa.

"Okay! By the way I'm Gloria Viaña and I will be your professor in Front Office NC II and NSTP I. And now let's start our class." pakilala naman ng prof namin at nagsimula na ang aming klase. Ilang oras ang lumipas at tumunog na ang bell para sa lunch break.

"Hey! Hindi ka ba kakain?" tanong ni Angie sakin. Napansin niya sigurong hindi pa ko tumatayo.

"Ah kakain naman, kaso parang wala namang kainan dito." sagot ko sa kanya habang inilalagay ko ang notebook sa bag.

"Meron yan! Tara hanap tayo." napatingin ako sa kanya at nginitian niya ko. Ngumiti din ako sa kanya at tumayo. Bumaba na kami ng building para lumabas ng school at maghanap ng makakainan.

May nakita kaming fastfood restaurant sa kabilang kalye at dito na lang namin napagpasyahang kumain.

Sampung minuto bago matapos ang lunch break ay bumalik na kami sa school at pagtunog ng bell ay nag simula na uli ang klase.

Mabilis lang na lumipas ang oras at tumunog na uli ang bell.

"Saan ka umuuwi?" tanong ni Angie sakin habang pababa kami ng hagdan.

"Ah! Sa Tondo lang ako nakatira, ikaw ba?" sagot ko sa kanya.

"Talaga? Sa Quiapo lang ako banda."

"Edi tatawid ka din sa kabila para sumakay."

"Oo! Tara? Sabay na tayo. Ano bang sasakyan mo?"

"Papier south ako."

"Dadaan yun sa Quiapo diba?"

"Oo. Tara na?"

Tumango naman siya bilang pagsang ayon.

Habang nasa byahe kami..

"Nash ilang taon kana?"

"16 pa lang ako."

"Pareho lang pala tayo. May boyfriend kana?"

"Meron."

"Eh bat di ka sinundo?"

"First day of classes di ba? Hahaha. Baka bukas sumundo yun."

"First Love mo siya?"

"Hindi. Iba ang first love ko at never pang naging kami. Yung boyfriend ko ngayon? May feelings naman ako sa kanya pero hindi ko masabing ganun kalalim."

"Wait! You already have your first love pero hindi pa naging kayo? Eh pano mo nasabing first love mo siya kung di pa naman naging kayo?"

"I just considered him as my first love kasi naman simula nung makita ko siya. Alam mo yung sinasabi nilang spark? Ganun! May ganun! Pero bigla na lang siyang nawala. Di ko alam kung nagtransfer na ba siya o baka naman gumradweyt na. I have no idea. Freshmen palang ako nun eh. And after that. Never na kong nakaramdam ng ganun sa iba. Yung ngayon? Siya pa lang ang una kong naging bf. May feelings ako for him pero he can't replaced that guy in my heart."

"Oh! I see.. I found it romantic but tragic for your so called bf. Pero who knows? Kung kayo naman talaga di ba? Magtatagpo pa din kayo."

"Yeah! Teka? Bat lovelife ko yung chinichika mo? Eh ikaw ba?"

"Hahaha nagtanong lang ako hindi ko naman inexpect na magkukwento ka na." natatawa niyang sagot sakin at nagsalita uli. "Well ako? Tss! Sabi nila playah daw ako."

"Playah?"

"Oo! Madaming jowa, hindi nagseseryoso ganun."

"Ah! Bakit naman?"

"Hmm.. Siguro dahil hindi ko pa nakikita yung first love ko? As simple as that, I guess. Manong bayad po!"

Tumingin naman siya sakin. "Ibinayad na kita. Okay na." sabi niya sabay ngiti niya sakin.

"Salamat!"

Kahit traffic ay wala ng ni isa samin ang nagsalita. Isinalpak ni Angie ang earphone niya sa tenga at pumikit habang nakikinig ng music samantalang ako ay napatingin na lang sa labas.

Halos mag iisang oras na ang lumipas ng dumilat si Angie. Nakaidlip siya dahil sa traffic.

"Saan na tayo?" tanong niya sakin.

"Morayta na. Sarap tulog ah?" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Bitin pa nga eh!"

At nang nasa Quiapo na kami ay pumara na si Angie.

"Para po! Mauna na ko Nash, see you tomorrow. Babush!" at bumaba na ito ng jeep.

Ilang minuto lang din naman ang naging byahe ko at nakauwi na din ako sa wakas.

"Oh! Andyan ka na pala? Kamusta ang unang araw?" tanong ni mama.

"Okay lang naman Ma and I think I found new friend." sagot ko kanya at umakyat na ko sa taas para magpalit ng damit.

A Broken Vow (A College Girl Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon